Textmate
At dahil likas ata ang pagkamaulit ni Andre, hinayaan ko na lamang siya na dalhin ang gamit ko at ihatid ako sa tapat ng room.
Pagkarating namin sa room, nagpasalamat ako sa kaniya at kinuha yung mga gamit ko na bitbit niya. Hinalikan niya ako sa noo at sinabing "You're welcome. See you later" at nginitian niya ako. Nginitian ko din siya, pero hindi ko alam kung pansin niya na malungkot ang ngiting iyon.
Pagkapasok ko sa room ay hindi maiwasan ng ibang babae na tumili. Nakakita nanaman kasi ng gwapo. Sino paba? Edi si Andre Veneracion lang naman po.
Hindi rin naiwasan ng iba na titigan ako ng masama. Dahil siguro sa paghalik ni Andre sa noo ko. Tss. Bahala sila sa buhay nila. Walakompake sakanila.
Dumating na ang professor namin na si Mr. Lustico, siya yung magbibigay ng test sa amin. Kinakabahan ako kasi feeling ko wala akong masasagot. Kung ano ano kasing iniisip mo Celine eh!
"Okay keep everything away so we could start the exam" ani Mr. Lustico
Nakakakaba talagaaa! Kung bakit ba kasi walang pumapasok sa utak ko kagabi nung nagrereview ako e! Ugh.
"Okay class lets start."
**
Makaraan ang mahigit isang oras nakatapos din ako sa pagsagot.
"Time's up. Pass your papers forward. And then you may go."
Pinasa ko na yung papel ko. Kyaaaaah. Buti nalang nakasagot akoo waaaaahhh. Although may sampung hindi ako sure. Ayos na rin. Atleast nairaos ko yung test.
Nagsimula na akong magayos ng gamit ko. At umalis na para sa next class ko.
**
Wala na kaming class before lunch dahil may urgent meeting daw si Mrs. Barameda. Wala namang iniwang gagawin kaya umalis na ako na classroom. Ayoko talaga magstay kasi ang aarte ng mga tao. And i want to stay in a peaceful place kahit saglit lang.
So yeah, pumunta ako sa usual place ko. Sa ilalim ng puno sa tabi ng soccerc field. Ang ganda at ang sarap magstay dito kasi puro green yung makikita mo tapos wala pa masyadong nagistay dito. Dumadami lang talaga tao dito kapag may event.
Hindi nagtagal kinuha ko na ang cellphone ko at isinaksak ang earphones sa tenga ko para magpatugtog.
**
Hindi ko na namalayan na nakaidlip na ako. Well buti nalang pag ganitong nakakaidlip ako nagigising agad ako bago maglunch break.
Unti unti kong tinanggal ang earphones ko at isinandal muli ang ulo ko sa puno.
Hay. Naalala ko nanaman yung mga araw na nasa ospital ako dahil naaksidente ako. Nabunggo daw yung sinasakyan kong taxi tapos napuruhan ulo ko. Luckily, I survived. That was two years ago. Well kinuwento sa akin yon ni mama. She also said that i've been comatosed for exactly three months and nine days.
**
Flashback (two years ago)
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata kahit na nakakasilaw. Inilibot ko ang aking mga mata para makumpirmang nasa ospital nga ako.
"Celine anak! Gising kana sa wakas! Salamat sa Diyos" tila parang naiiyak na sabi ni mama nang sabihin niya iyan at hinawakan ang kamay ko.
"Mama? Anong ginagawa ko dito? Anong nangyari?" sinubukan kong gumalaw para umupo kaso sumakit ang katawan at ulo ko "Ouch" sambit ko.
"Anak wag ka muna malikot. Baka mapano ka nyan sa ginagawa mo. Magpahinga ka pa muna para tuluyan kang gumaling. Nandito lang si mama ha?" di nagtagal may dumating na na doktor para suriin ako.

BINABASA MO ANG
When you Fall
Teen FictionIs it really possible that you fall for someone who makes you laugh, and makes you cry at the same time?