Chapter 1

32.1K 690 47
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

___________________________________________

 Wednesday, February 22, 2017


Jules' POV


"JULES!!! BUMANGON KANA DIYAN AT MALALATE KA NA NAMAN!!!"

"Argghhhh...." tinaklob ko sa ulo ko yung unan ko para hindi ko marinig ang sigaw ni Mama. Inaatok pa talaga ako. 5 minutes pa..

"HOY!! JULIANNE CRUZ!! PAG IKAW HINDI PA BUMANGON DIYAN, AAKYATIN NA KITANG BATA KA!!!" sigaw na naman ni Mama

Napabalikwas ako ng bangon sa sigaw ni mama, at agad na tumungo sa banyo namin malapit lang sa kwarto ko. Minadali ko na ang paliligo ko at nagbihis agad ng uniporme ko sa school.

Habang sinusuklay ko pa ang basa kong buhok pababa ng hagdan ay naabutan ko si Mama na nakapamewang sa baba ng hagdan at salubong na naman ang kilay.

"Good Morning Ma!" naka-ngitian kong sabi sabay kiss sa pisngi niya.

Wala man lang akong nakuhang reaction kay Mama at tinaasan pa niya ako ng kilay. Taray talaga ng Nanay ko.

Nagulat ako ng biglang tinaas ni Mama yung kamay niya. 'makikipag-apir ba itong si Mama'. Itataas ko na din sana yung kamay ko, kaso bago ko pa maitaas nag-landing na yung kamay niya sa tenga ko!

"Ma!! Ahhh!! Masakit!!" daing ko. At higit-higit niya ako papuntang lamesa kung nasaan si Papa at nagbabasa ng dyaryo. Nung nakita niya ako na hila-hila ni Mama sa tenga ay tumigil lang siya sadali para pagmasdan kami at napailing na lang siya sa eksena naming mag-ina at bumalik na sa pagbabasa.

Binitawan lang ni Mama yung tenga ko nung nakaupo na ako. Kaloka! Namumula na naman yung tenga ko dahil sa pingot ni Mama. huhu..wawa naman tenga ko.

"Ma!! Bakit mo naman ginawa sa tenga ko yun?! Sana sinabi mo na lang na dumeretsyo ako sa kusina, matatanggal na ata ang tenga ko sa pinag-gagawa niyo eh!" reklamo ko kay Mama.

"At nangangatwiran ka pang bata ka ha! Talagang tatanggalan na kita ng tenga sa tigas ng ulo mo!" tapos naka-amba na yung kamay niya para hampasin ako.

"Wahhh...!! Opo! Sorry na!! " sabi ko habang pinoprotektahan mga tenga ko..

"Hay nako! Pa, pagsabihan mo nga itong batang ito at hindi na natuto. Maaga akong tatanda nito eh." drama ni Mama kay Papa. Ganyan naman laging sinasabi ni Mama, actually ganito kami lagi ni Mama. Tuwing umaga kaming ganito kasi late lagi akong gumising.

Binaba ni Papa yung binasa niyang dyaryo at tumingin muna siya kay Mama tapos sa akin.

"Jules, makinig ka sa Mama mo," tapos bumaling siya ng tingin kay Mama "Okay na?" tapos balik ulit sa pagbabasa.

Sinamaan siya ng tingin ni Mama at hinampas sa braso.

"Kaya nagkakaganyan ang batang ito dahil sayo eh! Lagi mo kasing kinukonsinte!" sinasabi yan ni Mama habang matuloy na hinahampas si Papa.

"Aray! Anu ba?! Hindi ako makapagbasa!" sabi ni Papa habang sinasalag yung mga hampas ni Mama sa kanya.

Actually, ganito talaga sila. Akala mo teenagers pa din sila kung umasta. Kahit may anak na sila, ganoon pa din sila. Kung sa iba naiirita sila pag parang childish ang parents nila, pero ako hindi kasi matutuwa ako pag nakikita ko silang "naglalambingan" kahit puro bugbog ang nakukuha ni Papa kay Mama. Napapangiti na lang ako pag nakikita ko silang ganito.

My 12 brothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon