Few memories
'Celine ... ako ito. Ang mahal mo.'
'Mahal na mahal kita.'
' Sana wag mo na wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita.'
' Walang iwanan.'
' Walang atrasan'
'Ikaw lang ang minahal ko ng ganito.'
'I am madly and deeply inlove with you'
'I told my self that when i fall in love, i won't ever let my love go, and it's you that i'm never gonna let go'
'Iloveyou, My Celine'
"ARAY!" Sigaw ko. Nalalaglag nanaman ako sa kama. Punyemas naman talaga. Kahit kailan talaga tatanga tanga ka Celine!
Umaga na pala. I grab my phone and tinignan ko yung oras. 6:13AM. Nakita ko yung mga libro ko nakakalat pa. Nakatulog pala ako kagabi habang nagrereview. Weird. Wala talagang pumasok sa utak ko habang nagrereview kagabi.
Pero mas weird yung panaginip ko. Nagsasalita yung 'prince charming' ko. Sinabi niya yung gaya ng sinabi ni Andre kahapon. 'My Celine'. Haaaay . Ang weird na sobra ng buhay ko.
Pero wait. Yun na ba yung hiningi kong sign? Pero anong klaseng sign yon? Kung magpahula kaya ako? Para malaman yun-
"ARAY!" Sigaw ko ulit.
"Ang OA mo naman! Mahina lang naman yung pagbatok ko ah! Kanina pa kita tinatawag di ka sumasagot! Gising kana pala di ka bumababa! Pagdating ko dito sa taas para kang baliw pabago bago expresyon mo! Ano bang nangyayari sayo anak ha? Kulang kaba sa kain? May baon ka naman ah? Kuu anak kailangan na kitang ipacheck baka mamaya nababaliw ka na. Nako jusko wag naman po sana!" Litanya ni mama.
"MA! Sino kayang mas OA sa atin ano po? Grabe sya. Ang haba ng sinabi mo po. May iniisip lang naman ako." I pouted. Tinaasan ako ng kilay ni mama.
"Arte mo ah. Wag kang ngumuso nguso jan baka tapyasan ko yang nguso mo" tatawa tawang sagot ni mama. Ngumuso lang ulit ako.
"Osya. Tigilan mo na yan. Anong oras na baka malate kapa. Bumaba kana don. Nakahanda na ang agahan." Sabay halik ni mama sa noo ko.
"Okay po ma. Thanks po." Sagot ko. Ang sweet talaga ng nanay ko. Kahit minsan baliw, (wag kayo maingay), love ko yan!.
Ginawa ko ang morning rituals ko. Naligo, nagbihis, nagayos. Halos isang oras bago ko matapos ang lahat nang yon. 8:30 pa naman ang pasok ko kaya di pa ako late. 7:03 nang natapos ako at bumaba na. Kumain na ako pagkababa ko. Pagkatapos ay nagtoothbrush at nagpahinga sandali at nagpaalam na kila mama na papasok na ako.
Pasado alas otso nang makarating ako sa school. Tinitignan ko ang paligid. Medyo mahaba habang lakaran pa bago ko marating ang engineering building. Civil Engineering ang course ko. Kung gusto niyo lang naman malaman. Hehe.
Tulaley ako habang inaalala yung panaginip ko. Ano kayang ibig sabihin non? Hay. Bigla nalang gumulo ng ganito yung buhay ko. Grabe naman. Kailan kaya matatahimik ulit ang buhay ko? Dumating lang si An-
"ARAY!" Sigaw ko nanaman. Punyemas pangatlo na ngayong araw na sumigaw ako ah!
"Ang sakit. Shit" napasapo ako sa ulo ko.
' My Celine. My Celine. Iloveyou. '
I saw Andre's face flashed on my mind saying those words. What is the meaning of this?
"Ako na." Sabay kuha ni Andre ng dala kong gamit. Nandito nanaman pala siya.
"Hindi na. Kaya ko naman." Nagmamadali akong maglakad para hindi niya ako maabutan.
"Just like the old times Celine." Nagtindigan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Kinabahan ako. Ano nanaman ba ito? Naiiyak na ako sa nangyayari sa buhay ko.
Is it possible that those are few memories from my past? Pero paano? Bakit? May sakit ba ako? Wala naman akong Amnesia ah? Kumikirot ang puso ko tuwing naalala ko yung biglang paglabas ni Andre habang nasakit ang ulo ko. Mahal niya daw ako. Pero paano? Ngayon lang kami nagkakilala. Napaka imposible.
Kailangan ko nang maghanap ng sagot sa mga katanungan ko.
BINABASA MO ANG
When you Fall
Teen FictionIs it really possible that you fall for someone who makes you laugh, and makes you cry at the same time?