Chap 17: ULAM [Part II]

19 1 0
                                    

Woot...woot! UD na naman! Ang SAYA!!!

Eheeeeeeee!!

ENJOY! (^_^)

_______________

Anica's POV:

OMG! This is so awkward! >_<

Andito kami ngayong lahat sa living room.

Katabi kong naka-upo sina Corin at Jeanica dito sa malaking sofa habang si Tina at yung lalaki naman ay magkatapat na naka-upo dun sa pang-isahang upuan.

Si Tina ay nakayuko lang at yung lalaki naman ay hindi mapakali sa upuan nito. Kukuhanin yung inumin nito tapus ibabalik sa pinaglagyan tapus kukuhanin na naman uli. Panay din ang pagkuskos nya sa mga hita nito at parang maputla.

Kinakabahan ba ito? Weh?

Pero sa bagay, sino ba namang hindi kakabahan kung ang kaharap mo ay si Christina Salazar?

Tingin pa lang nito. Haaayyy!

NO COMMENT!!! :P

Walang nagpatinag sa kanila. Walang gustong unang magsalita.

Sus! Si Tina pa? Ee ang taas-taas ng pride nyan! Mas mataas pa sa mga HEIGHT nyo!!! Haha. :P

Biglang tumikhim si Jeanica at nagsalita. "I think it's better if we leave you two alone."

"Ahh, oo nga! Dun na muna kami sa taas. Hindi pa kasi namin nalibot ng buo 'tong bahay. Diba girls? Diba? Diba?" Sabi naman ni Corin.

"Ahh, oo nga! Ah sige!" Sabi ko naman at tumayo na.

_______________

Tina's POV:

After the girls left ay tumikhim si Blake.

Yes. His name's Blake. Nagpakilala ito ng pumasok ito.

I looked at him, checking him out. Hihi! ^_~

Gwapo naman ito.

Matangos ang ilong.

Mapupula ang lips.

Mukhang healthy.

Mukha ring my ABS!

Haha. Isama ba naman daw yun?

Hmp! Landi! :P

His round eyes turned to me and he looked a bit shocked?

Eehh? Bakit? Problema nito?

"Grabe! The house is huge no?" Sabi nito at nagpilit ng ngiti.

"Hmm, yeah!" All I could say.

"How many rooms?" He asked.

"Hmm, I haven't really checked the whole house yet so I uhh don't know." Sabi ko pagkatapos ay ngumiti.

"You should do that often!" He smiled.

Ako naman ay nagtatakang napatingin sa kanya. Anong ibig nyang sabihin?

"Do what?" - Me

"Smile!" Parang nahihiyang sabi nito.

I smiled.

We talked and talked. But we never talked about the fiance thing, marriage or basta kahit na anong related sa wedding!

Mabilis ko syang naka-gaanan ng loob. Para syang ano ee, ang tingin ko sa kanya ay parang nakakabatang kapatid? Ganun!

He looked way younger than me too. Nang magtanong naman ako kung ilang taon na ito, ang sabi nya ay secret daw.

Pssh! Parang bata talaga!

Together, we decided na libutin ang buong bahay. It was a two storey house. Inuna na naming nilibot yung sa baba pagkatapos ay sa taas naman.

I liked it. The interior design is just my type.

Napag-alaman kong may tatlong kwarto ang bahay at ang bawat kwarto ay magkaiba ng kulay at disenyo.

Napag-alaman ko ring,

Sobrang DALDAL nitong kasama ko!

Which is good rin naman kasi kahit papano ay nabawasan ang awkwardness naming dalawa.

Matapos naming mag-libot ay bumaba na kami.

Hmm, nagtataka naman ako kung bakit sobrang tahimik. Nasaan na ung mga loka?

"I think they're in the kitchen." Sabi naman ng katabi ko.

Eehh? Mind reader lang ang peg?

Naglalakad na kami papunta sa may kusina. Magpapa-alam na raw kasi tong si Blake.

"HAHAHAHA!" Boses ni Kimay ang agad na sumalubong samin.

Naabutan namin silang kumakain. Pssh! Tong mga lokang to! Di man lang nag-aya! :(

"Oh Tina! Tapos na pala kayong mag-libot. Kain?" - Si Anica.

Lumapit ako sa kanila.

"Ah girls, magpapa-alam na nga pala si Blake." - ako

"Oh sandali lang! Di mo man lang ba papakilala tong dalawa?" Ani Corin na naka-nguso kina Dise at Kimay.

Oo nga pala!

"Uh girls, this is Blake. Blake this is Dise and Kimay." Pakilala ko.

Nginitian naman ng dalawa si Blake. I turned to face him and umm, naka-titig sya kay ano, kay Kimay?

O_O

Then it hit me.

A plan popped in my head, then I smiled.

Why not?

_______________

Blake's POV:

Pagkarating sa bahay na pakay ko ay nagtatakang napakunot-noo ako kasi may dalawang di pamilyar na kotse ang nakaparada sa tapat nito.

Hmm, baka naman si insan? Ahh ewan!

Nang ma-i-park ko na ang kotse ay dumiretso na ako sa pintuan at akmang bubuksan ko ang pinto ng bigla itong bumukas and I was greeted by an Angel.

Ang cute nya!

_______________

O-ohw! Parang may plano ata si Tina ah! At parang may something si Blake kay Kimay?

ABANGAN!!!

THANK YOU FOR READING GUYS! (^_^)

- Kaidi

Crazy in Love [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon