Chapter 4

2.1K 60 0
                                    

Janine's POV

"Oh eh san ka nga nagpunta?" nakapamewang ngayon si Angel sa harapan ko.

Kakatapos lang ng klase at hinila na ako nitong babaeng to may parking lot kung saan naka park ang sasakyan niya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimula mag kwento.

"OMG! Sabi na si Damon kung kasama mo eh. Pero best, shet lang nahalikan mo si Damon. Anong lasa? Ang haba ng hairlalu mo!" Hysterikal na sabi ng bestfriend ko.

"Seriously? Sa haba ng kinwento ko ayan lang yung nag sink in sa utak mo?" Di makapaniwalang sabi ko.

"Okay. Okay. So anong balak mo? Alam mo naman si Damon. He gets what he wants. Tsaka hindi siya papayag na mawala ka ng ganun ganun na lang." Yan yung pinoproblema ko ngayon eh. Paano ko siya maiiwasan eh magkaklase paman din kami.

"Hindi ko alam. Bahala na. Ang mahalaga natapos ko na kung ano man ang meron kami. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman ni Dylan ang mga kalokohan ko. Sa loob ng dalawang taon natutunan ko narin siyang mahalin." Totoo yun. At kung babalikan ko ang nakaraan tingin ko ay hindi ko siya lolokohin. Para lang kay Chase. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at pumayag sa alok ni Chase.

"Pero best mahal mo pa ba si Damon? Sino ba talagang mas matimbang sa dalawa?" Tanong nya habang pinagmamasdan akong mabuti na para bang magsisinungaling ako.

"Yun totoo. Tingin ko na fall out of love ako. Sa tuwing tinitingnan ko kasi Chase naaalala ko lang lahat ang mga ginawa niya. Sa tuwing magkasama kami nasasaktan lang ako. At sa tingin ko si Dylan talaga ang mahal ko at hindi si Chase."  Yumuko ako at kinagat ang labi ko. Hindi ko alam kung paano kung kailan basta si Dylan ang mahal ko.

"Tama lang yang ginagawa mo kasi kung ako ang papapiliin kay Dylan din ako kasi na..ma..n...."

Napa angat ako ng tingin ng natigilan sya sa pagsasalita at  nakita ko siyang namumutla at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa..... likod ko.

Sinundan ko ang kung ano man ang tinitingnan niya at nanlambot ako ng makita ko si Chase na maitim ang aura. Nakayukom ang kamao niya na para bang gusto kaming suntukin.

Hinawakan niya ang braso ko at hinila palayo.

"Hoy. Hoy, san mo dadalhin yung bestfriend ko!" Sigaw ni Angel at hahabulin sana kami kaso lang nasakay na ako ni Chase sa loob ng sasakyan niya.

Amoy na amoy sa loob ng sasakyan niya ang pabangong ginagamit niya.

Pinaharurot niya ang sasakyan kaya agad akong napakawak sa seatbelt ko.

"Ano ba Chase! Magdahan dahan ka nga. Baka mabangga tayo. Pwede ba?! Kung gusto mong magpakamatay, you don't have to bring me with you." Bulyaw ko sakanya pero hindi niya ako pinansin.

"Itigil mo." Sabi ko ng mahinahon pero diretsyo lang ang tingin niya at parang walang maririnig.

"Damn Chase. Sabing ihinto mo bababa ako. Ano ba?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumigaw na ako ng ubod ng lakas.

At sa wakas hinto na niya ang sasakyan.

Lalabas na sana ako ng hindi ko mabuksan ang pinto. Humarap ako kay Chase at tiningnan siya ng masama.

"Pwede ba Chase! Open this door. Please lang, tapos na tayo. Tigilan mo na ako." Naiiyak na sabi ko. Kailan niya ba ako titigilan?

"Tss. So mahal mo yung lalaking yun?" So kanina pa pala siya nakikinig sa usapan namin.

Tinaasan ko siya ng kilay bago sumagot. "Oo."

"So all this time niloloko mo lang pala ako." Napatawa naman ako sa sinabi niya.

" Oh come on. Two weeks palang yung kalokohan natin. At tsaka hindi kita niloko noon. Sadyang nagising lang ako ngayon." Nagulat ako ng hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Ano ba?! N-nasasaktan ako. Let me go." Napupumiglas ako sa pagkahawak niya pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Talagang masasaktan ka!" Napatigil ako sa pagpupumiglas ng bigla niya akong sinigawan. Nakakatakot ang mga tingin na ibinibigay niya sakin. Parang any time susuntukin niya ako.

"Kalokohan?! Sa tingin mo kalokohan ang nangyari sa ating dalawa?! At talagang inamin mong mahal mo yung lalaking yun. Bullshit lang Janine. Bullshit." Kitang kita ko ang sakit at galit sa maganda niyang mga mata.

"Ginagantihan mo lang ba ako? Gumaganti ka lang ba dahil sa ginawa ko noon sayo?" Bumalik na naman ang sakit na nararamdaman ko ng maalala ko ang nakaraan.

Flashback

3 years ago

"Hey, Monique. Kamusta na kayo ni Damon?" Biglang tanong ni Thea. Ang bestfriend ko.

Nasa cafeteria ako ngayon kasama sina Angel, Jane, Sky at Thea. Si Angel matagal ko na siyang kaibigan.

"Okay naman. Sweet siya at malambing." Kinikilig kong sabi.

Si Chase. Damon Chase Montemayor. Ang boyfriend ko. 2 years na kami.

Nanligaw siya ng almost 5 months. Lagi siyang may surpresa sakin.

Mahal na mahal ko siya kahit na may pagkakulit at manyak. Hahahaha.

"Pero wait diba anniversary niyo ngayon?" Kinikilig na sambit ni Angel.

"Oo nga pala. So any plans?" Tanong sakin ni Jane.

"Hindi daw siya papasok ngayon masama yung pakiramdam niya eh so I think ako nalang ang pupunta sa kanya para sopresahin siya." Naka ngiti kong sambit.

Ngumiti rin silang tatlo pero bakit parang may galit sa mata ni Thea kahit na nakangiti siya?

© yourmysterygirl_01

Possessive JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon