PROLOGUE

9 0 0
                                    

Padabog kong sinara ang pinto ng classroom namin. Lunch break na at wala akong dalang payong. Basang-basa ako dahil galing pa ako sa canteen para bumili ng pagkain. Ang init-init pa kanina, wala man lang pasabi na biglang bubuhos.

"Ano?" Tinaasan ko siya ng kilay. Si Yuri, kaklase kong nakaupo sa likod ng room habang pinagmamasdan akong basang-basa.

Napabuntong-hininga ako nang makitang basa na rin ang Math notebook ko. Hindi pa naman ako magaling sa Math, tapos ngayon pati notes ko, wala nang kwenta. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang buhok ko.

"I have an extra notebook," isang pamilyar na boses ang nagsalita.

Napaangat ako ng tingin at nakita si Gabriel Montano - ang anak ng may-ari ng Montano Group of Companies, ang pinakamalaking conglomerate sa Manila. Kilala ang pamilya nila hindi lang sa negosyo, kundi pati na rin sa impluwensya nila sa buong bansa. Campus crush, consistent honor student, at presidente ng student council.

"H-hindi na," nauutal kong tanggi. "Okay lang."

"Just take it," mahinahon niyang sabi, hindi ako tinigilan hanggang sa tanggapin ko ang notebook.

Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin. Hindi naman kasi kami close. Nagkausap lang kami noong isang beses, nang mahulog ang ID ko sa hallway at siya ang nakakita. Mula noon, parang may ibang tingin na siya sa akin tuwing nagkakasalubong kami - bagay na hindi ko maintindihan.

"Salamat," mahina kong sabi.

Tumango lang siya at umalis na. Napansin kong sinundan siya ng tingin ng halos lahat ng babae sa room, at bakit hindi? Bukod sa angking talino at yaman, kilala si Gabriel sa kaguwapuhan at magandang pag-uugali.

"Grabe ka naman, Caliana!" Bulong ni Yuri. "First time kong makitang nag-approach si Gabriel ng babae! Ikaw pa talaga!"

Hindi ko siya pinansin. Alam kong malayo ang agwat namin. Ako na tindera ng ulam kasama ang Mama ko, siya isang heirs ng pinakamalaking kompanya sa bansa. Scholarship student lang ako dito sa private school na 'to, salamat sa amo ni Mama.

Pero hindi ko maiwasang mapaisip - bakit nga ba ganoon ang tingin niya sa akin?

Whispers in the LockersWhere stories live. Discover now