chapter 48

929 5 0
                                    

chapter 48

(Joey's POV)

Pagkabili ko sa pagkamahal-mahal na asong toh, may nahagilap naman akong jewelry store sa tapat... Eh, Pasko naman, kaya sige! todo gastos! I-max out ba ang credit card. :D

Pumili ako ng silver na locket -- ang mahal ng waahla! O.O Tapos nagdrive papunta sa Kodak para magpaayos ng picture na ilalagay dun sa locket -- all the while buhat-buhat ung tuta. -__-

Medyo gabi na nung nagdrive ako pauwi... Elibs ung tuta dun sa bintana, kaya nakasilip sa labas buong oras na nagbbyahe kame. Napapatingin nga ako, baka kasi tangayin ng hangin eh! Sayang naman ung bili ko! Nung tumigil kame sa stoplight, tumingin sa'kin ung tuta...

Ako: (tingin din sa kanya) Wag mong iisiping magkalat... Kundi kahit mahal ang bili ko syo, pulutan ang kahihinatnan mo!

Kumahol lang ung aso, habang nag-green na ung stoplight. So, siguro, oo na ung ibig sabihin nun?

Pagkalipas ng ilang ikot at tigil at usap sa aso, eh nakauwi na rin kame... Sa wakas! Kinakabahan ako baka magkalat na ung aso sa kotse ko eh.

Tinago ko sa likod ko ung aso, tapos kumatok ako sa pinto... Nung bumukas na, tinignan ako ni Rachelle na parang 'bakit ka kumakatok?'

Rachelle: La ka bang susi?

Ako: May hawak ako eh...

Nilabas ko ung aso sa likod ko. Natulala si Rachelle sa hawak ko. Parang buong five minutes yata sila nagtitigan nung aso -- hanggang sa magtatalon na sa tuwa si Rach.

Rachelle: Waahhh!!! Ang cute naman! Pwede ko bang hawakan? :D

Parang bata... :P Dahan-dahan kong inabot sa kanya ung aso. Syempre, open arms naman na tinanggap ni Rachelle. Nakalimutan na nga yata akong papasukin, kaya kailangan ko pa syang alisin sa pagkakaharang nya sa pinto para lang makapasok ako at ma-lock ko na ung pinto. Tumambay kami sa living room para dun paglaruan ni Rachelle ung bago nyang tuta.

Rachelle: Ang cute-cute naman... Anong pangalan?

Ako: (lumuhod sa tabi nya) Wala pa. Kaw, ano bang gusto mong ipangalan?

Rachelle: Joey? ^o^

Ako: Nang-aasar ka ba? Mukha ba kong aso?

Rachelle: (tingin sa'kin tapos dun sa tuta tapos sa'kin uhlet) Mirror images nga kayo eh! :D

Binatukan ko nga sya.

Rachelle: Aray naman!Binibiro ka lang eh. (tumingin uhlet sya dun sa aso) JoJo na lang.

Ako: Jojo? Bahket?

Rachelle: Short for Joey. ^-^v

Langya... Talagang sa'kin pinapangalan ung aso! Nanadya yata talaga eh!

Ako: Haaay...sige na nga bahala ka... Sa'yo naman sya.

Napatingin sa'kin bigla si Rachelle...

Rachelle: Huh?

Ako: Regalo ko syo para sa Pasko....

Rachelle: Awwww, namumula ka! :D

Sheesh! Ituro pa ba!

Ako: Di tulad mo, marunong akong mapahiya noh...

Milkshake --completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon