Chapter 5

1.8K 59 0
                                    

A/N: Continuation po ito ng flashback sa Chapter 4

Pagkatapos na pagkatapos ng klase agad akong dumaretso sa condo ni Chase. May dala dala akong cake para sa aming dalawa. Hayy. Kamusta na kaya ang baby ko. Baby. Shit. Kinikilig ako.

Kumatok ako pero parang walang tao. Baka naman tulog lang? Pinihit ko ang doorknob at nagtaka ako ng bukas ito.

Naiwan niya sigurong bukas. Nakangiti akong pumasok pero agad itong napawi dahil sa nakita at narinig ko.

Nakakalong ang magaling kong bestfriend sa boyfriend ko.

"Babe. Kailan mo ba hihiwalayan si Monica?" Nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Thea.

"Soon babe. Soon." Ngumiti si Thea at hinalikan si Chase na agad naman niyang tinugunan.

Parang tinadtad ng kutsilyo ang dibdib ko. Nakita kong napalingon sa gawi ko si Thea.

Akala ko magugulat siya pero ngumiti lang siya at mas nilaliman ang halik nilang dalawa.

Hilam na hilam na ako dahil sa luha ko. Parang huminto ang mundo ko kasabay ng pagtigil ng pintig ng puso ko.

Huminto sila sa ginagawa nila at biglang humarap si Chase sakin.

Nagulat ito pero saglit lang na para bang inaasahan na niyang mangyayari ito. Akala ko tatayo siya at magpapaliwanag sakin pero nagkamali ako.

Hindi niya inalis si Thea sa kandungan niya. Nakatingin ito sakin ng blanko ang mukha.

"Bakit? Why all of people kayo pa? Bakit niyo to ginagawa sakin?" Nanghihina kong sabi. Napaupo ako sa sahig dahil hindi ko na kinya ang sakit.

"Kailan pa? Kailan niyo pa ako ginaganto?" Nakita kong pinaalis muna ni Chase si Thea.

"Sawa na ko sayo. Tapos na tayo." Sobrang sakit. Ang sakit sakit. Ano bang nagawa ko Chase. I tried to be perfect for you. Minahal kita ng sobra but... but why are you hurting me so hard. So hard that I wanna dissapear and die.

"Please Chase. Wag mo kong iwan hindi ko kaya. Kalimutan na natin ang nangyari ngayon. Please. Stay with me." Lumuhod ako sa harapan niya at humagulhol.

"We're over." Shit lang. Damn. Ngayon pa talaga.

"Ano bang nagawa ko? Ayos naman tayo diba? Chase, anniversary natin ngayon. Tapos ito? Bakit? Bakit yung bestfriend ko pa?" Pinunasan ko ang luha ko na patuloy sa pag agos.

"Wala kang nagawa. Its just... I'm tired of you. And I want new." Parang may nakabara sa lalamunan ko. Gusto kong magalit sa kanya pero nananaig parin sakin yung pagmamahal.

"Wag na si Thea. Ako na lang please. Ang sakit Chase. The pain is killing me. Please. Mend me." Nakatingin lang siya sakin. Blanko parin ang expression niya.

"You want me to leave Thea?" Malamig nitong sabi.

"P-please..." Yumuko ako. Please Chase, choose me.

"I'm sorry but I can't. Mahal ko siya kaya hindi ko siya kayang iwan." I froze. Tumawa ako ng pagak. So ganun nalang yun?

"Kailan pa?" Malaming na sabi ko. Gusto ko siyang saktan pero nananaig yung pagmamahal ko para sa kanya.

"5 months." May isasakit ba pa to? Pwedeng sa susunod nalang yung iba?

"Ahhh. Okay. Sige, break na tayo. Kung dun kayo masaya. Osige, I'm giving it to you. Ako lang pala ang hadlang sa inyo dapat matagal mo nang sinabi eh para naman mabawasan ang sakit. Sana man lang dinahan dahan mo. 2 years Chase. 2 years." Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti.

"Thank you sa lahat. Happy anniversary Chase. I love you, goodbye." Tumalikod na agad ako at doon binuhos ang lahat ng sakit.

Pumara ako ng taxi at agad na sumakay doon.

Nang makababa ako ng taxi nagulat ako ng maabutan kong maraming tao sa tapat ng bahay namin.

"Excuse po. Excuse po. Makikidaan lang po." Hinawi ko ang mga tao sa dinadaanan ko.

May lumapit sakin na mga pulis. Kaba ang nararamdaman ko sa oras nato.

"Ikaw po ba si Ms. Monica Janine Villarama?" Tumango ako bilang pag sagot.

Ang ang sunod nitong sinabi ang nag pagimbal ng mundo ko.

"Kinalulungkot po namin pero pumanaw na po ang mga magulang niyo. Car accident po ang nangyari."

Kailan ba matatapos ito?

------------------------------------------------------

Isang linggo na ang nakalipas matapos mawala ng mga magulang ko. Isang linggo na ang nakalipas ng maghiwalay kami ni Chase.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagmumukmok.

Nakarinig ako ng mahinang pagkatok sa labas ng aking kwarto. Napatingin ako ng bumukas ang pinto at linuwal nito si Manang Flor. Siya ang nagsilbing pangalawang ina ko.

"Anak. Monica, kumain ka muna." Nilapag niya ang tray na may lamang iba't ibang paborito kong pagkain.

"Wala po akong gana." Nginitian ko na lang si Manang Flor.

"Anak siguradong hindi matutuwa ng mommy at daddy mo kung nabubuhay pa sila. Tiyak na pagagalitan ka ng mga yon dahil sa ginagawa mong yan. Sige na kahit kaunti kumain ka naman." Hinaplos niya ang buhok ko at niyakap ako.

Sorry po mommy, daddy.

Naging maayos naman ako sa sumunod na mga linggo. Hindi muna ako pumasok at naintindihan naman ng principal at teachers ang nangyari.

Ilang beses ding dumalaw sina Jane, Angel at Sky. Nabalitaan ko din na nasa ibang bansa na si Thea. Galit na galit sila kay Thea dahil sa nangyari sa amin.

"Hayy sabi na nga ba nasa loob talaga ang kulo ng babaeng yun." Inis na sambit ni Angel.

"Sarap pag untugin nung dalawang hayop na yon. Nakuu. Pag nakita ko talaga yun. Grrrr." Si Sky naman ang nagsalita at halata ko ang gigil sa boses nito.

"Wag lang magpapakita sakin ang malanding babaeng yun. Kakalbuhin ko talaga siya. At yung Damon na yun. Kakaratehin ko siya. Demonyo talaga siya." Talagang nag demo pa si Jane ng gagawin. Natawa nalang ako sa nga kabaliwan nila.

Lumipas pa ang ilang araw at may nakilala akong bagong kaibigan. Lumipat narin ako ng school. Sumama rin sakin sina Angel, Sky at Jane.

And about my new found friend. His name is Dylan Kye Del Rio.

Hindi nagtagal ay inamin niya rin sakin na may gusto siya sakin at sinabing liligawan niya ako.

Pumayag ako dahil mabait siya at lagi niya akong pinapatawa.

Kinilig naman ang mga etsusera kong kaibigan.

Nang makalipas ang 4 na buwan ay sinagot ko siya.

"Yes! Yes! Thank you. Promise hindi ka mag sisisi na sinagot mo ako." Bunuhat niya ako nang nakangiti.

"Hey. Put me down. Ano kaba." Pinanlakihan ko siya ng mata pero tinawanan niya lang ako.

"I love you." Mas lumapad ang ngiti niya. Ang gwapo talaga ng lalaking to.

"I love you too." Nginitian ko rin siya. Hinalikan niya ako sa noo kaya napapikit ako.

Thank you Lord for giving him to me.

End of flaskback

© yourmysterygirl_01

Possessive JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon