Oh-Em-Gee! It's been sooooo long since last nakapag-update!!! Ee wala nman kasing nagbabasa *cries* Pero kahit na ganun, tatapusin ko pa rin tong storya na to! Mwehee!
Maraming-marami pa ang mangyayari kaya sana may bumasa... Dun sa mga taong nagbabasa nito, MARAMING-MARAMING SALAMAT POH! (Kahit na pangit ung storya at maraming maling grammar binabasa nyo pa rin! (^_^) Maraming-THANK YOU pooooo!)
Dedicated to @Stranger5856 [ Welcome to Wattpad at maraming salamat ulet! (^_^) ]
_______________
Corin's POV:
*Bzzt...Bzzt...* (Tunog ng nag-vibrate na cellphone yan! :)
Tiningnan ko kung sino ang nag-text at napakunot noo ako ng makitang number lang ang nag-popped-up.
"Hi, pwede ba kitang maging textmate?". Napangiwi ako sa nabasang yun.
Ano ba tong mga taong to! Makikipag-textmate, ganitong oras? Tsk! Napailing nalang ako and just ignored the text.
Matapos ng mga pangyayari dun sa resort ay napag-desisyunan ng barkada na umuwi na. Mga hating-gabi na rin ng maka-uwi kami. Medyo may kalayuan din kasi yung resort ee! (>_<)
Pagkapasok na pagkapasok namin ng bahay ay agad kaming pumunta sa kanya-kanya naming kwarto para mag linis ng katawan at nang makapag-pahinga na rin.
At heto ako ngaun, naka-harap sa laptop ko, nag-che-check ng facebook at twitter. Mwehehe. Mga ilang minuto lang nman ee, pagkatapos nito ay matutulog na ako. PROMISE!!! (^_^)
*Bzzt...Bzzt...* Biglang tunog na nman ng phone ko.
Haish! Sino ba kasing epal na lokong to! - Sabi ng bahagi ng isip ko.
"Hmp! Ang snob nman! *pout*"
So imbes na sumimangot ay natawa ako sa text nya. At naglagay pa talaga siya ng *pout*. Naku-cute-an tuloy ako. Napi-picture ko kasi sa isip ko si Kim Bum. Yung isa sa mga bida sa Boys over Flowers. Tapus ako nman yung girl na si Gale. Yieeeeee!
Ang landeeeeeee! Haha.
My Gosh! Alam nyo ba kung gaano ako ka balew sa pelikulang yun? Haha. But anyways, in-off ko na ang laptop ko at humiga sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame ng biglang napadako ang mata ko sa phone ko na nakalagay sa side table. Hindi ko pa nga pala siya na re-replyan.
Nagdadalawang isip pa ako kung magre-reply ba ako o hindi. Pero wala nman sigurong masama kung makipag-textmate ako diba?
Tsaka di pa nman ako inaantok ee! Medyo nakatulog kasi ako sa byahe.
Kinuha ko ang phone ko and started typing, "Who u?"
*Bzzt...Bzzt...*
WOW! Ang bilis nman makapag-reply nito. Excited much? Haha. Binasa ko ang laman ng text at nakalagay dun,
"Hi, I'm Gil, But you can call me RIGHT (^__^)"
Napakunot noo nman ako, "Ha? Baket RIGHT? Eh ang tinu-tinu ng pangalan mo oh, Gil. Gusto mo tawagin mo na rin akong LEFT para LEFT and RIGHT! Oh diba?".
*Bzzt...Bzzt...* "Haha. Your Funny! But that's not what I meant. RIGHT. Kasi ako. AKO ung RIGHT guy for you! :)"
HANU DAW?
Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng mabasa ang text na yun. Pero isa lang ang alam ko. Nakikiliti ako.
Ewan ko ba pero para talagang may kumikiliti saken eh! And before I knew it. I was smiling.
"Weh, BOLERO!" Reply ko sa text nya still smiling.
*Bzzt...Bzzt...* "Sus! Kilig ka naman! Hehe."
Biglang nawala ang ngiti sa mukha ko at napa-isip. Kinikilig nga ba ako?
Hmm, wala nman sigurong masama kung kiligin ako diba? Eh napapatawa nya naman ako ee.
"Ahh, dapat ba pala akong kiligin dun? Ee, nasusuka kasi ako pagkabasa nun ee!" Haha. Natawa ako sa reply ko. Naisip kong sakyan nalang ang mga kalokohan nito.
*Bzzt...Bzzt...* "Eeeeh? *pout*" - Reply nya.
HAHA. Kahit di ko ito nakikitang naka-pout, natatawa pa rin ako. Nubeyen! :P
"Wag kang magpa-pout! SAGWA ee!" - ako
*Bzzt...Bzzt...* " *Poooouuutt* Ang sama! SAGWA??? Ee, andami kayang babaeng nala-laglag ang panty kapag nagpa-pout ako! Hmp!" - Siya.
HAHA. Ano raw? Ee may sira din nman pala tong isang to ee! Haha.
Pinipigilan kong wag tumawa ng malakas, baka kasi maistorbo ko pa ung mga pinsan kong natutulog ee. Tsaka baka isipin nilang may saltik na ako sa ulo dahil tumatawa akong mag-isa. Haha.
Marami-rami rin kaming napag-usapan nitong si Gil. Halos lahat ee puro nonsense lang. Grabe ang laki ng sira nito sa utak! Ee nakatakas yatang mental to ee! Haha.
Natatawa talaga ako sa textmate kong to! Malaki TOPAK sa ulo ee! Haha. Haaaayyyy.
Madaling araw na akong naka-tulog. Ito kasing si Gil ayaw pa akong patulugin ee! Gusto nya pa raw akong ka-text. Pero eto nmang si AKO, kahit antok na antok na, reply pa rin ng reply! Pssh!
Nagmukha tuloy akong zombie kina-umagahan.
"Oh cous? Anyare jan sa mata mo? Ang laki ng eyebags mo oh!" Sabi ni Anica habang bumababa kami ng hagdan.
"Ah wala! Madaling araw na kasi akong nakatulog. Kasi nga di ako maka-tulog kagabi kasi nga nakatulog ako sa byahe diba-diba?" Palusot ko. Sana kumagat! Ayaw ko kayang sabihin jan! Ee tutuksuhin lang ako nyan. Hmp.
"Ahh, andami mo nmang 'Kasi nga' parang ang dating tuloy ang defensive mo. May tinatago ka ba? Ha?" Naniningkit pa kunyare yung mata nya saka naka-duro saken yung daliri nya.
Kinagat ko nga! HAHA. Sabay takbo sa Kusina.
"CORRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNN!" Sigaw ni Anica.
Haha. Bleeh, buti nga! Masyado kasing maraming tanong ee ang aga-aga! :P
"Psstt oi! Ano yan?" Naka-pamaywang na tanong ni Dise. Nagluluto sya ng breakfast namin. Hmm, bango.
"Ee si Corin kasi kinagat ako!" Sumbong ni Anica taz nag-pout!
Ngumisi lang ako tsaka nag-peace sign. Hehe.
Tinulungan namin si Dise na mag-handa ng agahan, pagkatapos ay nagsi-kain na kami. Ancharap!
*Bzzt...Bzzt...* (Yung phone ko)
Bigla namang napalingon saken ang dalawa at si Anica nman ay binigyan ako ng isang "mapang-hinalang look!"
Akmang babasahin ko na ang text ng biglang inagaw saken ni Anica ang phone ko at binasa ang laman nun.
"Ayieeeee! Good Morning Sexy daw oh!" Tumatawang sabi ni Anica saka binigay saken ang phone.
Agad ko namang naramdaman ang init sa mukha ko.
Ano ba itey! Kinikilig ako na natatawa na ewan! Haha. Kalurkey!
"Hoy! Sino si Gil ha?" Tanong ni Anica.
Aaaand the interrogation begins! (>_<)
______________
HAHA. GoodLuck sa interrogation mo Corin! Fighting!
Oi Guys, 'Hill' ang pagkakabasa nung 'Gil' ha? Hehe.
Sa wakas! Nakapag-update din! Hehe. Sensya nman! Medyo busy ang bata ee!
Ano naman mase-say nyo? Lame ba ung update? Comment nman? :'(
THANK YOU GUYS FOR READING! (^__^)
- Kaidi
BINABASA MO ANG
Crazy in Love [On-going]
Teen FictionHalf of this story is based on real life and half fiction. This is an Original Story. However, if any scenes, places, persons (living or dead), events or happenings that are seemed familar, it is purely coincidental po. Crazy In Love - © All Rights...