Chap 19: BADAMP!

34 3 0
                                    

HELLO!!! *kaway-kaway* Hehee (^_^)

ENJOY KAYOOO!!!

_______________

No ones's POV:

"Hoy! Tina! Hoy!" Tawag ni Kimay sa kaibigan pero tila parang wala man lang itong marinig at patuloy lang sa pag masid sa may di kalayuan, nakatulala.

Mag tatatlong araw na rin ang nakalipas pagkatapos ng mga pangyayari dun sa bagong bahay ng kaibigan.

Andito silang magbabarkada ngayon sa Bar ni Dise. Naka-upo lang sa may counter sina Kimay, Jeanica, Corin at Anica. Si Dise naman ay nasa loob ng counter at busy sa pagmi-mixed ng inumin. Di pa oras ng pagbubukas kaya dito muna nila naisipang mag stambay.

Hanggang ngayon ay halos di pa rin makapaniwala ang mga dalaga sa nalaman, lalong lalo na Tina.

"CHRISTINA FAYE SALAZAR!!!" Sigaw ng grupo.

"AY PUTEK!---WHAT THE HELL GIRLS? Papatayin nyo ba ko sa nerbyos?" Nakakunot noo at nakataas kilay na sabi ni Tina habang hawak-hawak nito ang dibdib.

Umiling-iling at napangisi naman ang lima sa naging reaksyon nito.

"Eh ikaw kasi ee! Kanina pa ko tawag ng tawag sayo! Sadyang yung utak mo, naiwan dun sa bagong bahay mo!!! Ay mali, NIYO pala!" Naka-ngising sabi ni Kimay dito sabay kindat.

Nag-apiran at nagkatawanan naman ang apat.

"Haha. Gaga talaga to! Puro kalokohan!" Sabat ni Jeanica na napapailing pa rin.

Lumapit si Tina sa counter at umupo sa tabi ni Kimay. "Pwede ba girls, wag nyo na muna ako pagtulungang asarin. Pinagtipon-tipon ko kayo dito ngayon kasi gusto ko marinig yung mga advices niyo! Maya na kau mang-asar, lalo ka na!" Naka-simangot na pahayag ni Tina sa kanila sabay turo kay Kimay.

Iningusan naman ito ni Kimay.

"Yun na nga ee! Patawag-tawag ka ng emergency meeting pero kaw naman tong di nakikinig! Kanina ka pa po namin tinatawag no!" Natatawang sabi naman ni Anica.

"Haissh! Okay, Sorry! But seriously, girls. Ano bang gagawin ko? May pasok na ko bukas!" Tinakpan ni Tina ng dalawang kamay nya ang kanyang mukha.

"Oh! E di masaya!!! Magkikita na kayo ng Prince Charming mo!" Taas babang kilay na sabi ni Corin.

Agad namang napalingon si Tina dito at sinamaan ito ng tingin. Nagkibit balikat lang si Corin sabay tungga sa inuming juice.

"Girls ano ba! Seryoso ako! What I mean is, anong gagawin ko? Nahihiya akong magpakita sa kanya! Wala akong mukhang maihaharap sa kanya pagkatapos ba naman nung mga nangyari! Haissh! Ang tanga mo naman kasi Tina ee!" Naihilamos ni Tina ang mga kamay nya sa mukha at kunya'y umiiyak.

Nakakahiya naman kasi talaga yung nangyari ee. - Sa isip ni Tina.

*Flashback*

Tina's POV:

"Ch--Christina?" . . . . "Sir Jazzel?" Sabay naming bigkas na dalawa.

OO!! Sya yung boss ko na pinagnanasaan ko---este, crush ko.

Nanlalaki ang mata na napatitig ako sa kanya. MY GOSH! Anong kalokohan to? Totoo ba to? Walang halong biro?

Sya talaga? Yung. . . Yung magiging asawa ko?

YES!---este, WHAT? O_O

Akala ko ba si Blake?

BADAMP! BADAMP!

Haissh! Eto na naman po yung abnormal kong puso. Sarap tampalin! Hmp!

Eh ba't ba kasi ang gwapo-gwapo ni Sir Jazz? Kainis! Yan tuloy, nahulog ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy in Love [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon