"Excuse me. Bathroom muna" ani Tristan at bigla biglang umalis. Hala? Anong meron sa isang yon? Nababaliw? Tss.
"Omg. Ganda mo girl. Haba ng hair myghad. Is this for real?" Ani Anj na kilig kung kilig. Sus if I know nasasaktan yang mga kaibigan ko. Bet nila si Andre eh? Hahaha kidding aside.
Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang sa matapos nanaman ang Lunch Break. Tss. Ang bilis talaga ng oras kapag kasama ko sila. Palibhasa nageenjoy ako. Hahahaha.
Ilang araw na ang nakalipas. Ganun padin kami ni Andre. Palagi kaming nagkakatext at nagkikita. Or I should say sinasadya niyang sadyain ako bago ako pumasok sa klase ko tuwing umaga. Kasi napapansin ko palagi siyang nakatambay sa isang place tapos susundan nya ako kapag nandon na. Odiba akala mo bodyguard. Hahaha. Haba ng hair ko no? Hahaha kidding aside.
Masayang kasama si Andre. Di nauubusan ng kwento. And balita ko matalino daw ang loko. Oh hindi ako stalker ah? Sinabi lang sakin nila Carl. Grabe kayo saken bully kayo. Chareng hahaha.
"Hey Celine" I froze when I heard his voice. Antagal nyang hindi nagpakita sa amin. Hindi sya sumasabay sa amin maglunch kaya hindi namin alam kung pumapasok ba sya o hindi. Wala kaming balita sakaniya. Pero kahit ganon, kilalang kilala ko boses nya. Kilalang kilala.
"Tristan!" Halos maiyak ako nang marealize kong nakayakap na ako sakanya.
"Walang hiya ka! Saan kaba nagpunta? Hindi mo manlang kami naisip! Nagaalala kami sayo! Ni Ha Ni Ho wala kang paramdam! Nakakainis ka! Nakakainis ka!" Umiiyak kong sabi kay Tristan habang sinasapak ko yung dibdib nya.
"Easy there Celine. May ano, may inasikaso lang ako, oo tama may inasikaso lang ako" pagkatapos ay hinawakan nya ang kamay ko para pigilan ang pagsapak ko sakanya at sabay hinalikan nya ang noo ko. Wag kayong ano jan parating ganyan sa akin si Tristan. He's like an older brother to me. And i'm thankful that he's in my life. Hindi ko mararamdaman ang feeling ng may kuya kung wala sya.
"Bakit antagal mong nawala? Ganon ba kaimportante yung inasikaso mo para hindi mo ipaalam sa amin na mawawala ka? Na kalimutan mo kami ganon? Eh kung ipatapon kaya kita ngayon sa ilog ha? Walang hiya ka talaga!" May konting luha padin sa mga mata ko kaya pinunasan iyon ni Tristan.
"I'm sorry. Eto na nga ako oh? Kala mo naman di na ako babalik. Di ko naman kayo kayang iwanan. Hindi ko kayo matitiis. Kayo pa ba Celine? Ikaw pa ba?" Sinabi ni Tristan pero hindi ko na naintindihan yung huling sinabi nya.
"Hindi matitiis eh natiis mo na nga kami! Paanong hindi namin aakalain na hindi ka na babalik eh wala ka namang pasabi? Ambaliw mo eh no?" Pataray kong sabi sakanya. Eh totoo naman. Wala naman talaga syang paalam kaya malay ba namin kung babalik siya? Duh? Tss.
"Silly." Ginulo nya buhok ko na inayos ko naman agad. "Ano ba, tss." Iritado kong sabi sa kaniya.
"Let's go. Mag iice cream tayo. My treat." Nakangiting sambit niya while matching taas baba ng kilay. Yuck kadiri tss.
"Sige na nga. Kahit nakakadiri yang pagtaas baba ng kilay mo. Tss. Basta cookies n' cream ah?" Kunwari naiinis padin ako sakanya. Hehe. Baka ipaglaban nanaman niya yung double dutch nya eh.
"Alright Princess" nakangiting sabi niya at umalis na kami.
**
"Thanks Tristan" i smiled sweetly at him habang kumakain ako ng cookies n' cream flavoured ice cream. hay. antagal nadin naming hindi nakapagbond ng ganito ni Tristan, nakakamiss pala.
"Hey, Princess" ngumuso nguso sya na parang nanghihingi ng.. ng.... halik? hala anong iniisip nitong si Tristan? bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko na parang kinakabahan. shungalers naman ugh.
"Hoy, tumigil ka nga Tristan, anong kiss? lelang mo panot huy!" pinipilit kong kalmahin ang sarili ko para di nya mahalata kaso bigla naman nya akong tinawanan. Aba loko to ah? bugbugin ko kaya to? tss.
"HAHAHAHAHAHA" at patuloy lang siyang tumawa. luh, mungbaliw sya kakatawa tss.
"HAHAHAHAHAHA Princess, easy there, that's not what I meant HAHAHA" nakahawak na sya sa tiyan nya habang tumatawa. tss. wala namang nakakatawa.
"Tse! ewan ko sayong unggoy ka! aalis na ako! salamat sa libre mo!" inirapan ko sya at saktong pagtayo ko ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan akong umalis.
"Hey, Princess, Go back to your seat please." sabi nya ng mahinahon ng konti habang tumatawa. inirapan ko nalang sya at sinunod din. may magagawa pa ba ako? sus. di ko naman sya matitiis.
"This is what I meant Princess" at bigla niyang kinuha ang panyo nya sa bulsa at pinunasan yung gilid ng labi ko na may... na may..... KYAAAAAAAAAAHHH NATUYONG ICE CREAM HOMAYGHAD.
"Oh shit." Napamura akong tumayo at dumiretso sa cr habang si Tristan naririnig kong tatawa tawa lang. 'Ghad Celine! nakakahiya ka! tumayo ka pa man din kanina, nakita ka ng mga tao! yucks! Parang laway pa naman yung itsura kasi puti yung ice cream! gosh' sabi ko sa isip ko at naghilamos na ako ng bibig ko. shucks! nakakahiya!
*****
A/N
Short Update Yiiie <3
Team Tristan? or Team Andre?
HAHAHAHAHA
*flylaloo*

BINABASA MO ANG
When you Fall
Teen FictionIs it really possible that you fall for someone who makes you laugh, and makes you cry at the same time?