chapter 55

844 8 0
                                    

chapter 55

(Rachelle’s POV)

Bumalik ako sa kwarto ko… Masama ang loob – do not disturb.   Minsan talaga walang sense kausap si dad.  Charing, si dad pa nawalan ng sense noh? :P  Binuksan ko ung computer ko. Nagdasal na ko sa lahat ng santong kilala ko na nawa’y buksan ni Joey ang walang kwenta nyang laptop kahit ngayon lang.

BUZZ!!!

Tingnan mo nga naman… Lakas talaga ng hatak ko sa taas…

Hindi lang email ang kinabaksakan ko, YM message pa. :D

Ako: (type) Avaaahhh, marunong ko palang gumamit ng YM

Joey: Oo naman… Since birth! Yan pinagkaiba ng mga bundok natin eh.

Psh. :P

Joey: Kamusta ka na at ung best prend kong si Lex?

Yan.. sige.. Mag-best friend na pala sila ngayon. ;D

Ako: Wala na nga… Nilipat ko na sa sampayan ng kaibigan ko… Kaw talaga, hina ng radar mo.

Joey: Ahsus, miss mo naman?

Ako: Bahket? Gusto mong ma-miss ko?

Tapos mag-jjelly ka dyan… :P

Joey: Hala! Mas gwapo ako dun noh!

Ako: Joe, Gutom lang yan… Kumain ka ba?

Joey: Iniinit ko pa ung pandesal eh… Kailan ka ba babalik dito? Miss ka na ni Jojo!

Ako: Awwww, nandyan si Jojo? Kamusta na?

Joey: Sandali, tuturuan ko lang magtype ung aso.

Ako: Anoh ka ba?!?

Joey: Gwapong lalake na kinakausap mo ngayon.

Iba na talaga ang confidence pag bagong gising noh? Nakakatameme.

Joey: Ano na? Kailan ka babalik?

Ako: Ehwan

Joey: Anong ehwan? o_O

WAaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhHHHHh!!!!! Di ko alam!!!!

Ako: Ayaw akong payagan ni dad eh… Wala naman akong pamasahe.

Hinintay ko syang mag-rreply… Wala… Galit kaya? Baka na-high blood nanaman? *gasp!* Baka kay Jojo nya ilabas ang galit nya!!! Oh hinde!!! T^T

Ako: (type) Hey… Merry Christmas nga pala.

Milkshake --completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon