Solasta Hartz
"Solasta!" Dinig kong tawag ng isang pamilyar na boses na agad ko namang ikinalingon, ngumiti ako nang makita ko si Nancy na kumakaway sa akin kasama nito ang isa pa naming kaibigan na si Magnus na agad din naman akong pinalapit sa kanila.
"Good morning," Bati ko sa dalawa.
"Hoy, hindi ka man lang nagsabi sa amin. Engaged kana pala, parang tanga naman 'tong si Solasta." Sabi ni Magnus habang umupo ako sa upuan ko, agad namang inilapit ni Magnus ang mukha nito sa akin.
"Ikaw ah, ikakasal kana." He teased, before gently ruffling my hair, I smiled at him before turning my gaze to Nancy who leaned back at her chair.
"Kay Caspian pa talaga, sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, kahit si Magnus ay pwede." Masungit nitong ani habang itinuro si Magnus na agad namang nagulat.
"Mandiri ka naman, para na kaming magkapatid ni Solasta!"
"Sinasabi ko lang naman, mas maganda kung ikaw sana 'yun. Kaysa doon sa gagong iyon, ayaw mo non? Tatay mo 'yung tatay ni Solasta? Diba sabi mo parang magkapatid na kayo?"
"Bastos ng bunganga mo, parang hindi anak mayaman."
"Ikaw nga jejemon nagreklamo ba ako? Wala kang narinig sa akin na reklamo, Magic Sarap."
Bago pa sila tuluyang mag suntukan ay agad akong sumbat, "Ayaw niyo kay Caspian bilang mapapangasawa ko?" Tanong ko sa kanila, na agad namang bumuntong hininga si Magnus.
"Wag ka ngang huminga ng ganyan, maawa ka naman sa may ilong." Ani ni Nancy bago pa makapagsalita si Magnus.
"Manahimik ka nga, sinisira mo 'yung moment, parang tanga naman. Makaarte ka parang hindi mo 'to hinalikan dati."
Pinigilan ko agad ang tawa ko nang marinig ko ang sinabi ni Magnus pabalik, palagi siyang nakakalusot kay Nancy sa mga banat. Medyo humahanga nga ako sa pasensya ni Nancy, gulat ako na buhay pa rin si Magnus hanggang ngayon.
"Eww! 'Wag mo na ngang ipaalala, may mga bagay na dapat ibaon sa limot. Kadiri ka talaga, Magnus!"
"Oh, manahimik kana." Ani ni Magnus saka tumingin ulit sa akin.
"Solasta, ano kasi eh... Bukod sa parang ayaw naman talaga ni Caspian sayo, hindi din maganda 'yung ugali niya. Solasta, sinasabihan kita ngayon na kahit ano man ang mangyari, hindi mo hahayaang apihin ka niya. Kung gusto mo, ako nalang humarap sa kanya."
"Uupakan mo?" Tanong naman ni Nancy sa kanya, tumango lang si Magnus bago magsalita ulit.
"Oo. Lalaki siya, babae ka. Babae kayo. Hindi niya ikakagwapo 'yung pagiging bastos ng bunganga niya."
"Oh, 'wag na tayo sa negatives. Look over there, a transferee student. Sikat daw na model sa New York, grabe may trabaho na siya?" Ani ni Nancy habang itinuturo 'yung babae na kanina ay pinagkukumpulan.
"Hindi kasi siya tamad." Sabat na naman ni Magnus na agad naman siyang kinutusan ni Nancy.
"Bakit ba kita pinatulan noon? Bwiset ka talaga." Ani pa niya at tumingin ulit sa transferee.
"What's her name?" I asked, Nancy shrugged and looked at Magnus.
"Ikaw, alam mo?"
"Oh, bakit ako? Bakit ko naman malalaman?"
"Hula ko lang, babaero ka kasi."
"Hoy, kahit kailan ay hindi ako nambabae. Loyal ako, siraulo ka."
"Sige, sabi mo eh."
Tumingin ulit ako sa bago naming classmate, maganda, matangkad, pang model talaga yung datingan, yung tipo na hindi mo kayang abutin. Parang... parang si Caspian.
BINABASA MO ANG
The Heart Crusher (The Affluents Series: Pastel Hearts Playbook #1)
Fiksi RemajaSolasta was regarded as the epitome of perfection. She was sweet, smart, rich, talented, pretty and has a great social life as well. Her smiles brighten up every room of the hallways, as her presence was well beloved and treasured by many. On the ou...