kabanata 1

131 11 6
                                    

Malilintikan

Nadatnan namin sina daddy at kuya pagkadating namin sa bukid. Sabay na bumaling ang mga ito sa amin. Nasa labas ang mga ito, naghahanda ng bangka para magpakain ng mga isda. Si kuya ay natigilan at mariin niya kaming pinagmasdan. Ganoon din si daddy na nakapamewang pa.

Bumaba ako sa motorcycle ni Fallus. Inalis ko ang suot kong helmet—pinatong ko ito sa upuan na malapit roon. Nauna na ako kay Fallus dahil kailangan niya pang i-park ang kaniyang motor. Dahan-dahan naman akong naglakad papalapit kina daddy at kuya. Maputik kase ang daan dulot ng ulan kagabi.

Ilang araw na maulan, dahil may bagyo. Ilang araw na rin suspended ang mga klase. Baha na rin kase ang mga ibang kalsada. Ngayon lang umaraw. Marahil ay nakalabas na ang bagyo sa bansa.

I greeted Dad and my brother with a kiss when I approached them. Hindi man lang ako pinansin ng mga ito dahil ang kanilang tingin ay na kay Fallus na abala pa rin sa pagpa-park. Nahihirapan si Fallus dahil sa putik at hindi niya maayos-ayos ang pagpa-park ng kaniyang motor.

“Who's with you?” tanong ni kuya na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Fallus.

With a questioning gaze, I looked at dad and my brother. Their brows were furrowed as they stared at Fallus. My brother’s expression also turned grim. If you looked closely, their faces seemed angry.

Tumigil talaga ang mga ito sa kanilang ginagawa para lang titigan si Fallus?

I turn my attention back to Fallus, searching for a reason behind Dad and my brother’s expressions. Fallus is still wearing a helmet and focused on parking his motorcycle. He obviously wasn’t aware of my dad and brother’s stares.

“Ame, who’s with you?” Daddy asked this time. Hindi ko kase sinagot si kuya.

Nakapagpark na rin sa wakas si Fallus. Inalis nito ang kaniyang helmet at tumingin sa gawi namin.  Agad naman tumama ang mata namin sa isa’t isa pagkabaling niya.

“Ah, si Fallus,” wika ni Kuya.

Biglang bumait ang mukha ni Kuya.  Nawala kase ang nakakunot nitong noo at salubong niyang kilay. Maging si Daddy ay ganoon rin. Malawak itong ngumiti nang makita niya si Fallus.

What are their reactions? It’s as if they’re seeing and meeting Fallus for the first time.

“Fallus, halika. Tulungan mo kami rito,” wika ni daddy na may kasama pang pagtawa.

Naiiling nalang akong pumasok sa maliit na bahay na naroon. Dahil maputik sa labas, naghugas muna ako ng paa. May gripo naman malapit sa pintuan. Pinasadya nila ito para kapag maputik, tulad ngayon. Iniwan ko na ang tatlo sa labas dahil kailangan ko pang asikasuhin ang mga pagkain para may makain kami ng mga kaibigan ko.

Ang maliit na bahay na narito ay may dalawang kwarto, banyo, kusina at hapagkainan. Wala itong sala, dahil pagpasok mo agad na bubungad sa’yo ay ang hapagkainan. But there’s a second floor where the fish foods are stored.

Hindi rin naman kase ito tinitirhan, hindi katulad ng mga tirahan ng mga trabahador nina Daddy. Ganito rin naman ang mga tinitirhan nila. Ngunit kumpleto, maayos at mas maganda ang pagkakadisenyo at pagkakagawa.

Nakatayo ang maliit na bahay na ito sa gitna ng apat na fishpond. Malaki pa naman ang way papunta rito. Kasya pa nga ang mga sasakyan namin kung ito ang mga gagamitin namin. Hindi rin naman mahuhulog ang mga ito sa fishpond.

There’s also trees standing around the house that provide shade when the sun is blazing hot. Kung saan ko iniwan sina Daddy, may dalawang punong  Akasya ang naroon. Kung saan naman nang park si Fallus at kung saan nakapark ang itim na sasakyan nina Daddy, doon naman nakatayo ang puno ng manga. May mga maliit din na puno ng bayabas ang madadaanan kapag papunta ka rito.

Unaware Feeling (Barkada Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon