Nililigawan
Humikab ako pagkalabas ko sa aking sasakyan. Kinusot-suot ko pa ang aking mga mata dahil biglang humapdi ito sa pagtama ng sikat ng araw.
“Puyat na puyat, ah,” puna ni Ise.
Mukhang hinintay ako ng mga ito. Kasama ni Ise sina Erald at Shire. Nakasandal si Ise sa pintuan ng kaniyang sasakyan habang sina Erald at Shire ay nasa kaniyang harapan. Sa malayo naman ay nakita ko sina Reiven at Brady, kausap nila si Rouel at mga kaklase nito. Nang makita ako nina Reiven ay nakita ko ang agaran nilang pamamaalam sa mga ito.
“Did you sleep? You look like a zombie. Bakit ganyan ang mga mata mo?” puna naman ni Reiven nang makalapit ito sa akin.
Tinabing ko naman agad ang kaniyang kamay nang hahawakan niya sana ang mukha ko. Tinaasan lang ako nito ng kilay kaya umirap ako sa kanya.
“Mauna na kayo. Bibili lang ako ng kape ko.”
Hindi ko na hinintay ang sagot ng mga ito at nag-umpisa na akong maglakad. Bawat nadadaanan kong estuyante ay napapabaling sa akin, ngunit hindi ko nalang binigyan pansin ang mga ito.
I couldn’t sleep last night because I kept thinking about my feelings for Fallus. I don’t know when exactly I started to feel these strange feelings for him. Noon bang nilagnat ito o matagal na. Noon kase sa tuwing tinititigan niya ako gamit ang kaniyang seryosong mga mata ay hindi ako mapakali. Noon at hanggang ngayon ay gano’n pa rin ang nararamdaman ko. Walang nag-iba at sa tingin ko ay lalo pang lumala. Is this a delayed realization, or have I been suppressing these feelings?
Naiisp ko rin kagabi na hindi ako naiirita sa mga nagkakagusto o nagnanakaw ng tingin kay Fallus dahil lang doon. Naiirita ako dahil sa pilit nilang pagkuwa ng atensyon ni Fallus. Binigay ko rin kaagad ang number niya sa mukhang foreigner kahapon dahil ayokong magkausap sila ni Fallus. Alam kong kaseng ikaiirata ko ‘yon.
Now, after a long time of thinking and realization I’ve finally admitted to myself that I like him. I don’t know when this feeling started, but I really like him. Hindi ko nga alam kung paano ko siya haharapin ngayon dahil sa nagpagtanto kong ito.
Should I avoid him? Should I treat him differently? Should I act the same way as before? Should I sho—
Hindi ko na alam! This is new to me!
I never liked someone before. Naalala ko pa nang tinanong ako nina Ise kung sino ang gusto at ang tangi ko lang sagot ay wala. Hindi naniwala ang mga ito, lalo na si Dian. Kaya naman napilitan akong sabihin ang pangalan ng sikat na basketball player dito sa aming school. Hanggang ngayon ay inaasar pa rin nila ako roon, kahit na hindi ko naman talaga siya kilala. I know his name, but I don’t see his face at all. Hindi rin naman ako interesado kaya hindi ko na rin inalam pa.
Tulad nang hindi ako interesado sa mga manliligaw at balak pa na manligaw sa akin. Hindi dahil sa madalas na pagtutol nina Kuya at Daddy, dahil may ibs akong gusto. Hindi ko lang agad napagtano dahil madalas ko naman nakakasama ito.
Yes, Ise. The guy I like plays basketball. Palagi nga lang nasa bangko. Gusto kong sabihin ito sa mga kaibigan ko kaya lang baka hindi nila ako paniwalaan. Sa araw-araw ba naman kaming langing magkaaway ni Fallus, weird nga naman kung sasabihin kong may gusto ako sa kanya.
Ako na laging irita kay Fallus ay may gusto sa kanya? Yes, I am. At lalo pa akong naiirita ngayon dahil hindi ko alam paano umastang wala lang ito sa akin.
But there’s no way I am going to confess to him! Paniguradong idadagdag lang ako sa collection ng mga babae niya. Sa ganda kong ito? Hindi pang collection ‘to, pang one and only kaya itong ganda ko.
BINABASA MO ANG
Unaware Feeling (Barkada Series #2)
RomanceAmethyst Santos is secretly in love with Fallus Muan. The two are like water and fire. Despite their differences and disagreements, they've found a way to create a unique harmony, and they always settled their arguments. Amethyst didn't know when sh...