Monday, June 5, 2017
Jules' POV
"Good Morning" bati ko sa kanilang lahat pag-pasok ko ng Dining Room
"Good Morni— "natigilan sila ng makita ako
"Bakit?" tanong ko pagkaupo ko sa pwesto ko sa tabi ni Mom
"Please, tell me you're wearing something under your shirt" sabi ni Kuya Nathan sa akin. Bumaba kasi ako na oversized shirt ang suot.
"I do, Kuya. May suot po akong shorts" napapailing kong sagot sa kanya
"I'm sorry. We're still getting used to you walking around like that in the house" sabi naman ni Kuya Marco sa akin
"You mean, having a girl in the house" pag-correct ko sa kay Kuya. "Don't worry Kuya, nag-adjust din po ako tumira sa isang bahay na madaming kasama na lalaki" I told him
Natigilin ako. That doesn't sound right.... I shake the thought out of my head.
It's been three weeks since nung tumira ako sa bahay ng real parents ko pati ang mga Kuya ko. It's a big adjusting for all of us. Mas makikilala mo talaga ang isang tao pag magkakasama kayo sa iisang bahay. Sa loob ng 3 weeks na yun, mas nakilala ko mga Kuya ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
They don't know how to knock! Basta-basta nalang sila pumapasok sa kwarto ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Flashback*
Nakahiga ako sa kama at nagbabasa ng libro ng biglang pumasok sina Kuya Jace at Kuya Jayden sa kwarto ko.
"Lil Sis! What to play some games?" tanong ni Kuya Jace
"Yeah! Let's play some games!" sabi naman ni Kuya JaydenBinaba ko yung book na binabasa ko "Sige po"
~~~
Bumalik ulit ako sa kwarto after ko makipaglaro kina Kuya. Humiga na ulit ako sa kama ko para i-continue yung binabasa ko
"Lil sis!"
Hindi ko pa nabubuksan yung libro hawak ko ng pumasok naman si Kuya Will sa kwarto ko "Yes, Kuya?"
"We ordered Pizza. You want some before William finished it all?"
"O-Okay. Sure" sagot ko at sabay kaming lumabas ng kwarto ko
~~~
Kakabalik ko lang after ko kumain ng Pizza kasama sina Kuya. Siguro naman this time, hindi na nila ako i-istorbuhin. Nasa magadang part na ako ng binabasa ko ng pumasok ang mga Kambal kong Kuya sa kwarto ko
"LIL SIS! LET'S WATCH A MOVIE!"
"THAT'S IT! GET OUT!"
"W-What...?'
"I SAID GET OUT! LABAS!" sigaw ko sa kanila at tinaboy sila palabas ng kwarto ko at ni-locked ang pinto ko.
Binuksan ko lang ang pintuan ng kwarto ko ng may kumatok. Pagbukas ko it's Kuya Nathan "Dinner's ready"
Tumango ako at sabay kaming bumaba "So, what's this I heard na sinigawan mo daw sina Jace at Jayden pati yung triplets palabas ng kwarto mo?" curious niyang tanong sa akin
BINABASA MO ANG
My 12 brothers and I
Novela JuvenilAko nga pala si Julianne Cruz mas kilala bilang Jules Isang araw nalaman ko na lang na hindi pala ako ang tunay na anak ng mga magulang ko Anak pala ako ng isang kilalang pamilya sa bansa, ang mga Villanueva Ayaw ko man iwan ang buhay na kinalakihan...