chapter 32

1K 9 0
                                    

chapter 32

(Rachelle's POV)

Gabi na nung umuwi ako -- well, syempre, since gabi na natapos ung mga klase ko. Loko talaga ung si Joey... Di man lang ako sinundo. T^T

Oh well... bakit nga naman nya ko susunduin? Di naman ako ganon ka-imfortant nowh...

Pagbaba ko sa FX, nagsimula na kong maglakad papunta sa condo. Maya-maya, naramdaman kong tumayo ung balahibo ko. Parang may sumusunod sa'kin... Napatingin ako sa likod...

Wala naman...

Lakad uhlet ako, tingin sa likod sa corner ng eyes ko. Okaaaaaaaaaaaaaayyy, natatakot na ko ah! O_O May nakita akong shadow na naglalakad tapos nagtatago dun sa poste. After a while, may napansin pa kong isa pang shadow na kasama nung nagtatago sa poste.

WaaaaAAAAAAAAAaahhhhhhhhhhhhhhhhhh MoMMYyy!!!!

Relax, Rach... Baka naman the same direction lang kayo pupunta...

Tumingin uhlet ako.

OKAY!!! At siguro ako na ang sunod na presidente ng Pilipinas!

Sa sobrang takot ko, nagsimula na kong tumakbo. Narinig kong tumakbo rin sila. Hinahabol talaga ako!!! O.O Kinuha ko kagad ung cp sa bulsa ko, at tinawagan ung #2 sa speed dial ko.

Ay bruhang luha yan! Ngayon pa lalabas kung kailan nag-mmarathon ako!

Ring! Ring!

"Hello?"

Ako: (hinihingal at umiiyak na rin) Joey!!! Help!!

(Joey's POV)

Halos magiba ko na ung pinto sa pagmamadali kong lumabas, at ilang beses na rin akong nadulas sa pagtakbo ko.

Kakalabas ko pa lang ng banyo pagkatapos maligo nang marinig kong nag-rring ung cp ko... Si Rachelle... Syempre, nagtaka ako, since dapat eh pauwi na sya... Nung sagutin ko, halos nabasag ung eardrum ko sa panicked nyang boses.

Sh*t!!! Kung sinundo mo na lang ba kasi sya eh! *batok sarili*

Paglabas ko ng condo, takbo kagad ako sa direction ng babaan ng FX... Di pa ko nakakalayo nang may nakabunggo ako...

"Umpf!"

Tumilapon sya -- langya, gano ba ko kalaki at sa tuwing may nakakabunggo ako eh lumilipad?

Napatingin kagad ako dun sa nakabunggo ko. Nang makilala ko kung sino, halos magkandarapa ako sa pagtulong sa kanyang tumayo. Namumula na ung mukha nya sa kakaiyak.

Ako: Rach! Anong nangyari?!

Rachelle: (kumapit sa'kin habang naiyak) M-may hum-habol... *sniff* Di ko alam *sniff* sino... (haltak ung sleeve ko, sabay napatingin sa'kin) Bench ba tohng T-shirt na toh?

Langya, ung Tshirt ko pa inuna.

Ako: Rach, focus. Nasan na ung humahabol syo?

Rachelle: D-Di ko alam... Halika na, uwi na tayo. T_T

Ako: Ano ka?! Eh kung sundan ka uhlet nila bukas?!

Rachelle: B-bahket!? Bahket nila ako susundan!??

Maya-maya, may sumulpot na tatlong lalake... Mukhang mga gangster... Mukha ring familiar...

Naramdaman kong nanginig ung kamay ni Rachelle. Tinulak ko sya sa likod ko.

Ako: Anong problema nyo?!

Gangster 1: Mukhang close kayo ng bagong mong prosti, Joey, ah.

Kilala nga ako..

Naramdaman kong humigpit ung hawak ni Rachelle sa sleeve nung shirt ko...

Ako: Bawiin mo sinabi mo kung ayaw mong mabasag yang mukha mo!

Medyo lumapit ung tatlo, at dun ko nakita nang ayos ung mga mukha nila. Ung isa sa kanila, kapatid ni Rica!

Ako: Ray? Anong ginagawa mo dito!?

Ray: Amp! Iniwan mo kapatid ko para lang dyan sa babaeng yan?!?

Tumingin ako kay Rachelle na hinaltak uhlet ung sleeve ko... -- sh*t! luluwag na toh pag di nya pa tinigilan ung kakahaltak... Bench pa naman tatak nito!

Rachelle: (bulong sa'kin) Let's go na...

Bago ako makasagot, nakita kong sumugod ung tatlo papunta sa'kin! Tinulak ko kagad si Rachelle sa tabi! As soon as hindi na sya mahahagip, hinarap ko ung tatlong sumusugod sabay lipad ng mga suntok sa mga mukha nila.

Ako: (suntok sa isa) Sa tingin mo ba may ibabatbat kayo sa'kin eh tatatlo kayo?!? (sipa sa isa) Alam mong bugbog sarado sa'kin ung sampung tao, kayo pa kaya?!?

Ilang minuto lang akong nakipagsapakan dun sa tatlong un hanggang nagsimula nang umulan ng dugo (okay, di naman talaga umulan, pero may dugo pa rin na lumabas). Nung hindi na sila tumatayo, tumingin na ko kay Rachelle.

Ako: Okay, tara, uwi na tayo.

Lumapit na ko sa kanya. Kukunin ko sana ung kamay nya nang bigla syang tumalon palikod -- palayo sa'kin.

Nagulat ako.

Ako: May problema ba? Wag kang mag-alala, wala namang dugo ung kamay ko eh.. Halika na, uwi na tayo...

Tinitigan lang ako sandali ni Rachelle, tapos tumingin sya dun sa tatlong walang malay na mokong. Tumingin uhlet sya sa'kin. Tumitig lang sya sandali tapos umikot sya para maglakad paalis mag-isa. I swear, mas namumutla sya ngayon kesa kanina.

Pagkapasok namin sa condo (after ilang minutong paglalakad ng tahimik), dumiretso kagad si Rachelle sa kwarto nya... Ni di man lang ako hinintay o tiningnan...

Tama ba namang dedmahin ako? Eh kakaligtas ko lang sa kanya kanina?!

Kumatok ako sa kwarto nya, nung walang sumagot, pinapasok ko ang sarili ko. Ang polite noh?^-^

Ako: Okay ka lang?

Tumungo sya.

Lumapit uhlet ako sa kanya, pero umatras uhlet sya. Napatingin ako sa mata nya. Dun ko lang napansin na nanlalaki ung mga mata nya.

Oh my gawd! Totoo ba tohng nakikita ko?!

Ako: A-are you afraid of ME?!

Milkshake --completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon