Epilogue

1.4K 45 10
                                    

Epilogue:  (Rachelle's POV)

Isa... dalawa... tatlo... apat...

Ahyon sa kalendaryo, apat na taon na kame ni Joey -- di kasama ung aming pretend engagement ha... :P  Ang tagal na noh?

Madame-dame na ring nangyari... Lam nyo ba, nagtayo si Joey ng magazine company about fashion (syempre yours truly eh Fashion Designer) and sports.  Ginawa nyang partner ung company namen, kaya ahyun, nadamay sa dala kong good luck, umaasenso rin ang kumpanya nya.  Nakarating na nga rin dito sa US ung family ni Joey eh.

Naka-settle ako sa New York, since nasa New York ung branch na mina-manage ko.  Syempre, kung nasan ako, nandun din si Joey.  Although, pabalik-balik sya ng California kase may branch din ung company nya dun -- and, much to my surprise, may pagka-hands on CEO pala si Joey. Kaya ahyun, pa-travel-travel sya dun.  Minsan, sumasama ako para i-check naman ung company branch namin sa California.  So, okay naman kami.  Going strong, ayiieee. haha :D

Isang araw, biglang nagyaya -- or rather, nagdemanda -- si Joey na sumama ako this time sa trip nya sa Cali.  Syempre, tinignan ko sya na parang 'bahket?!?" since hindi pa naman inventory time nung kumpanya sa Cali.  Pero, persistent talaga sya na sumama ako -- kakaladkarin nya pa raw ako kung kinakailangan.  o_O  Apparently, may ipapakita raw sya.

Eh di syempre, ang lola mo eh na-excite at na-curious -- may surpresa ba naman! :D

Pumunta kami ng California.  Ung unang dalawang araw, busy si Joey sa mga chuchu sa trabaho.  Para naman di masayang ung oras ko, dumaan na rin ako sa company branch namin para makitsismis kung anong nangyayari.  Nung pangatlong araw, pareho na kaming free. :D

Nag-drive kami ni Joey papunta sa isa sa beach.  Akala ko napagtripan lang ni Joey na lumublob at magpaaraw, pero parang hindi pala.  Imagine na lang ang confusion ko nang tumigil kami sa harap ng isang bahay.

Ako: Sinong nandito? o_O

Joey:  (lumabas ng sasakyan) Kabet ko...

Ako: ANO?!?!

Joey:  Joke lang... Uto-uto ka talaga. Bumaba ka na nga dyan.

Batukan ko kaya sya, tignan ko lang kung mag-sstay ung ngiti nyang yan sa mukha nya. +__+ Pero mamaya na un, tignan muna naten kung anong meron at kung sinong nakatira dito.  Bumaba ako at sumunod sa kanya papunta dun sa bahay.  May nilabas syang susi (lalo akong na-confused.  Bakit sya may susi?), tapos nung bumukas ung pinto, tuloy-tuloy sya sa pagpasok sa loob.

Ako: Di ba trespassing tohng ginagawa naten?

Joey:  Of course not.  Sumunod ka na nga lang.

Ako:  Sunudin ko yang mukha mo eh, nasan ba tayo? Kaninong bahay ba toh?

Patingin-tingin ako sa mga dinadaanan namin.  Halos walang laman.  Konting-konting furniture lang ang nasa loob.  Kailangan mag-major shopping spree ung may-ari para naman magmukhang welcoming tohng bahay nya.  Dire-diretso sa paglalakad si Joey hanggang sa makarating kami dun sa backdoor.  Binuksan nya rin un, tapos lumabas sya.  Curious, sumunod naman ako -- at namangha. O.O

May garden sa backyard, puno ng roses at orchids sa side.  May konting puno sa tabi, at mga mga halaman pa.  May pagka-malaki rin ung size.  Matutuwa si Jojo kung makita nya toh.  Unlike sa New York na sa kalsada at sa park lang sya makakatakbo, at least dito sa garden na toh, maloko sya sa pagtakbo nya.  Kung di man sya makuntento sa damo, may hagdan pababa na magdadala sa kanya sa beach.  Yep, may beach na katapat ang backyard nung bahay.  Sosyal.

Milkshake --completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon