Chap 16: ULah-Lam! [Part I]

34 1 0
                                    

Yehey! Masaya ako kasi maraming ideya ang pumapasok sa utak ko kaya naman sunod-sunod yung update! Woohoooooo!

ENJOY!!!

UPDATE! UPDATE! UPDATE! (^_^)

_______________

Tina's POV:

* You say Goodmornin' when it's midnight. Going out of my head alone in this bed and wake up *

Napamulat ako at napatingin sa orasan sa bed side table.

Seriously? It's freaking 1 oclock in the morning! The Hell?

Agad kong inabot ang phone ko. Sino naman kaya tong hinayupak na--Shit! Si Dad!

Mula sa pagkakahiga ay bigla akong napa-upo sa kama. Hmm, that's weird. Why would he call me this early?

I cleared my throat and hit the answer button.

"He--hello dad?" I stammered.

"Hello iha?" Sagot ng nasa kabilang linya.

Napakunot-noo ako ng marinig ang boses ni mama sa kabilang linya.

"Pasensya ka na't naistorbo ko ang pagtulog mo ha?"

"Ahh ok lang Ma. So what's up? Ba't po kayo napatawag?" Tanong ko.

"Ah gusto ko lang e tanong kung nakuha mo na ba yung package na pinaabot ko sa secretary ng papa mo?"

Package? Ahh! Yung maliit na box na binigay saken nung secretary ni Dad.

"Umm opo! Natanggap ko po! Para saan po ba yung box na yun? Ano okasyon?"

"Basta buksan mo nalang yun anak. Sorpresa namin ng daddy mo sa inyo."

"Wait Ma, sorpresa? Sa inyo? Nino?" Naguguluhang tanong ko rito.

"Ahh basta! Buksan mo nalang yun okay. Ah sya nga pala anak, andito kami sa airport ng papa mo. Pupunta kaming L.A. Eme-meet namin yung isa sa mga investors ng daddy mo. Ee ayaw ko namang bumyahe mag-isa ito kaya sasamahan ko sya. Pasensya ka na't di kita masasamahan sa lakad mo ngaun ha? E sama mo nalang ang barkada mo para may kasama ka. Sige anak, mag-iingat ka! Tatawagan nlang kita mamaya ah!"

We--we--wait! What? I'm confused? May lakad? Wala namang--- Pero bago pa ako makapagsalita ay naputol na ang linya.

Hmm, wala naman akong natatandaang lakad ngaun ah!

Yung box!!! O___O

Dali-dali akong bumaba at nagtungong kusina.

Naalala kong inilapag ko sa counter yung maliit na box. Di ko na nabuksan yun dahil sa sobrang pagod kagabi.

Nang makita ay agad ko itong binuksan at napakunot-noo nalang ako.

Susi? At may kasamang papel na naglalaman ng Address??

Oh, aanhin ko to? >_<

O_O

My Gosh! Don't tell me?? O_O

* Later *

Tae! Alam nyo ba kung asan kami ngaun?

Haisshh!

Andito lang naman sa bagong bahay daw nmin ng SOON-TO-BE-HUSBAND ko! >_<

Yuck diba? Ba't di nalang kasi perahin ee ng makapag-file agad ako ng annulment! Tsk!

Annulment? Agad-agad teh? Di pa nga kau na kasal annulment na nasa isipan mo! - Sabi ng bahagi ng utak ko. Pssh!

Pagpasok na pagpasok namin ng bahay ay agad na binuksan ni Kimay ang ref.

Crazy in Love [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon