Confrontation
Naging successful naman ang brainstorming at paggawa namin ng project ni Alex. Medyo mahirap siya kasi palagi kaming nagbabangayan sa lahat ng bagay. Matagal pa ang deadline, pero atat na atat siyang tapusin na para bang wala nang bukas.
Nandito ako ngayon sa café kasama si Mom; gusto niya akong makita kasi daw namimiss niya ang nag-iisa niyang anak.
"Buti pinayagan ka ni Dad na umalis nang wala ang alalay mo," sipat ko, may konting iritasyon sa boses. She just chuckled.
"Kamusta kayo ni Alex?" Here we go again. Ano bang ine-expect ni Mom? Na bigla na lang kaming magiging mag-best friends? Keep dreaming.
"Mom, you know never kaming magkakaayos ng taong 'yon. And wait, bakit parang ang dali lang sa'yo nito? Hello, anak siya ng kabit ni Dad," iritable kong sagot. She just sighed.
"Son, you know, ang kasalanan ng magulang ay hindi kasalanan ng anak. Tsaka, I've met him-he's a nice kid, matalino, mabait, at pogi. Kaya alam kong makakasundo kayo," aniya, pero ni-roll ko lang ang mga mata ko. Kairita when someone talks about him na parang santo.
"Tsk, kasalanan niya pa rin 'yon, Mom," pagmamatigas ko, pinipilit ang pride ko.
"Try to know him, son. I'm really sure you'll like him... as your friend," she said, smiling like she was trying to sell me something. Yeah, as if.
"Wala akong oras para makilala siya," iritado kong sambit, crossing my arms.
"Ikaw bahala, but I think magkakasundo rin kayo soon," she said, taking a sip of her smoothie.
Tangina, bakit ganun kadali para kay Mommy? Parang nakakalimutan na lang niya na sila ang rason kung bakit nagkaletse-letse ang buhay namin. At yung ideya na magkakasundo kami? In her dreams.
[Group Chat]
Trio Pasarap GangRiley:
Finally, it's midterms!
Franco:
fr, malapit na tayo bro mag-2nd year. 💪🏻🥵
Lorenzo:
naol. Kamusta buhay college?
Riley:
You're not allowed here, bro.
Franco:
Dude, don't scare the kid. 🤣🤣
Lorenzo:
Assholes.
Riley:
I'm just saying. Don't get mad at me, bro. Your attitude doesn't fit here, so immature.
Franco:
Oh, chillax, Ri.
Lorenzo:
Ano bang gusto mong ipalabas, ha?
Riley:
That's it-you're too short-tempered, you don't communicate, party and club all night, and you don't listen to others. Try to listen, Lorenzo. The world isn't all about you.
Tangina. Binasa ko lang ang message ni Riley. Ako pa ang mali? Tapos ito ba tungkol kay Alex? Dahil hindi pa rin ako nakikipag-ayos sa taong 'yon? Tangina talaga. Hindi nila alam 'yung hirap na dinanas ko.
I tossed my MacBook onto the bed, irritation pulsing through my veins.
Napahiga ako sa kama, tinititigan ang kisame habang ang mga salita ni Riley ay naglalaro sa isip ko. "Try to listen, Lorenzo. The world isn't all about you." Ang hirap tanggapin na parang ako pa ang nagmumukhang kontrabida sa kwento ng buhay ko. Sila pa ngayon ang nag-a-advise sa akin na magpakumbaba?
"Tsk," I muttered, shifting on the bed. Ano bang akala nila, na isang switch lang na pwede kong i-off and on ang galit ko? Kung ganun lang kadali, edi sana wala nang gulo.
My thoughts were interrupted by the sound of my laptop buzzing again. This time, it was a direct message from Franco.
Franco:
Bro, chill ka lang. Alam kong mabigat 'yang nararamdaman mo, pero hindi ka nag-iisa. Pero, may point din naman si Ri, pero hindi ibig sabihin non, hindi mo na kami kakampi.
Parang isang tusok sa puso ko 'yung message niya. I didn't reply. Ayoko ng dramahan. Ako dapat 'yung nagpapatawa, nagpapagaan ng usapan. But now, it felt like I was the storm cloud that no one wanted to deal with.
Bumangon ako at sumilip sa bintana. The streets outside were busy, people going on with their lives as if walang bigat sa mundo.
Nakakatawa, sila may freedom na ngumiti habang ako, naiipit sa isang cycle ng galit at pag-aalinlangan.
"Ugh, this is ridiculous," I muttered, running a hand through my hair. Dapat siguro magpahangin muna ako para hindi pumutok ang ulo ko.
I grabbed my jacket, deciding I needed air before I ended up punching a wall or something equally dramatic.
Nagdesisyon akong umalis kahit na grounded ako. Kailangan kong magpahangin, kahit pa sa pinakasimpleng paraan.
Naglakad ako palabas ng bahay, at ang tanging dala ko ay ang wallet ko. Sumakay ako ng jeep na patungo sa lugar na paborito ko - ang ilog kung saan ako madalas dalhin ng lola ko noong bata pa ako.
Habang bumibiyahe, tinatanaw ko ang mga gusali at puno sa gilid ng daan. Minsan, nakakatuwa rin palang makita ang mga taong hindi ko kilala, bawat isa may sarili nilang istorya. Parang kahit saglit, nakakaalis ng bigat sa dibdib.
Buti pa sila, mukhang walang problema, naisip ko habang palihim na napangiti nang makita ang isang batang tumatawa habang naglalaro ng bula.
Pagdating ko sa ilog, bumaba ako at huminga ng malalim. Ang lugar na 'to, kahit ilang taon na ang lumipas, pareho pa rin. Ang tunog ng agos ng tubig, ang mga puno na nagsasayaw sa hangin, at ang amoy ng damo - lahat ng ito ay parang isang yakap mula sa nakaraan. Ang ilog na ito ang tanging lugar kung saan nararamdaman kong ligtas ako, na parang nandito pa rin si Lola, binabantayan ako mula sa kabila.
Umupo ako sa isang malaking bato na palaging inuupuan namin noon. Tinanggal ko ang sapatos ko at isinalampak ang mga paa sa malamig na tubig. Tahimik na tumitig ako sa malayo, hinahayaang lamunin ng kalikasan ang lahat ng inis at galit sa dibdib ko.
"Kung andito ka lang, Lola, siguro tatawanan mo lang ako at sasabihin mong wala akong kwentang apo," I muttered, a smirk on my lips. Pero alam ko, hindi 'yon totoo. Siya lang ang nagpatunay sa akin na kahit puno ng problema, may rason pa ring lumaban.
Pumikit ako, pinakikiramdaman ang pagdampi ng hangin sa mukha ko at ang malamig na tubig sa paa ko. Sa ilang saglit, tahimik ang mundo, at parang hindi ito kasing gulo ng buhay ko.
Hinayaan ko lang ang sarili kong magpahinga, kahit panandalian.