Chap 13: S P E C I A L • N I G H T !

65 1 0
                                    

Wooohoooo... FEB. 14 naaaaaahhh... Kaya naman as promised, hetooooo naaaaaaa ang Special UD!!!

Bakit Special? Kasi bawat Loveteam my  P O V !  O-ha! (Jus-ku! Andami nila!!!)

Sana magustuhan nyo! Comment-Comment din pag may time! lol.

_______________

Jeanica's POV:

Pagkatapos ng mga pangyayari dun sa hotel ay naisipan naming mga girls na mag bonfire. Hindi kasi namin un nagawa sa Puerto ee!

Game na game nman daw ung mga lalake. Lalo na si Jeff na may dala-dala pang guitara. Kanina pa nga sila naghaharutan ni Dise. Parang mga bata talaga! Tsk, tsk!

Lumingon ako sa kanan ko kasi parang nafe-feel kong may nakatitig saken at di nga ako nagkamali.

Si Ethan nakatingin--no mali! 'TITIG' is the right term. Titig na titig ito saken. Medyo nahiya nman daw ako kaya nagbaba ako ng tingin at tinungga ang can of juice ko and licked my bottom lips.

Maya-maya pa ay may naramdaman akong mahinang tapik sa balikat ko.

Nag-angat naman ako ng tingin at nakita ko si Ethan na nag-sign pang umusog ako kaya umusog nman ako ng kunti at umupo na ito.

Tumingin ako sa kanya at nakatingin rin pala ito saken kaya tipid ko itong nginitian at ganun rin sya.

My Gash! Ano sabi nyo? Kinikilig? Ako? H I N D I ah! Oh, naka-kapital letters yan para maintindihan nyo ha! Haha.

Tsss! Sige na nga! Oo na, kinikilig na ako! Yieeeeeeeeee! (>__<)

Ethan's POV:

Ang sarap nya talagang titigan! Hindi nakakasawa! Haha. Ang bading ko!

Muntik na akong mabilaokan sa iniinom kong beer ng bigla itong lumingon sa direksyun ko. Huli na para tumingin ako sa ibang direksyun.

Nahalata siguro nitong may naka-titig sa kanya kaya ito napalingon saken.

Nagbaba naman agad ito ng tingin saka ininom ang hawak nyang juice and licked her bottom lips.

Shit! Parang nang-aakit to ah! Nilapitan ko nga.

Tinapik ko ng mahina ang braso nya at umusog nman ito kaya umupo na ako sa tabi nya.

Bigla na nman itong lumingon saken and BOOM!

For the second time, nahuli na naman ako! Pota! Kakahiya na!

Tipid itong ngumiti saken kaya nginitian ko na rin ito.

Takte! Kinikilig ako! Haha.

Kimay's POV:

Haayy naku! Grabe talaga maka-titig tong gagong to! May pa smirk-smirk pa! Kala mo kung sinong gwapo ee cute lang naman sya!

Ay, tae! Sinabi ko bang cute? Haha. Sige na nga! Pero slight lang! (^__~)

Tae! Wala akong maka-usap dito! Yong kambal ko kasing si Dise, ayun, hinaharot ni Jepoy-poy! At eto namang katabi kong si Corin NAPAKA quiet. Hmp! Napa-panis laway ko.

Tung.inuh! Di ba talaga ako titigilan kaka-titig nitong bakulaw na to? Psshh! Tinaasan ko nga ng kilay saka inirapan! Nag-smirk naman ito.

Micky's POV:

HAHA. Buti nlang talaga sumama ako dito. Ang saya ee! Ang sarap asarin nitong si Kim. Magkatapat kami kaya lagi ko syang ngini-ngisihan pag napapa-tingin ito sa direksyun ko. Tsaka wala pa nga akong sinasabi, naaasar na sya! Haha.

Crazy in Love [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon