chapter 61

982 9 0
                                    

chapter 61

(Joey's POV)

Dumating ang Wednesday... Tuwang-tuwa si mommy (ni Rachelle) na makita uhlet ako -- imagine na lang ang delight nya nang malaman nyang effective ang pagiging matchmaker nya sa anak nya. :P Naging constant tambay ako sa bahay nila. Nag-click kami nung dad nya, kaya lagi akong invited para manood ng kung anong sports ang nasa TV o kaya para hindi raw sya ma-overwhelm ng feminine tag-team nina Rachelle at ni tita. :D

Nung Biyernes naman, lumipad kami ni Rachelle sa California. Natulog sa hotel ng isang gabi -- oy, magkahiwalay na kama un ah! -- tapos kinabukasan, diretso kami sa Disneyland. At nauubos na ang laman ng wallet ko sa kakakain nya... Bye-bye money... T^T

Dinaig nya pa ang four-year-old sa sobrang excited nyang makatapak sa Disney. Hindi ko alam kung sugar high na ba sya o talagang adrenaline lang na dala ng pagkakakita nya kay Mickey Mouse.

Rachelle: Uy may ice cream dun! Tara! Tara! Tara! (hila sa damit ko)

Ako: Anoh ba?! Ang dame mo nang sugar sa katawan! Tingnan mo nga, hyper ka na!

Rachelle: Naman eh... T-T

Suz! Nagpaawa effect ba raw... -__-

Ako: Hay nako, sige na nga...

Rachelle: Yihee!!! Ang bait-bait-bait talaga ng cornicks ko! :D

Sige na. Pagbigyan na ang bata. +__+ Halos matanggal na yata ung buto ng braso ko sa sobrang paghila nya. O_O Talaga naman... Susunod na sana ako nang may nahagilap akong nagtitinda nga mga stuff toys. Hinila ko ung kamay ni Rachelle para tumigil sya sa paglalakad. Syempre, napatingin naman sya sa'kin -- kahit sandali man lang, natanggal ung atensyon nya sa ice cream. ~__~

Ako: Sige na, bata, takbo ka na dun... May bibilin lang ako.

Rachelle: Okay.

Tumakbo nga ung bulilit oh. :D

Lumakad ako papunta dun sa mascot.  Tinignan ko ung mga tinda nya.  Syempre, may Mickey Mouse, may Goofy, may Donald Duck, at may mga nakakalat na unknown teddy bears.

Mascot: Are you looking for anything in particular?

Ako: Huh? Uh, I think so... I really don't know what I'm looking for. (tingin sa mascot -- katakot!) I guess I'm looking for something special...?

Mascot: So, for a significant other, eh? ;)

May kinuha sya sa likod nung cart nya.  Nung nakita nya na ung hinahanap nya, hinarap nya kagad sa'kin.  Dalawang bears na nakaupo, may hawak silang heart.  Dun sa heart, naka-embroider ung words na "Two bears, One Love".  Hm.

Mascot: Most couples favor this one. Maybe she'll like it too.

Inexamine ko ung binigay nya, to make sure na walang sira kung anong mantsa.  Nung satisfied na ko, pinabalot ko na sa kanya tapos binayaran.

"Jooeeeeyyyyy!!! Halika na!!!"

Napaikot ako para tumingin kay Rachelle -- na hindi man lang nahiya sa pagsigaw nya. +__+  Parang di man lang nya napansin na napatingin ung mga tao sa paligid oh!

Mascot: That's her? :)

Ako:  Yeah.  She's weird, I know. :P

Mascot: (natawa) You look good together.  I've been watching you two for quite a while now.  And, sir, the first thing I thought was how lucky you both are to find love.  I'm jealous. -__-

Natawa ako habang inaabot nya sa'kin ung paper bag ng binili ko.  Feeling close ung mascot eh, maki-feeling close na rin ako. :D

Ako:  If you know the whole story of how we met, I don't know if you'll still be feeling jealous.

"JoooooEEEEeeeeYYyyyy!!!"

Talaga naman.  Umikot ulit ako para sumigaw na rin -- wa care na kung pagtinginan kami ng mga tao.

Ako: (sigaw) Oo na!  Tigilan mo na yang pagsigaw!

Mascot: (tumawa) You are so cute together! haha  Yelling at each other about who-knows-what... :D You really love her, no?

Heck, nagsisigawan na nga kame dito, lab lab ka pa dyan. =__=

Napatingin ako kay Rachelle, na nagmumukmok sa tapat ng ice cream shop o nag-pplano kung anong torture ang ipanggaganti nya dahil sinabihan ko syang tigilan ang pagsigaw nya.  Busy-busyhan pa sya sa pagsipa-sipa nung dahon sa harap nya.

Napangiti ako.

Ako: Yeah.  I really love her. :)

Milkshake --completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon