Chapter 3

22.8K 578 43
                                    

Sunday, March 19, 2017


Jules' POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang nalaman ko na ampon lang ako ng mga kinilala kong magulang. At sa loob ng dalawang linggo na yun, wala kaming narinig na kahit ano sa totoo kong magulang. Siguro ayaw nila akong pwersahin na sumama sa kanila.

Akala ko hindi na sila babalik....Pero akala ko lang pala yun.

May dumating na magarang sasakyan sa tapat ng bahay naming kanina. Akala namin ang mga Villanueva ang bababa ng sasakyan. Si Mr. Butler lang pala. Yung lalaking nakita kong kasama ng mga magulang ko nung huling pumunta sila dito sa bahay.

Sinabi niya sa amin na gustong makausap ng mga totoo kong magulang sina Mama at Papa bukas ng gabi at dapat kasama ako. Ayaw pa sanang pumayag ni Mama pero nakiusap si Papa na dapat na nilang harapin sila at makipag-usap ng ayos sa mga totoong magulang ko.

___________________________________________

The next day......

Before mag-7pm ay dumating na si Mr Butler para sunduin kami at ihatid kung saan namin kikitain ang mga totoo kong magulang.

Na-conscious pa nga ako nung tinawag niya akong "Young Lady" at pinagbukas pa niya ako ng pintuan ng sasakyan.

Sa "Celaena's" daw kami kikitain ng mga totoo kong magulang at naikwento din niya na isa ang "Celaena's" sa mga restaurant na pag mamay-ari ng mga magulang ko.

Nagulat nalang kami. GAANO BA KAYAMAN TONG MGA TOTOO KONG MAGULANG?!!!

Sa isang mamahalin na restaurant kami dinala ni Mr. Butler. At mukhang exclusive lang para sa mayayaman tong restaurant na 'to. Kasi halos ng mga customers sa loob ng restaurant ay naka-ayos na parang pupunta silang red carpet!

Medyo na-conscious kami sa suot namin, kasi halatang hindi pasok sa dress code ng restaurant ang mga suot namin. Pero, sabi ni Mr. Butler ay 'okay lang daw' at ang importante ay nandito kami.

Papunta kaming 2nd floor ng restaurant. Bago kami umakyat ng hagdan, napansin kong may dalawang bantay sa magkabilang gilid ng hagdan. Binati nila si Mr. Butler nung dumaan kami.

Pagdating sa 2nd floor, naabutan naming nakaupo sa isang table ang mga totoong magulang ko. Napatayo sila nung makita nila kaming dumating at agad kaming sinalubong.

"Thank you for accepting our invitation" bati sa amin ng totoo kong Ina. "This means a lot to me and my wife" dagdag ng aking Ama

"Thank you din sa pag-imbita sa amin dito ngayong gabi" sagot ni Papa sa kanya. "Panahon na din para pag-usapan natin ang situasyon nating lahat"

Tumango silang pareho at sumang-ayon sa sinabi ni Papa

Napadako naman ang tingin sa akin ng mga totoo kong magulang "H-Hi Celaena...I mean...Jules" she quickly corrected herself "How are you? Naging maayos ba ang byahe n'yo?"nakangiti niyang tanong sa akin

"Okay naman po" tipid kong sagot sa kanya

"We're really glad you all came tonight. We also liked to formally introduced ourselves" nakangiting sabi ng totoo kong ina

"My name is Cassandra Villanueva and this is my husband James William Villanueva" she said and holds his hand "We're Jules' biological parents". At sabay nila akong nginitian. "You can just call us "Mom" and "Dad" " pahabol niya

Tiningnan ko lang silang dalawa, mukha namang mabubuti silang tao. Halatang nangungulila sila sa nawala nilang anak. Napansin ko ding humigpit ang magkahawak na kamay ng aking totoong magulang sa isa't-isa. Halo-halo ding emosyon ang nakita ko sa kanilang mga mata. May kaba, takot, tuwa, pangungulila, at higit sa lahat pagmamahal.

My 12 brothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon