Boring Life
Eto ako ngayon, walang magawa, nakatunganga lang sa loob ng kuwarto ko. Wala na. Ubos na ang pera, wala na akong sasakyan, wala pa akong phone. Technically, may natira pa naman akong pera pero 'di 'yon sasapat sa isang linggo. Two thousand pesos a week? Tangina, parang ninakawan ako ng buhay ko.
It's already five a.m., time to prepare for school. Pagbaba ko ng hagdan, naabutan ko si Alex sa kusina. Ano bang ginagawa ng pesteng 'to? Alam ko namang nagluluto siya... pero nilapitan ko pa rin siya para lang mang-inis.
"Ginagawa mo?" tanong ko, pailalim ang tingin.
"Cooking," tipid niyang sagot. Chicken adobo ang niluluto niya, at tangina, napalunok ako. "Do you want?" tanong niya na para bang wala lang, pero ramdam ko ang lamig.
I smirked. "No, thanks," sabi ko, trying to play it cool. Tangina, maling move. Nakalimutan ko wala nga pala akong budget pang takeout.
"You sure?" dagdag niya, at nagningning ang mga mata niya sa konsensya trip na 'to. Hayop, alam niya talaga na wala akong choice kaya parang nananadya.
Napapikit ako, pigil ang inis at gutom. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o ipipilit kong magyabang pa.
"Tirahan mo na lang ako d'yan," maikli kong sagot, pinipilit hindi mabasag ang angas ko. Tumalikod na 'ko para maligo at makaiwas sa mas mahaba pang usapan.
Pagkatapos ko magbihis ng uniform, ready to go na sana ako nang maalala kong wala na nga pala akong sasakyan. Bwiset talaga! I have to commute like a commoner. Jeep lang, isang sakay para makarating sa school.
Paglabas ko, andoon pa rin si Alex, nakatayo na parang hinihintay ako. Anong meron? Siya ba'y appointed babysitter ko? Kung ganito lang, sana ibinalik na lang nila ang mga ATM cards ko. Phone ko, pwede nang hindi, laptop lang solve na ako.
"Tara na," sabi niya.
"Sa tingin mo sasabay ako sa'yo?" sagot ko, pinapamukha ko na wala siyang karapatan mag-assume.
"Okay," he said with that irritating smirk. Tangina, gusto kong batukan.
Gusto ko sanang magpahuli para mauna siyang makaalis, pero tangina, malalate na 'ko. Sige na nga, sakripisyo muna para mabawi ang mga na-confiscate sa'kin.
May huminto na jeep sa tapat namin.
"Tara na," he said at hinila ako sa siko, feeling close. "Baka maubusan tayo ng upuan."
Daming estudyanteng sabay-sabay sumasakay.
First time ko ulit sumakay ng jeep simula nung 15 ako, nung naubos ang allowance ko kakagala kaya napilitang mag-commute pauwi.
Siksikan sa loob, at magkatabi kami ni Alex. Naririnig ko ang mga girls na nagpapakilig-kiligan. Tangina, alam ko naman pogi ako pero nakakairita 'tong eksena na 'to.
"Pasuyo po," sabi nung manang sa akin. Napakunot-noo ako. Ano raw? Naririnig ko lang 'yon sa mga ex ko eh. Ba't siya magpapasuyo? Di ko siya jowa, ah. Napatingin ako kay Alex na parang humihingi ng translator.
"Pasuyo raw," sabi niya, at inabot ang bayad. Napaikot na lang ako ng mata. Kung alam niya lang na 1k bill lang ang dala ko, malamang tatawa 'to ng malakas.
"Manong, bayad po, dalawa," sabi niya at napansin ko ang ngisi ng mga babaeng estudyante sa harap.
"Loh, ang pogi ng boses ni koya," sabi nung isa na kinikilig pa. Napangiwi na lang ako.
"Mas pogi yung katabi niya, te. Bad boy vibes," sabad ng isa. I smirked at her, at ayun, namula sa kilig.
Pagkatapos ng mahabang biyahe sa jeep na para bang torture session na sinadya ni Alex, naghiwalay na rin kami. Finally, some peace and quiet. Pinuntahan ko ang tropa ko sa kabilang section para makalimutan kahit saglit 'yung umaga kong puno ng bwisit.
"Yo, Enzo! Heard about the party last night," sabat agad ni James, tropa ko, ngisi pa lang may pasaring na.
I rolled my eyes. "Yeah, thanks to Alex, I'm now living like a poor highschool kid. Grounded and broke," sabi ko, di ko napigilan magbitaw ng sarcasm.
Halos kalat sa school namin kung ano ang meron sa amin ni Alex, simula pa ba nung elementary hanggang mag highschool grabe lang ang galit ko sa kaniya.
"Bro, seryoso ka? Grounded ka?" tawanan pa 'tong si Kiko habang nilalagok 'yung kape niya. I glared at him, wishing my stare could set things on fire.
"Laugh it up, Kiko. At least I still have my charm," sagot ko, giving a half-smirk na alam kong effective.
James pats my back, trying to be serious but failing. "So, what's the plan now, Mr. Charm? Hindi puwedeng forever kang ganyan. Your dad will keep you on lockdown if you don't show some improvement."
"Yeah, yeah, I get it. Pero tangina, Dude, hindi ko kayang makita 'yung Alex na 'yun na naglalakad-lakad sa condo na parang siya pa ang amo. That guy needs to go."
"Dude, maybe you need a better strategy. Something subtle. Hindi mo siya mapapaalis kung lagi kang pasugod," Kiko chimed in, taking a sip and looking annoyingly wise.
"Subtle? Since when did subtle work for me?" I asked, raising an eyebrow. Let's face it, subtlety wasn't exactly my strong suit.
"Still, think about it. Maybe there's a way to make him want to leave on his own," James suggested, crossing his arms.
I sighed, slumping down sa upuan ko. The thought of playing nice or mind games with Alex made my skin crawl. Pero ano bang choice ko? Kailangan kong makuha ulit 'yung kontrol. And if that meant trying out a different approach, so be it.
"Fine," I said, narrowing my eyes. "Let's see how he likes living with me when I'm playing by different rules."
Kiko grinned. "This is going to be interesting."
Yeah, interesting nga. Tangina, Alex. You have no idea what's coming.
Pagpasok ko sa classroom, nakita ko agad si Alex sa kanyang usual na puwesto-malapit sa bintana, nakatutok na naman sa notebook niya. Akala mo naman wala siyang ibang inaatupag kundi ang mag-aral. Tss. Pumwesto ako sa dulo kasama ang kaklase ko na tropa ko rin. Si Sebastian at Nicholas, parehong umismid pagkapasok ko.
"O, mukhang may hangover ka pa, Enzo," sabi ni Sebastian, sabay tawa.
"Walang bago," sagot ko, smirking. Tinapik ko ang mesa. Pero tumahimik kami bigla nang pumasok si Ma'am Perez, isa sa mga terror naming adviser kabilang na si Sir Panot. Wala pang limang segundo ay naramdaman ko na ang bigat ng titig niya. Great.
"Lorenzo, are you listening?" she asked, her sharp eyes drilling into me.
"Yes, Ma'am," I answered, pero halata naman sa boses ko na wala akong pake. Alex glanced at me for a split second, then back to his notes.
"Good. Because I'm pairing you up with Alex for the upcoming project," Ma'am Perez declared, and I swear, everyone in the room suddenly shifted their eyes between me and Alex. I felt my jaw clench.
"Excuse me, Ma'am? Can't I just work alone?" I raised my hand, trying to keep my cool.
"No, Lorenzo. You and Alex are partners. This is non-negotiable," Ma'am Perez said firmly before moving on to her next announcement.
Alex turned his head toward me, and for a moment, our eyes met. He had that annoying calm expression, like this didn't faze him at all. "Let's get this done quickly," he whispered, then turned back around.
Tangina. This is going to be hell. Pero kung ito ang makakabuti to kick Alex's ass out why not?