Hoping for you to be back
After hearing those words, we remained silent. While appreciating the beauty of the nature, something has gone to my mind. Para bang tama sya, parang ilang beses na kami napunta dito, kaming dalawa yung magkasama.
"You hungry?" He asked.
"No. not yet." I answered back without looking at him.
"Alright then. You wanna go home instead?"
Umiling ako at nagpatuloy sa pagtitig sa lawa. Hinahawakan niya padin ang kamay ko at mas humihigpit ito.Makalipas ang ilang oras ay hindi ko namalayang nakatulog na ako sa balikat niya. At paggising ko ay nakaramdam ako ng gutom. Tumingin tingin ako sa paligid at nakitang madami nang stalls na nandoon. Gabi na kasi, madaming streetfoods na binebenta tuwing gabi.
Nakaramdam ata si Andre na palinga linga ako kaya nagising din siya. Binigyan nya ko ng What-Do-You-Want Look. Umiling nalang ako at nanahimik. Hindi ko sinabing nagugutom ako. Nakakahiya naman kasi. Baka mamaya bilhan niya ako ng pagkain. Oops. Assumera ka na naman Celine. Ghad what the hell is happening to me?
"Wait for me here." Maawtoridad niyang sinabi. Tumango tango nalang ako.
Saan naman kaya pupunta yung lalaking iyon? OMG. Don't tell me iiwan niya ako dito? Ghad ghad Celine bakit hindi mo agad naisip yon? Shit.
"5 minutes"
"10 Minutes"
Ghad ghad Andre nasan kana ba?
"12 Min-"
"Here." iniabot niya sa akin yung plastic ng pagkain. Barbeque, mais at Fries. Gutom na gutom na ako! Bumili pala siya ng pagkain. Akala ko iniwan na niya ako dito.
"T-Thanks" and I smiled at him. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sakanya. Parang ang tagal tagal ko na siyang nakasama. Parang normal lang sa amin iyong magkasama kami. Pero hindi, kasi hindi naman talaga kami ganun magkakilala. Ngayon lang kami naging magkasama. But how come he can give me this kind of feeling? Ghad. Naloloka na ako sakanya!
Kinain na namin yung pagkain na binili niya. Wala kaming imikan, tinitignan lang namin yung mga taong dumadaan, mga batang naglalaro, mga mag jowa na nagba-bike. Napapangiti kami sa mga batang nag aaway dahil sa laruan, ang cute nilang tignan. pag bata ka at may kaagaw ka, iyak lang ang kaya mong gawin. Hindi ka nananakit ng iba. Well it is how their parents raised them. Nakadepende talaga yung ugali ng anak sa magulang.
Nakalimutan niya palang bumili ng softdrinks, kaya tumayo siya at kinuha niya ang kamay ko. Okay, HHWW nanaman kami! Holding Hands While Walking. Pucha. Kinikilig tuloy ako. Pft. Hep. Celine. Relax oy!
Habang naghahanap kami ng stall na mabibilihan ng softdrinks, mabagal kaming naglalakad. Syempre tinitignan namin yung mga ganap dito sa park no. Pero habang naglalakad kami, jusko, yung mga mata ng mga kababaihan, parang papatayin nila ako pag nakatingin sa akin, tapos lilipat yung tingin nila kay Andre, punyemas biglang kikislap ang mga mata. Juskopo. Edi kayo na po ano po? Kahiya naman eh. Kalerki mga chakababes na ito. Jombagin ko kayo isa isa eh! Chos lang haha.
Palayo na kami dun sa maraming babaeng nakatitig sa amin, iniabot na nya ang softdrinks na nabili niya. I wonder kung nasaan yung stall na pinagbilhan niya. Ghad. Am I too pre occupied?
"So, what do you want to talk about then?" I ask out of nowhere. It is 7:15 in the evening and I need to be home by 8. Magrereview pa ako no jusko. Kaya we need to talk about this na para makauwi na ako.
"I'm sorry, I promise to fix things up as soon as possible. I missed you," he hugged me, and whispered "hoping for you to be back, My Celine."

BINABASA MO ANG
When you Fall
Teen FictionIs it really possible that you fall for someone who makes you laugh, and makes you cry at the same time?