Same Day....
Jules' POV
Pagkatapos ng last subject ko, inayos ko na ang mga gamit ko para makauwi na ako agad.
Nagpaalam na ako kay Cha na mauuna na ako at hindi na ako sasabay sa kanila pauwi, kasi may basketball practice pa ang mga kuya niya. Gusto na ngang sumabay ni Cha sa akin pauwi, kaso hindi naman papayag yung mga kuya niya na hindi sila sabay-sabay na uuwi.
Nung nakababa na ako ng jeep, naglakad na lang ako papunta sa amin, hindi naman ganun kalayo yung bahay namin. Kaso nung malapit na ako sa bahay, may nakaparada na magarang sasakyan sa harap ng bahay namin, kaya napatigil ako kung bahay ba talaga namin ito.
Tiningnan ko yung paligid, ito nga yung street namin.
Bahay nga namin yung nasa harapan ko, kaso bakit may kotse?
Kaysa tumo-nganga sa labas, pumasok na ako ng gate namin.
Pagpasok na ako ng bahay, ng may narinig akong nabasag at nagsisigawan sa loob. Kaya agad akong pumasok sa ng bahay namin!
Pagdating ko dun naabutan ko ang mga magulang ko na may sinisigawan na dalawang tao, mukhang mag-asawa. Napansin ko din ang basag na baso sa sahig at ang nagkalat na natapon na juice.
"Umalis na kayo!!" sigaw ni Mama
"Hindi niyo puwedeng ipagkait ang karapatan namin!" sigaw nung babae kay Mama
"Anak pa din namin siya!" mahinahon na sabi ni Papa pero kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
"She's ours! She is our child! We've been looking for her for years! We have all the rights to take her back!" matalim na sabi nung lalaki sa mga magulang ko.
Napaupo na lang si Mama sa sofa at umiiyak. Naguguluhan man ako sa mga narinig ko at na-witnessed ko pero pinili ko pa din lumapit kung nasaan sila.
"Ma, Pa. Anong nangyayari dito?"
Napalingon silang lahat sa dereksyon ko. Nakita ko ang gulat sa mukha ng mga magulang ko nung nakita nila ako, ganun din ang reaksyon ng mga kausapan nila.
"J-Jules, k-kanina ka pa ba diyan?" nauutal na sabi ni Mama. Kapansin-pansin ang pamumula ng mga mata niya, dahil sa pag-iyak.
Hindi ko sinagot yung tanong ni Mama. At tingnan ko ang mga kausap ng mga magulang ko.
Tama nga ako na mag-asawa nga ang kausap nina Mama at Papa, pero may isa pa silang kasama, mukhang bodyguard/ butler. Kapansin-pansin din na galing sa maranyang buhay ang mga ito, sa pananamit pa lang nila at may aura sila ng pagiging mayaman.
Yung babae may edad na pero hindi mo mahahalata dahil sa ayos nito. Mukha pa din itong bata tingnan at supistikada. Habang yung lalaki naman may edad na din, pero makikita mo pa din ang kakisigan nito. Sa postura palang nito ay mahahalata mo na strikto itong tao dahil sa matapang ang features ng mukha nito, pero nung dumako ang tingin niya sa akin ay biglang lumambot ang expression ng mukha niya.
Binaling ko ang tingin ko sa mga magulang ko "Ma, Pa sino po sila?"
Mukhang nag-aalinlangan pa sina Mama at Papa na sagutin ako.
Lumapit sa akin si Mama at hinawakan ako sa braso. "Umakyat ka muna sa kwarto mo"
"Ma, ano ba kasing nangyayari?" naguguluhan kong tanong kay Mama.
"Basta! Umakyat ka muna at wag kang bababa!" pakiusap sa akin ni mama
Pero biglang nagsalita yung lalaki. "You can't hide the truth from her forever" seryosong sabi nung lalaki at dumako ang tingin nito sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/1080633-288-k52756.jpg)
BINABASA MO ANG
My 12 brothers and I
Teen FictionAko nga pala si Julianne Cruz mas kilala bilang Jules Isang araw nalaman ko na lang na hindi pala ako ang tunay na anak ng mga magulang ko Anak pala ako ng isang kilalang pamilya sa bansa, ang mga Villanueva Ayaw ko man iwan ang buhay na kinalakihan...