Chapter 3

2.5K 68 0
                                    

Janine's POV

Naghuramentado ang puso ko sa kaba ng mabasa ang text ni Chase.

Ayokong pumunta pero alam kong ayaw na ayaw niyang sinusuway ko siya.

"Uhmmm... Dylan, puntahan ko lang si Jane. May sasabihin dw kasi siya saking importante." I lied.

Sorry Dylan.

"Where? Samahan na kita." Batid kong may kung ano sa boses niya... para siyang nagdududa? Hayyy. Siguro guni guni ko lang yun.

"Wag na. Gusto kasi niyang kaming dalawa lang." Sagot ko sa kanya. Jane is one of my friends.

Nagpasalamat ako ng pumayag siya. Gusto pa niya akong ihatid pero agad ko itong tinutulan.

Kabado kong tinatahak ang lugar kung nasaan si Chase. Maunti lang ang tao sa hallway dahil halos lahat ng estudyante ay nasa cafeteria.

Bubuksan ko na sana ang pinto sa rooptop nang kusa itong bumukas at may kunsinong humila sakin.

Magsasalita na sana ako ng bilang niya akong siilin ng halik. Agresibo at mabilis ang kanyang mga halik.

Tinutulak ko ang sinumang poncio pilato na to pero masyado siyang malakas. Syemmms. Sana naman gwapo ito dahil siya ang first kiss ko. Omo.

Umayos ka nga Janine. Nasa ganyan ka na ngang kalagayan kung ano pa ang iniisip mo. Saway ko sa sarili ko.

Tinulak ko siya ng buong pwersa. Hinihingal akong tiningnan ito.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Chase na nakatayo sa harap ko habang galit na galit akong tinitingnan.

Napansin ko rin na may galos ang perpekto niyang mukha.

"You're mine, Janine. Akin lang. Akin." Nagulat ako sa sinabi niya at nagtangkang hahalikan ulit ako ng pigilan ko siya.

"Ano bang problema mo?!" Hindi ko talaga siya maintindihan.

"IKAW! You're my freaking problem!" Sigaw niya sakin.

"At bakit naman akong naging 'freaking problem' mo?" Hindi ko na napigilan ang pagtataas ko ng boses.

"You told me that you'll leave that guy and stay with me. You promise me that you'll choose me, right? You said you're mine. Diba, sinabi mo sakin na one more week then you'll break up with him? But, what the helll?! Lagpas na yung one fucking week na sinasabi mo. You love me? Now, I want you to prove me that you really love me. " Mahabang pahayag niya sakin na nagpalambot ng puso ko.

Yes, I promise him all of that. Pero kasi naman...

"Chase, mahirap. Mahirap iwan ang taong nakasama mo sa loob ng tatlong taon. Naging mabuti sakin si Dylan. Minahal niya ako ng sobra sobra. Siya yung nandyan nung panahon na iniwan at pinaasa mo ako. He's there while you're not. He loves me, I love you but you're inlove with her." Maluha luha kong sabi.

"Janine naman. Why are you always bringing up the past. Sinabi ko na sayo ang dahilan niyan diba?! Balik na naman ba tayo dyan? Madali lang siyang iwan kung talagang mahal mo ako." Bahagyang natawa ako sa sagot niya.

"Kaya ba madali mo akong naiwan dahil mahal mo talaga siya?" Tumingin ako sa taas para pigilan ang nagbabadya kong luha pero kusa itong bumuhos.

"Damn. Shit. Damn. Damn." Bigla niyang sinuntok ang pader sa gilid ko kaya napapikit ako.

" Hindi madaling iwan si Dylan dahil napamahal na siya sakin. Importante siya sakin kaya hindi ko siya iiwan." Buo na ang desisyon ko... Si Dylan ang pinipili ko.

"And what the hell do you mean by that?!" May gigil sa boses niya at lalong nag alab ang mga mata niya.

Yumuko ako atsaka sumagot. " I want this to end. I want us to end. Ayoko na. Nahihirapan na ako. Si Dylan. Siya ang pinipili ko. I'm so sorry Chase."

Napaangat ako ng tingin ng bigla niyang hinablot ang braso ko. Mahigpit ang hawak niya dito na tila ayaw niya akong pakawalan.

" You're crazy if you think that I will let that happen. You're so wrong if you think I will let you go that easily. You're mine. Mine alone. Ang tagal kong naghintay para maging akin ka ng buong buo. Ng walang kahati. Janine, ang tagal kong tiniis na maging second option lang. But, this time.... I will rightfully claim what's mine which is you. Only you. And there's nothing you can do about it. I swear, you'll be mine. Like it or not." Kinilabutan ako sa kanyang mga salita at sa kanyang boses na para bang inaangkin ako.

Parang siguradong sigurado siya sa mga sinasabi niya.

Lalong nadagdagan ang kaba ko ng bigla siyang ngumisi.

"Do what you want. But, after a days. You'll be with me again.... baby." Tumalikod siya ng nakangisi.

Ilang minuto na siyang makaalis pero napako na ako sa kinatatayuan ko.

Naalala ko na naman yung dati. And about our conversation, he's my ex-boyfriend back then.

---------------------------------------------------

Lutang ako ng bumalik ako sa classroom. Hanggang ngayon naaalala ko parin ang mga pinag usapan namin ni Chase.

"Where have you been?!" Nalito ako sa tanong ni Dylan.

"Sinabi ko na sayo, right?" Kahit nalilito ay sinagot ko parin siya.

"Just the me where have you been?!" Nagulat ako ng bigla niya akong tinaasan ng boses. Siguro na pansin niya ang takot sa mukha ko kaya huminahon siya.

"Please, Monica. Just answer me." Mababa na ang tono ng kanyang pananalita.

Sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Angel sa usapan namin.

"Ahem. Dylan, nagpasama kasi ako kay Monica sa mall. Hindi kasi sila nakapagkita ni Jane eh." Paliwanag ni Angel na mukhang pinaniwalaan ni Dylan.

Lumapit siya sakin at hinaplos ang pisngi ko.

"Ganun ba? Sorry, nasigawan kita. I'm just... worried." Tumango nalang ako sa kanya at ngumiti.

" Monica. Samahan mo naman ako sa bathroom."
Akmang tatayo na ako ng hinila ako pabalik ni Dylan.

"Hey, woman. Hindi mo ba kaya magisa pumunta sa banyo? Go by your own. You don't need to bring Monica with you." Prankang sabi ni Dylan na ikinasimangot ni Angel.

"Sige na. Ibabalik ko rin naman siya eh." Bago pa makatanggi si Dylan ay nahila na ako ni Angel.

© yourmysterygirl_01

Possessive JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon