Kabanata 14

18 3 8
                                    

Life

I thought Fallus would bring out what happened yesterday, but he’s strangely silent about it. He’s just sitting beside me quietly while watching our friend. Tahimik lang ito na s’yang pinapasalamat ko. I didn’t want to talk about it either. Natatakot akong pag-usapan ang nangyari kagabi dahil baka magtanong pa ito at hindi ko masagot na hindi naaamin ang nararamdaman ko.

Sumandal ako sa kinauupuan ko, ngunit mabilis din akong umupo ng tuwid dahil tumama ang likod ko sa kamay ni Fallus na nasa sandalan ng kung saan ako nakaupo—nakapatong.

Nasa bukid kami ngayon. Kakagaling lang namin mag simba ngunit nakapagpalit na sila ng mga damit. Ngayon ang balak kong magpakain ng isda. Dapat kasama ko si Daddy, ngunit dahil ang sabi ni Fallus ay tutulungan ako nito, kaya hinayaan kami ni Daddy. Nalaman din ng mga kaibigan ko ang balak na gagawin namin ni Fallus kaya narito silang lahat. Narito sila hindi para tumulong magpakain ng isda kundi para tumambay lang.

Sa tapad ng bahay na narito sa aming bukid, may maliit na kubo. Nakatayo ito sa mismong fish pond kaya kitang kita ang tubig sa ilalim nito. Ang kubo ay may isang mesa at tatlong mahabang upuan sa bawat gilid. Ang tanging walang upuan lang ay ang pintuan nito. Wala rin itong dingding kaya makikita ang labas, tulad ng malalawak na fish pond at ang Bundok Arayat. Hanggang bewang ko lang ang tanging dingding para proteksyon mula sa pagkakahulog sa tubig.

“Girlfriend mo na ‘yon!?” gulantang wika ni Asric kay Brady.

Nakita kase ni Shire si Brady na may kasamang babae kahapon, kaya ito ngayon ang pinag-uusapan nila. Hindi pa nga kami makapaniwala dahil ang kaibigan naming ayaw makaramdam ng pag-ibig ay ngayon ay may girlfriend na.

“Why?  There’s problem about it?” tanong naman ni Brady habang ang atensyon ay nasa kan’yang cellphone at may ngiti sa kan’yang labi.

“Wala naman.” Kumamot ng ulo si Asric habang putol-putol ang tawa.

“Ingat ka ba, Pare? Pwede naman tayo,” sabat ni Hevo.

Binato ni Asric ng chichirya si Hevo na mabilis namang tumama sa mukha nito.

“Tangina! Manahimik ka sa kabaklaan mo Hevo, ah!”

“Gago! Pwede naman tayong maghanap ng girlfriend kase ‘yon!”

Nagpatuloy sa bangayan ang dalawa hanggang sa makisama na ang iba. Tumawa lang ako sa mga kalokohan nila at gan’on din si Fallus sa tabi. Sa kalagitnaan naman ng pagtawa ko ay naramdaman ko ang paghila ni Fallus sa manggas ng damit ko sa aking likod. Hinihili niya ito upang masandal ako sandalan kung nasaan ang kamay niya.

“Magpapakain pa ba tayo ng isda?” tanong nito nang tuluyan n’ya na akong maisandal.

“Yes. Why? May lakad ka?” Tinignan ko ito habang nakataas ang aking kilay.

As a response, he just poked my forehead before standing up. I pouted while I watched him say an excuse to our friends. Nang bumaling s’ya sa akin ay tumayo na ako at sumunod sa kan’ya.

He went inside the house to get the fish food, which is feeds. Nang makuha n’ya na ito ay inilagay niya ito sa bangka habang ako ay nasa gilid lang at hinihintay na matapos siya.

“Fallus, ako kaya ang magsagwan?” I suggested while he’s helping me to get in the boat.

“Ako ang magsasagwan. Ikaw ang mag bi-bigay ng pagkain sa mga isda,” tanging sagot nito.

Gumalaw ang bangka nang makatungtong ako sa loob nito. Dahan-dahan namang tinutulak ni Fallus ito paalis sa pangpang. Nang tuluyan na niyang naitulak ay  mabilis siyang sumampa at nagsimulang magsagwan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unaware Feeling (Barkada Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon