Naguguluhan
My Celine...
My Celine......
My Celine
Tulala ako habang naglalakad pabalik ng sasakyan niya. Iniisip padin yung mga sinabi niya sa akin. Anong ibig sabihin ng lahat ng ito? Ano bang nagyayari? Naguguluhan na talaga ako. Ano bang alam niya na hindi ko nalalaman?
Tulala parin ako hanggang sa napansin kong nakabukas na pala ang pintuan ng sasakyan niya. Ipinagbukas niya ako. Ang gentleman niya talaga. Tila may mga kulisap sa tiyan ko na nagrarambol. Pero isinawalang bahala ko iyon. Iniisip ko padin lahat ng nangyari.
"T-thanks" nauutal na sambit ko. Hindi ko na alam yung sasabihin ko. Nakakahiya naman kung hindi ako umimik kaya nagpasalamat na ako. Naguguluhan pa talaga ako sa mga nangyayari. Dumating lang sya sa buhay ko naging ganito na.
Lumipas ang ilang minuto, nakarating na pala kami sa tapat ng bahay namin. Teka. Paano niya nalaman na dito ako nakatira? ni hindi naman siya nagtatanong at wala akong natatandaan na umimik ako sa biyahe. Ano bang meron sa misteryosong lalaking ito? Bakit parang may alam siyang detalye sa buhay ko na hindi ko alam kung ano at paano niya nalaman?
Bahala na nga. Magrereview pa ako para bukas. Kailangan ko na ring magpahinga. Nakakapagod magisip ng kung ano ano na hindi ko naman alam kung aano masasagot.
"hm, thankyou sa paghatid." Nakangiting pasasalamat ko sakaniya. I looked away when i saw his eyes na parang iiyak. Tama ba ako? Iiyak siya? Pero bakit?
Di nagtagal niyakap na niya ako.
"Imissyou so much Celine. So much. Sana bumalik na lahat. Sana-"
"CELINE! ANONG GINAGAWA MO? PUMASOK KANA SA LOOB! MAGHAHAPUNAN NA TAYO!" Pagtawag ni mama sa akin. Tumingin ako kay mama. Sunod kay Andre. Iba yung titig ni mama kay Andre. Anong meron? Magkakilala ba sila?
"Ma? Magkakilala po ba kayo?" Hindi ko na napigilan magtanong. Ang bigat ng titigan nila. Para bang may pinipigilan si mama na sabihin ni Andre.
"Ah, Eh. Hindi ah! Ngayon ko nga lang nakita iyang lalaking yan dito. Si ano ba yan ay este Sino ba iyan? Ipakilala mo na nang makauwi na siya." Naguguluhang sagot ni mama. Ang weird ng mga nangyayari. Really.
"Ah. Ganon po ba. Uhm. Si Andre po. Uhm. Schoolmate ko po." Nagaalinlangang sagot ko. Hindi ko naman kasi alam sasabihin ko. Totoong schoolmates kami. Pero hindi ko pa sya ganoon kakilala. Kaya hindi ko din masabing kaibigan ko siya.
"Oh sige na iho. Umuwi kana at gabi na. Baka hinahanap ka na sa inyo." Binigyan siya ni mama ng matalim na titig. Ano ba ang nangyayari na hindi ko alam? Sobrang weird na talaga.
"Sige na uhm. Andre. Gabi na. Umuwi kana. Uhm. S-salamat sa uhm sa paghatid." Pagdadagdag ko sa sinabi ni mama.
"Sige Celine. Mauna na ako. Tita Tasha. Una na po ako. Maraming salamat po." Nagbow pa siya bago pumasok sa kotse niya. Para siyang Koreano lol. Pero saglit. Kilala niya din ang mama ko? Paano? Ano bang nangyayari sa buhay kooooo!
Hinintay kong makaalis siya bago ako pumasok sa bahay. medyo tulaley padin ako sa mga nangyayari. Umakyat muna ako para magbihis. Medyo natagalan ako kasi ang dami kong iniisip. Una. Kilala ako ni Andre. Pangalawa. Tinawag niya akong "My Celine" pangatlo. Alam niya bahay ko. Pang apat. Kilala niya si mama. Ano nanaman bang susunod? Gulong gulo na ako! Gusto ko na nang kasagutan sa mga tanong koooo!
"CELINE! BUMABA KA NA PARA MAKAKAIN NA TAYO! MASYADO NANG GABI!" Sigaw ni mama mula sa baba.
"OPO MA!" Sigaw ko naman pabalik.
Habang pababa ako. Napag isip isip ko na siguro hihintayin ko nalang yung sign. Maghihintay ako ng sign. Hahayaan ko nalang muna itong mga nangyayari. Kahit naguguluhan ako. Alam kong may kasagutan din ang mga tanong ko.
Mahigit tatlumpung minuto din bago ako matapos kumain. Tahimik lang kaming kumain. Hindi na nagsalita si mama tungkol sa nangyari kanina.
Umakyat na ako sa taas para magreview
Ilang minuto na ang nakalipas. Ilang beses ko nadin inuulit ulit itong binabasa ko. Wala pading pumapasok sa utak ko. Jusko paano na ba ako nito bukas?

BINABASA MO ANG
When you Fall
Teen FictionIs it really possible that you fall for someone who makes you laugh, and makes you cry at the same time?