Maria Adelina Maglipol y Silang, is not your typical girl. Hindi siya iyong tipong mananahimik na lang kapag tinatapak-tapakan na lamang ang kaniyang pagkatao. She fights for herself, she fights for what is right. Ngunit, pagdating sa kaniyang Ama, Adelina has no chance. Ipaglaban man niya ang karapatan niya, her Dad's words are law. Anong laban niya eh nagmana lang naman siya pero she will never win. Masusunod at masusunod ang Papa niya. She wants freedom pero ayaw naman niyang iwan ang kaniyang Papa, for she loves him kahit na sinasakal na siya sa kahigpitan nito bilang Ama. After their argument, the night after, Adelina was brought to another by a mysterious mirror. Ang mundong iyon ay isang mahiwaga kung saan tatalastasin niya ang kaniyang tibay ng loob. Ayaw niya sa mundong ito dahil tulad ng kaniyang tunay na mundo, sa puder ng kaniyang Ama, ang kaniyang mga galaw ay hindi malaya. Ang kaniyang bawat kilos ay binabantayan, na dapat siya ay isang babaeng mahinhin at disente. Ngunit, Adelina will never fake her actions, her words will be her words na sasabihin ang nais niya kahit na ikasira pa ng dangal niya. Dahil alam niyang ang kaniyang paniniwala ay tama at dapat iyon ay tama. Makikilala niya sa mundong ito ang iba't ibang tao na bibigyan niya ng sakit sa ulo. Nariyan si Senyorita Leonora, ang babaeng tulad niya ay maldita. Si Senyorita Isabela na laging sumisegundo sa sasabihin ni Leonora. At nariyan rin si Katalina, ang pinakamahinhin sa lahat. Siyempre kakalimutan ba natin si Lakan? Ang bagong tagapagmana ng Hacienda Forteza. Ang Lakan na matipuno, gwapo, ngunit may katakot-takot na pag-uugali. Siya si Senyorito Henerico Forteza IV. Siya ang pinunong pasasakitan sa ulo ni Adelina dahil sa taglay na kapangahasan nito. May mabubuo kayang pagmamahalan sa pagitan nila? Paano kung dumating ang panahon na babalik na sa tunay na mundo si Adelina, ano ang mangyayari? Abangan!