chapter 23

1K 10 0
                                    

chapter 23

(Joey's POV)                                                                                                                                                                  

Isang uneventful week ang lumipas since nund dinner na un...  Malamang iniisip nyo na since tapos na ung "meeting" with Mr. Castro, eh free na kami ni Rachelle na bumalik sa kanya-kanya naming buhay... Haaaaayyyy...hinde... -__-

Sabi ni dad, patagalin pa raw namin ng konti dahil baka raw maghinala sina Mr. Castro at ituloy pa rin ung engagement namin ni Ellen... Kaya ehto, stuck pa rin kami ni Rachelle sa isa't isa...

"Joeeey!!!"

Hininaan ko ung volume nung TV nang lumabas si Rachelle palabas ng kwarto nya -- all set para sa driver's test nya...

Ako:  Ano?

Rachelle: La lang... Trip lang kitang tawagin... Sigurado kang di ka sasama?

Ako:  Yep..

Si Wally ang inuutusan kong sumama kay Rachelle sa driver's test nya.  Ayaw nina Ronald at Andrew eh... Lalo namang ayoko rin... Eh nakakatakot kaya syang magdrive!  T^T

Rachelle: Oki doki...

Lumakad sya papunta sa kusina para kunin ung baon nya milkshake -- na with tender loving care nyang hinanda sa isang to-go cup.

Rachelle:  Oo nga pala, di mo ba pupuntahan si Rica ngayon? Ang tagal nyo nang di nagkikita ah...

Rica?

Ako: Nah... La ako sa mood eh..

Rachelle: (tinaasan ako ng kilay) Adik ka ba??  Bf ka ba talaga nya? (tumingin sya sa relo) Anyway, maglalaba ako ng mga damit ko mamaya.. Paki labas naman nung marumihan sa kwarto ko, okay?  Ciao! ^o^

Bago ako makasagot, nakaalis na si Rachelle.  Di man lang hinintay kung pumayag ako o hinde..

Hmmm...kung ihalo ko kaya ung madumi kong damit sa labahan nya, mapapansin nya kaya? :P

Tumingin ako sa paligid... As usual, wala nanaman akong magawa.  Naisip kong maglakad-lakad sa labas, kaya lang big No-No un.  Kaya nga ako biglang binili ni dad ng kotse.  Dahil sa tuwing naglalakad ako sa labas, eh may tumatalon kung saan para maghanap ng away.  Syempre, papatulan ko naman..  Di naman ako ang nauuwi sa ospital eh... :D  Madalas.. haha

Pinatay ko ung TV at pumunta na sa kwarto ni Rachelle para gawin ung inutos ng mahal na reyna.   Tingin ako sa paligid.  Anong marumihan ang pinagsasabi nya?!?

Total chaos ung kwarto nya!  May damit sa kama, sa sahig...may konti pang nakasabit palabas sa mga drawers... Langya, mas malinis pa kwarto ko dito eh!

Umikot ako para hanapin kung meron naman siguro talagang laundry basket na nagtatago kung saan... Tapos napatigil akong biglan nang makita ko ung frame sa taas nung nightstand nya.  Ung nightstand lang ang kaisa-isang spot na walang kalat..

Dun sa picture, naka-all smiles si Rachelle kasama ang isang unknown na lalaki..  Isang beach ang background.. Mukhang close pa sila, nakaakbay ung lalaki sa kanya, and she's leaning towards him as they smile at the camera..

Sino toh?!?  And why is she smiling like that with him!?

Tinaob ko ung picture frame.. Di ko alam kung bakit..  Ayoko lang makita ung picture..

Punong-puno ako ng angry energy!!! ni di ko man lang alam kung bakit! >:o

I grabbed the house keys and stalked out of the building.  Ehto ung isa sa mga panahong may sudden urge ako bigla na maglakad-lakad sa labas....at maghanap ng away.

kahit di ko pa rin alam kung bakit.

Milkshake --completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon