Afternoon of May 7, 2017....
Jules' POV
Kanina pa kami nasa byahe. Malayo-layo din pala yung bahay nina- I mean namin pala. Mahigit isang oras din ang biyahe pag galing sa amin.
Pumasok yung sasakyan namin sa isang subdivision nag ngangalang
"Ellison Estate Village"
It's an exclusive village. Hindi basta-basta nagpapasok ang mga guards sa loob ng subdivision unless doon ka mismo nakatira, or may nag-imbita sayo na taga-subdivision. Kailangan pa itong itawag sa mismong bahay bago sila magpapasok ng ibang tao. Ayun yung sinabi sa akin ni Mom
Pero nung nakita ng guard yung sasakyan namin, hindi na kami pinatigil at dere-deretsyo lang kaming pinapasok.
Napanganga ako habang nakatingin sa bintanan ng sasakyan namin, dahil sa mga bahay na nadaanan namin. Halos naglalakihan at ang gagandahan ang mga bahay dito! Halatang mayayaman ang mga nakatira.
Dere-deretsyo lang kami hanggang sa lumiko kami pakanan.
Napanganga ako lalo sa nakita ko at nilingon ko sina Mom at Dad "D-Doon... po k-kayo... nakatira....?!" turo ko sa malaking bahay, or more like a MANSION!
Nginitian naman ako ni Mom "Yes, sweetie" sagot niya sa akin. "That's where you'll live now too" sabi naman ni Dad
Shocked is written all over my face.
Binalik ko ulit ang tingin sa labas ng bintana. THE HOUSE IS SO HUGE!!
Maganda na ito sa malayo pero, mas maganda ito sa malapitan!
"Who is this?" tanong nung tao sa screen
"This is Lee. Open the gates. I'm with the Chairman, Madame and the Young Lady". sabi ni Mr. Butler
"Right away, Sir" tapos nawala na yung tao sa screen. The gates automatically opened.
Mas lalong akong namangha pagpasok namin ng gates. There's a big fountain at the middle of the drive way. We circled around it and the car stop in front of the main entrance.
May mga maids, men in black, at iba pang mga tauhan sa bahay ang sumalubong sa pagdating namin.
May dalawang men in black na mabilis na lumapit sa sasakyan namin at pinagbukas kami ng pinto ng sasakyan.
Nag-thank you ako sa isa sa kanila. Paglabas ko ng sasakyan, natulala nalang ako sa ganda at laki nung bahay-este MANSION ng parents ko. Sobrang laki nito at mala-palasyo ang design. At napakaganda din ng buong lugar. Parang kumikinang pa nga ito sa sobrang ganda.
BINABASA MO ANG
My 12 brothers and I
Novela JuvenilAko nga pala si Julianne Cruz mas kilala bilang Jules Isang araw nalaman ko na lang na hindi pala ako ang tunay na anak ng mga magulang ko Anak pala ako ng isang kilalang pamilya sa bansa, ang mga Villanueva Ayaw ko man iwan ang buhay na kinalakihan...