Kinabukasan, nagising ako nang mas maaga kaysa sa inaasahan. Habang ako'y nagsusuklay ng aking mabanngong hair, dumating si Manang Rosa upang ibigay ang damit na aking susuotin sa ikalawang pagsubok. Isang damit na yari sa mamahaling tela, kulay garing at pilak, na may mga detalyeng tila simbolo ng angkan ng mga Maglipol.
"Senyorita Adelina," sabi ni Manang Rosa while helping me wore this ancient-looked clothes. "Ngayong araw, ang pagsubok ay mas mahirap kaysa kahapon. Narinig ko na ang bawat bahagi nito ay susubok sa tapang at talino ng bawat isa."
"Utak na naman Mang Rosa?" tugon ko. "wala bang kara-karate?"
Kasi kapag mayro'n ay talagang magagamit ko iyong pinaglaan ko ng oras ko maliban sa academic staffs.
"Naku, naku Senyorita. Diba ay dapat self-defense iyong paggagamitan, hindi para maghamon ng laban?" aniya na siyang ikinatingin ko sa salamin habang niya ang aking buhok."Sabi ko nga po Manang Rosa, kasi naman ang Leonorang iyon napaka-engrata!" paghihinaing ko sa kaniya.
"Ma'am baka nakakalimutan mo ang tunay mong ugali" prangka niyang tanong na ikinataas ng kilay ko. "Kaya pinaaalalahanan kita na sa harap ng marami, lalong-lalo na sa Lakan ay maging disente ka namang babae. Hindi iyong gagamitin mo pa ang salitang ingles para ipahiwatig ang talagang nais mo"
"Don't get me wrong Rosalinda. All I want is that mirror. I will do everything for him to notice me. Dahil siya ang susi. Kapag sinabi kong everything ibig sabihin, kahit maging villain pa ako sa mga mata nila. Gagawin at gagawin ko pa rin para sa sarili ko" I said. Hindi siya tumugon, tahimik lamang siya sa kaniyang ginagawa kaya napalingon ako sa kaniya.
"At tumahimik ka ata Manang Rosa?" I asked.
"Ayan na naman po kasi kayo sa pagiging villain arc niyo eh" aniya pagkatapos ay sinuotan ako ng kwentas na ngayon ko lamang nakita. "Wala na akong ma-say"
"Ang ganda naman ng necklace na ito Manang, saan niyo nabili?" hindi ko pinansin ang mga sinabi kasi. Talagang naagaw ng pansin ko ang ganda ng kwentas at hatid na gaan nito sa aking feelings. My magic ba 'to?
"Pag-aari 'yan ng iyong namayapang ina. Pinasadya niyang ipagawa" aniya.
"Ang aking ina?"
"Oo senyorita. Tama na ang satsat baka tayo ay kanina pa hinihintay ng lahat" aniya. Ako naman na aligaga ssa kaniyang sinabi, muntik pang madapa. Naku, baka ay kay tagal namin. Pero opportunity na ito na ipakitang, I'm a Queen, at ang Reyna ay dapat hinihintay.
Nang kami ay bumaba sa bulwagan, naroon ang tatlong iba pang kandidata-si Leonora, Isabela, at Catalina. Halatang lahat sila ay gustong manalo sa competisyong ito. Talaga bang kamangha-mangha ang maging isang Lakambini?
"At dumating na ang anak-barbaro" bungad sa akin ni Leonora.
"Ano pang aasahan mo sa kagaya Leonora" segundo ni Isabela. "ang mga barbaro, ay barbaro. Siguro'y inuna pa ang maglamyerda kaysa ang unahin ang mahalagang paligsahan na ito"
Nakakasira ng poise ang dalawang ito. "Atleast, I am beautiful with a heart and a brain. Hindi tulad mo Senyorita Isabela, utak bulinaw!"
"Anong sabi mo!"
"Bingi ka ba o nagbibingibingihan lang? Uso magtanggal ng tutuli Senyoritang Estupida" walang preno kong sabi na ikinabigla ng mga naroroon.
"Kailan ka pa naging ganiyan Senyorita?" naitanong na lamang ni Catalina. "Jusmiyo Santisima, kaawaan ka nawa ng diyos"
"Ngayon lang Senyorita, gusto mong pati ikaw ay awayin ko?" Myghad people, matagal na akong ganito lalo na kung tinatapak-tapakan ang aking pagkatao.
"Enough of this!" Biglang sigaw ng Lakan na kararating lamang kaniyang trono. "Magsitigil na kayo mga binibini, mahiya naman kayo sa reputasyon ng inyong familia"
BINABASA MO ANG
Si Adelina At Ang Lakan [Hacienda Wars]
RomanceMaria Adelina Maglipol y Silang, is not your typical girl. Hindi siya iyong tipong mananahimik na lang kapag tinatapak-tapakan na lamang ang kaniyang pagkatao. She fights for herself, she fights for what is right. Ngunit, pagdating sa kaniyang Ama...