chapter 34

981 12 2
                                    

chapter 34

(Joey's POV)

Nung bandang hapon, nagdrive ako papunta sa dati kong apartment... May 30 minutes pa bago ko sunduin si Rachelle, and this is the right time para makagpag-settle ng score... Nagpark ako sa harap nung building, bumaba ng kotse at umakyat sa second floor nung apartment...

Here goes...

knock! knock!

Bumukas ung pinto nang konti, at sumilip ung mukha ni Rica...

Rica: Joey?

Binuksan nya kagad ung pinto...

Rica: A-ano--? Pasok ka.

Ako: No... Di ako magtatagal. Gusto ko lang sabihin na stop bothering Rachelle. Wala syang ginagawa syo.

Rica: So you're admitting it na.

What?

Rica: You ARE falling for her!

HUWAAAAaaaTTTttt?!?

Rica: Ano bang iniisip mo?!? Lahat ng toh, hinde totoo! Iiwanan ka nya as soon as pwede na! And then what? Magmumukmok ka na lang sa isang tabi dahil---

Ako: Shut up, Rica!!

Oi, Joseph Lopez! affected ka?!

Ako: I don't love her... Ikaw lang ang nag-iisip nyan! I just think that you're being TOTALLY unfair dahil pinapahamak mo sya nang walang dahilan!

Rica: She took you away from me!

Ako: No one took me away from you! I wasn't yours to start with!

Hopia! Sooobra...

Rica: W-what are you talking about? Masaya tayo b-bago dumating yang Rachelle na yan! Dapat pinapuruhan ko na sya kay kuya eh!

Ako: Try that, at tingnan ko lang kung hindi pa sa ospital didiretso ang kuya mo. Just admit it, Rica. What you're saying we had, hinde totoo. For Pete's sake! You were seeing other people kahit "tayo"!

Ha! Kala mo di ko alam noh?! Malakas radar nito tsong!

Na-shock si Rica sa sinabi ko... Tapos biglang tumawa. o_O

Nabaliw ba? Isusugod ko na ba sa Mandaluyong?! Sandali! Susunduin ko muna si Rach!

Rica: God, alam mo pala un... You wanna know the truth kung bakit ako kumapit syo?

Ayoko yata...

Rica: Coz may connections ka! Hello?! You think madadala ako nung ibang boys na un sa mga first class restaurant? Yah right!

Okay....handang-handa na kong manapak...

Tiningnan ko nang masama si Rica tapos umalis na. Baka makasapak pa ko ng babae nang wala sa oras eh.

Halos kalahating oras akong nagdrive papunta sa school ni Rachelle. Pagdating ko, nakaupo na sya dun sa upuan ng guard sa labas ng gate.

Langya, mukhang kanina pa sya naghihintay ah... Ka-share nya na ng V-Cut ung guard eh!

Ako: (tinigil ung kotse sa harap nya) Oist, tara na!

Rachelle: Anong petsa na?! Akala ko nakain ka na nung kotse mo.

Nagpaalam sya dun sa guard tapos sumakay na dun sa kabilang seat...

Ako: Kanina ka pa?

Rachelle: Ay gwabeh! Naka-bonding ko na nga si Mang Wilson eh. Alam mo bang pinoproblema nya ung anak nya kasi walang makita work. So inoffer ko na pumasok sya sa company namin, at ihahanap ko sya ng work. Nakita mo sana mukha ni Mang Wilson! Sa sobrang tuwa eh nakalibre ako ng V-Cut!

Napangiti ako habang nag-ddrive... Tumingin ako sandali sa kanya... Okay na kaya kami about kagabi?

Ako: *ahem* Uh, about kagabi... Sorry ha...

Rachelle: Okay na un... Naka-milkshake na ko kaninang umaga eh! (tumingin sya sa labas) Uh, Joey, nasan tayo?

Ako: Wag kang mag-alala, nasa Luzon pa rin naman.

Rachelle: Uh, tatawa na ba ako?

Ako: Oo.

Rachelle: Ah, okay, sandali... *ahem* aha..ha..ha..ha...

Ako: (tigil sa stoplight) Langyang tawa yan...

Rachelle: (ngumiti) Saan nga kasi tayo pupunta?

Ngumiti rin ako... Sabay, pinaandar na uhlet ung kotse nung nag-green ung ilaw...

Ako: Wag kang mag-alala... Di kita iwawala.

Milkshake --completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon