The giant door ng malaking bulwagan, opened as we enter. Coincidence lang ata na sabay kaming nagsidatingan ng tatlong iba pang babae. Ang gaganda ng mga babaeng nakasabayan ko, halatang mula sa mga mayayamang pamilya. Sa pagtapak namin sa loob ng bulwagan, agad kong naramdaman ang bigat ng mga matang nakatitig sa amin-mula sa mga tagapaglingkod, mga tagabantay, at lalo na mula sa mga may-ari ng Hacienda Forteza. Hindi ko lubos maisip kung paano ako napasama sa ganitong kompetisyon, ngunit andito ako, kasama ng mga babaeng galing sa kilalang mga angkan.
"Mga binibini, maligayang pagdating sa Hacienda Forteza," narinig kong sabi ng isang lalaki na nakasuot ng makinis na itim na kasuotan. Tila siya ang tagapamagitan ng kompetisyong ito, at halatang sanay siya sa ganitong mga okasyon.
Sinulyapan ko ang tatlo pang babae. Yumukod sila ng bahagya at sabay-sabay na nagwika, "Kami rin ay ikinalulugod na makita ka Don Lorenzo" What is this? Scripted? Bakit di ako na-inform?
"O, Senyorita Adelina, ayos ka lang ba?" napansin niya atang hindi ako nagbigay-galang sa kaniya. Ayos ka din uncle no? hindi ko yan Tito ha,
"Ipagpaumanhin niyo Don Lorenzo ang aking kalapastanganan," I pleaded. "Sadyang nahilo lamang ako sa mahabang paglalakbay namin"
"Naku, naku. Magpahinga ka muna sa isang tabi at mamaya na natin simulan ang okasyon" aniya na susundin ko na sana kaso may panira.
"Hacienderang nais maging Lakambini pero sa paglalakbay lamang ay napagod na" parinig ng isa sa mga kasama kong babae. "Naku, Don Lorenzo, dapat ay idiskwalipado na ang Adelinang 'yan. Hindi siya karapatdapat kung sa simpleng pagod ay magpapadala at makakagambala siya ng iba"
"Senyorita Leonora, maghinay-hinay ka sa iyong mga sinasabi." pagtatanggol sa akin ni Don Lorenzo. "Alalahanin mong matalik na magkaibigan ang kaniyang ama sa ating dating Lakan kaya maghunos dili ka"
"Pero totoo naman ang sinasabi ko. Hindi madali ang pinasok niya kaya ngayon pa lang ay pinapayuhan ko na siyang umatras sa labang ito" tumingin ito sa akin at inisnob ako."baka nga ay pasalamatan pa niya ako sa huli"
Sumosobra na ang Leonorang ito ah, the fuck being a Lakambini. Ayokong manalo upang maging asawa ng Lakan, ngunit I need to win for that fucking mirror. Sampalin ko kaya ng dos-por-dos ang bruhang ito ng malaman niyang mali siya ng binabangga.
"Excuse me, but for your freakin' and fuckin' sake mahal na Senyorita. Ituloy na po natin ang kung ano mang okasyon ngayon" nanlalaki naman ang mata nilang napatingin sa akin.
"Nababaliw na ata ang babaeng ito Don Lorenzo" hanas ng isa pa naming kasama na di ko pa nakikilala.
"Marahil ay pagod lamang ang binibini kaya kung ano-ano ang sinasabi" saad ng isa pa. "Akong si Senyorita Isabela nga ay nakakaramdam ng pagod. Siya pa kaya. Ngunit tulad ng sabi niya, ipagpatuloy na natin ang okasyon"
"O siya, halina kayo" sang-ayon ni Don Lorenzo. Sinundan naman namin siya.
Habang lumalakad kami papasok ng bulwagan, napansin kong bawat hakbang namin ay sinasalubong ng pagtingin ng mga nasa paligid. Pagod na ang lola niyo, pero I wear my usual stern look. Hindi pwedeng si Leonora lang ang mukhang sophisticated dito no! Oo nga't bawat isa sa amin ay may suot na magagarang kasuotan-mga damit na nagpapakita ng kayamanan ng aming mga pamilya, ngunit iba pa rin ang epekto ng pagdadala nito. Sa aking suot na kulay esmeraldang saya at kimona na may mga gintong burda, sinigurado talaga ng aming mga katulong na hindi ako magmumukhang mahina o talunan.
"Ang titulong Lakambini ng Hacienda Forteza ay hindi lamang tungkol sa kagandahan," sinimulan ng tagapamagitan, sa kanyang mababa ngunit malakas na tinig. "Ito'y patungkol sa tapang, karunungan, at kakayahan na mamuno sa isang buong hacienda. Kaya ang bawat isa sa inyo ay susubukin hindi lamang sa inyong ganda, kundi sa inyong katalinuhan at tatag ng loob."
BINABASA MO ANG
Si Adelina At Ang Lakan [Hacienda Wars]
RomanceMaria Adelina Maglipol y Silang, is not your typical girl. Hindi siya iyong tipong mananahimik na lang kapag tinatapak-tapakan na lamang ang kaniyang pagkatao. She fights for herself, she fights for what is right. Ngunit, pagdating sa kaniyang Ama...