Saint
I received a message from my mom habang nasa party ako. Birthday kasi ng isa kong tropa. Syempre, kung may party, andun ako.
Sumasayaw ako sa dance floor, trying to ignore my mom's message, pero ngayon tumatawag na siya.
Ang ingay ng club kung nasaan ang party. I didn't answer my mom's call kasi sobrang enjoy ko na. Once I'm having fun, ayoko ng istorbo.
"Woooo! Sayaw lang!" Sigaw ko habang sumasayaw kasama ang isang babaeng kakakilala ko lang. Hindi ko pa alam name niya pero, damn, sobrang hot. Sigurado makakasama ko siya mamaya.
Hinayaan kong maglakbay ang mga kamay ko sa katawan niya habang sumasayaw kami, hanggang sa umabot ito sa bewang niya. I squeezed it. Makakasta ko 'to for sure.
"Your place or mine?" she whispered seductively. I smirked.
"In my car, I guess..." sagot ko, and she chuckled.
Hindi ko na mapigilan, kahit sa dance floor, I kissed her deeply. Wala akong pakialam kahit maraming nakapaligid. We kissed until we were out of breath. Nagbalik kami sa paghahalikan.
Biglang may humawak sa braso ko.
"Putangina naman, ano?!" sigaw ko in annoyance. It was Riley. Ang istorbo talaga.
"Bro, your mom texted me. She's looking for you," sabi niya with his usual nonchalant tone. "Sorry kung naka-istorbo," dagdag pa niya.
I just shook my head. Mukhang hindi ko na makakakuha ang gusto ko ngayong gabi.
"Sorry, I need to go. May emergency sa bahay," paalam ko sa babae.
"Oh, fine. Next time na lang," sagot niya.
I left the dance floor and went to my car.
"Hello, Mom?" sagot ko sa tawag niya.
"Oh, kanina pa ako panay tawag at text sa'yo. Ngayon ka lang nagparamdam," sabi ni Mom calmly.
"What's the problem? Is this about the so-called roommate?" I rolled my eyes. Tangina, hindi ko naman kailangan ng roommate.
"Yes, bukas or sa susunod na araw siya darating. Sana maging mabait ka sa kanya."
Paano ako magiging mabait? Ni hindi ko nga kilala kung sino 'to. Malay ko bang masamang tao pala. Unless... it's a girl.
"Mom, seriously?" I said, frustrated.
"It's so that you have someone with you there-" Hindi na niya natapos kasi binaba ko na ang tawag. Ano nga bang magagawa ni Mom, sunod-sunuran naman siya kay Dad.
Nakakasakal na ang pagiging kontrolado nila. I get it, kailangan ko ng guidance, pero sobra na.
I punched the steering wheel. "This is bullshit!" sigaw ko.
Pagkatapos ng tawag na 'yon, pagbaba ko sa parking lot, bigla akong sinuntok ng boyfriend daw ng babaeng nilalandi ko sa party. Kaya naman nandito si Riley, para tulungan ako. Malala kasi 'yung tama ng suntok.
"Damn, ang gulo ng condo mo," reklamo ni Riley, may pagka-arte sa boses niya pero halata na concerned pa rin. Kahit nonchalant siya, he cares enough to say something.
Side-eye lang ang sagot ko habang naglalaro ng CODM. "Walang maglilinis eh."
"Edi ikaw," sagot niya. Kahit nakatingin ako sa phone, ramdam ko na iniinspeksyon niya ang gulo sa condo.
"Don't worry, ipapalinis ko rin 'yan sa roommate ko. Tutal dito na rin siya maninirahan," I chuckled.
"Damn, seryoso talaga sila sa roommate? Siguro mabuti na rin 'yon, kasi tignan mo sarili mo ngayon. You need someone beside you," sabi niya habang umupo.