TRANSFEREE
"OKAY CLASS GET ONE WHOLE SHEET OF PAD PAPER. MAY QUIZ TAYO!"
OMG! OMG! Lilingon na siyaaaa!
"MS. BEDDINGFIELD!"
Wala sa oras na napatayo ako. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa tawag ng professor mo diba?
"NATUTULOG KA NANAMAN SA KLASE KO! GET OUT OF THIS ROOM AT PUMUNTA KA SA DISCIPLINARY OFFICE! GET A CARD, REASON: SLEEPING WHILE THE PROFESSOR IS DISCUSSING. NOW!"
"I'm sorry, Ma'am." At agad akong lumabas at tumakbo palabas ng room. Napahiya ka nanaman Celine! Tulog pa kasi sa klase. Pero sayang talaga, nandun na eh! Nararamdaman ko, lilingon na yung prince charming ko eh. Sayang talaga. Next time sa panaginip, makikita din kita, haharap kadin. Hahaha.
Nasa harap nako ng disciplinary office, mukhang tahimik naman kaya kumatok na ako.
"Come in" at agad nakong pumasok.
"Kasalanan?" Tanong ng professor na nandun.
"Sleeping while the professor is discussing po." Sambit ko.Binigyan niya ako nung red card at kinuha ang pangalan at course ko. Wow ha! F4 lang ang peg? Siguro naman di pa ako mamamatay no?
"First offense palang yan. Pag naka tatlong ganyan kana, you'll be suspended for one week." Aniya.
Okay okay. Lesson learned. Matutulog na ako ng maaga. Tsk.
"Alright ma'am" sabi ko habang nakayuko at paaalis na ng disciplinary room.
Saktong paglabas ko ay lunch na. Dumiretso ako sa resto na malapit sa campus para kumain. Dito kami lagi kumakain magbabarkada. I'm sure they'll ask kung bakit ako nauna. Lagi kasi akong nalelate dahil sa professor naming takaw oras.
Ilang minuto pa nang namataan ko ang bestfriend ko. Si Ashley. Sumunod sakaniya sina Tristan, Carl at Angela.
"Celine! Aga mo ngayon ah?" Ani Tristan
"Oo nga! Himala ata ang aga niyong pinalabas ngayon?" dugtong ni Ashley.
"Ah. Eh. Yun nga eh." Napakamot ako sa ulo ko habang nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko ba ang dahilan o hindi.
"Nakatulog kasi ako sa klase ni Ms. Barameda. Ayun, napalabas ako at pinapunta sa disciplinary office. It was my first time to get there, at eto pa talaga nakuha ko!" Pinakita ko sakanila yung red card ko.
Iiling iling sila. Halatang medyo nagpipigil ng tawa. Pero si Carl di na napigilan. Humagalpak na siya ng tawa. Di narin nakapagpigil ang iba kaya tumawa na sila. Kumunot ang noo ko.
"What?" Pagtataray ko.
"Pfft hahahahaha! Ano nanaman ba kasi ang ginawa mo kagabi ha? Iniisip mo nanaman ba yung sinasabi mong 'prince charming' mo na di lumilingon sa panaginip ha?" Ani Carl habang humahagalpak ng tawa.
Kita mo tong baklang to. Palibhasa walang prince charming eh!
"Heh! Kala mo naman talaga e no? Palibhasa wala kang lovelife. Pag lumingon lang talaga yung nasa panaginip ko hahanapin ko yon. Pag nahanap ko yon who you kayo saken!"
"Weh? Kaya mo Celine ha?" Natatawang tanong ni Angela.
Di ko na sinagot. Nababaliw nanaman ang mga kasama ko.
Well, sila ang mga kaibigan kong baliw. Chos. Masaya kasama yang mga yan. Si Carl Aragon, civil engineering ang course. Isang baklitang matalino sa math. Si Sophia Angela (Anj) Cruz naman, pinsan ni Carl. Architect naman ito si Anj. Tristan David (Dave) Evans, Business Management naman ito tulad ng aking bestfriend na si Ashley Montes. Well pareho silang may mamanahing kompanya sakanilang parents kaya ganon. Ako naman ay accountancy ang course ko. And yes, mayayaman kami pero di kami maarte.
Kung inyong tatanungin, businessman si dad and designer naman si mama. Unica Hija ako. I'm lucky to have them as my parents kasi hinahayaan nila ako sa gusto ko at the same time hindi nila ako pinababayaan. I will inherit our business but they are not pressuring me. Kasi sabi nila kung maghahandle na ako ng business namin, dapat bukal sa puso. Kasi kapag hindi, magiging unsuccessful lang ako pagdating ng panahon.
"Celine" ani Ash.
"Hmm?"
"Kilala mo ba yung transferee? Sa Business Ad?"
Umiling ako. Sino naman kaya yon? Bago nanaman niyang kinahuhumalingan?
"Ayun oh!" Sabay turo niya sa apat na lalaking pumapasok.
"OMG! OMG! Kita mo yung pang huling pumasok? Siya si Andre, Andre Veneracion. Gwapo no? Grabe." Turo niya dun sa gwapong matangkad na lalaki na may gitara sa likod habang kinikilig.
"Hm. Okay lang." Sambit ko.
"Anong okay lang?" Tanong nilang tatlo. Si Tristan tahimik lang.
"Okay lang. Katamtaman. Tama lang. Di masyadong gwapo, di rin pangit."
"Like Duh Celine! We all know what that means! But he's gwapo. Hindi lang katamtaman. Sobrang gwapo niya!" Ani Carl
"Huy Carl tumigil ka nga! Marinig tayo nun baka lumapit pa satin!"
"Ano kaba sis! Edi mas lalong okay ma marinig nila! Heaven pag nakausap pa natin sila! Diba?" Pumapalakpak na sabi ni Carl.
Umiling nalang ako. Nababaliw nanaman sila.
After an hour na pag uusap. Napagpasiyahan na naming bumalik sa kaniya kaniyang klase.
"Bye guys! Tomorrow ulit!" Ngiti ko sakanila.
"Aryt Celine! Ingat ka!" Sigaw ni Ash.
Tinanguan ko na siya at pumunta sa room para sa next class ko.

BINABASA MO ANG
When you Fall
TienerfictieIs it really possible that you fall for someone who makes you laugh, and makes you cry at the same time?