Napahawak ako sa sentido ko, feeling ko talaga nababaliw na ako. "Ano bang sinasabi mo, Manang Rosa?" I asked, pilit na iniintindi ang sinasabi niya. "At bakit parang ibang-iba ka ngayon?"
She looked at me confused, at saka siya yumuko, ang kanyang kamay nakakuyom sa kanyang dibdib, parang… naglulumuhod? "Paumanhin, Senyorita, ngunit hindi ko batid kung saan ka nagmumula. Gayunman, kailangang mong kumilos nang mabilis upang hindi magalit ang madrona."
Napatingin ako sa paligid ng aking kwarto—o kung ano man ito. Wala na ako sa pamilyar na mga dingding ng mansyon namin. Ang dating moderno at mamahaling kagamitan, napalitan ng mga kahoy na muwebles na parang gawa pa noong unang panahon. Ang mga kurtina, kahit na makulay, ay parang yari sa matitibay na tela na bihirang makita sa ngayon.
Tumingala ako sa maliit na salamin sa dingding, and almost shrieked. My eyes!—may kakaibang ningning sa mga ito, para bang may liwanag na hindi natural. Parang hindi ito ang mga mata ko! And my clothes? Hindi na ito ang malambot na pajamas na suot ko kagabi, kundi isang kasuotang parang gown na sobrang bigat.
Oh my God. Sa isip ko lamang ba ito? Am I stuck in a dream? Bakit parang totoong-totoo lahat?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahawak ako sa shoulders ni Manang Rosa. "Pakisabi nga, anong taon na ngayon?"
Her jaw dropped, mukhang hindi makapaniwala. "Senyorita, anong klaseng tanong po iyon? Alam nating lahat na taon ito ng Dakilang Lakan, sa ikadalawampu’t isang taon ng kanyang pamumuno."
What the heck? "Dakilang Lakan? Twenty-one years of what?" I'm confused to the bone and all, ano ba talaga ang nangyayari!
Self, kalma, you need to calm down. “Okay, Manang Rosa, sige, gagawin ko ang sinasabi mo. I’ll go along with this,” sabi ko, sinubukan kong huwag ipakita that I am scared.
Pagkatapos, I heard footsteps na papalapit sa aking kwarto, is this my room pa rin ba? Isang grupo ng mga babaeng may dala-dalang mga palanggana at mga telang may kakaibang desenyo ang pumasok sa silid na aking kinaroroonan.
"Senyorita, narito na po ang madrona," sabi ni Manang Rosa, halos hindi na makatingin nang diretso sa akin. Iniisip niya atang nasisiraan na ako ng bait.
Napalunok ako. And whose the Madrona sa kanila? At ano ang gagawin nila sa akin?
Hindi ko na napigilan ang kaba habang ang mga babae’y isa-isa nang pumasok sa loob ng kwarto ko—o sa kwartong ito na mukhang hindi ko na talaga kwarto. Ang mga palanggana nila ay punong-puno ng tubig na may bulaklak, at may dala rin silang mga malalambot na tela at mababangong langis.
Sa gitna ng mga babaeng ito ay lumapit ang isang matandang babae, matangkad, may malapad na balikat, at ang mga mata’y matalim ang tingin. Siya siguro ang madrona. Lumapit siya sa akin, she look straight into my eyes na siyang pinakatitigan ko rin. Aba at napakataas ng tingin nito sa sarili, titigan ba naman diretso sa mata Senyorita nila, amo nila ako diba? kung sa mundo ko lamang ang madronang ito, kanina ko pa siya nasampal. She nod,
“Senyorita Maria Adelina,” aniya, mababa at may bigat ang boses. “Kailangan ka nang bihisan at paghandain para sa araw na ito. Ang araw kung saan ipapakita mo ang iyong kagandahan at karangalan para maging angkop na Lakambini ng ating Lakan.”
My brows wrinkled. “Lakambini? Anong Lakan? Bakit kailangan pa ako paliguan? Saka… what is happening?”
Parang wala silang narinig sa mga tanong ko. May isang babaeng lumapit sa akin, at marahang ginabayan ang kamay ko upang bumangon mula sa kama.
“Senyorita, sa araw na ito, marami ang nakatingin sa inyo,” patuloy ng madrona. “Isang malaking karangalan ang ipinagkaloob sa inyo, at dapat ninyong suklian ng buong pagkatao at pagpapakita ng kagandahang asal.”
BINABASA MO ANG
Si Adelina At Ang Lakan [Hacienda Wars]
RomanceMaria Adelina Maglipol y Silang, is not your typical girl. Hindi siya iyong tipong mananahimik na lang kapag tinatapak-tapakan na lamang ang kaniyang pagkatao. She fights for herself, she fights for what is right. Ngunit, pagdating sa kaniyang Ama...