CHAPTER 6

1 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ko nakayang mag-focus sa Math exam pagkatapos ng movie night incident. Ilang araw din akong nagpuyat para mag-review. Kahit review materials ni Gabriel, binasa ko nang paulit-ulit.

Ngayon, hawak ko na ang papel ko. Ang tagal kong tinitigan ang score.

92.

Kinurot ko ang braso ko. Baka nananaginip lang ako? Pero hindi - totoo nga. First time kong makakuha ng ganito kataas na score sa Math!

"Cal!" Sabi ni Kyle habang pumasok sa room at lumapit sa desk ko. "Kamusta exam?"

"Uy, congrats!" sabi niya nang makita ang score ko. "Effective pala talaga si Kuya Gab na tutor! Grabe, from 75 to 92! Pati si Ms. Santos nagulat!"

Napatingin ako sa teacher namin na nakangiti sa harap. Tumango siya sa akin na para bang proud din siya sa improvement ko.

"Thanks..." Ngumiti ako. "Hindi ko rin inexpect na makakakuha ako ng ganito."

"Hoy, anong thanks-thanks? Celebrate tayo! May pa-pizza si Kuya Gab mamaya!"

"Pass muna ako," sabi ko. "May practice pa kasi si Calix. Dapat sunduin ko siya-"

"Naku, walang backing out!" May hinila siyang papel sa bag. "Check mo 'to!"

Permission slip. Para sa overnight swimming training ni Calix... signed ni Mama.

"Ha? Paano-"

"Si Kuya Gab kausap ni Tita kagabi. Since weekend naman daw, pumayag na si Tita na sumama ka sa celebration namin! Besides, si Coach daw bahala kay Calix."

"Kyle naman..."

"No more excuses! Alam mo, first time kong makakita ng student ni Kuya Gab na ganito kabilis nag-improve. Usually after one month pa nakakakuha ng passing grade mga tinu-tutor niya."

"Talaga?"

"Oo! Remember si ? Yung basketball varsity? Six months bago naka-85 sa Calculus!"

"Nag-tutor din pala si Gabriel ng iba..."

"Oo, pero tinigil niya this year. Sabi niya focus muna sa college applications. Ikaw lang exception!"

May something sa sinabi ni Kyle na nagpakabog ng dibdib ko. Exception? Pero bago ko pa maitanong kung bakit, dumating na si Gabriel.

Napansin kong medyo pormal ang suot niya - slacks, long sleeves, at leather shoes. Iba sa usual niyang school uniform o casual wear.

"Ready na kayo?"

"Opo, Kuya!" excited na sabi ni Kyle. "Tara na, Cal!"

"May lakad ka pa ba?" tanong ko. "Mukhang may pupuntahan ka eh."

"May meeting lang with Dad. Pero may time pa for pizza. Besides, deserve mo 'to. Your improvement is worth celebrating."

Sumakay kami sa kotse niya. Si Kyle, busy mag-scroll sa phone sa backseat.

"Oh, Cal!" sabi ni Kyle. "Si Patricia, nag-post ng picture sa Royal Hotel. May dinner daw sila ng family nila."

"Ah..." Hindi ko alam ano isasagot ko.

"Kyle," sabi ni Gabriel. May subtle warning sa tono niya. "Focus tayo sa celebration ni Cal."

"Sorry, Kuya! Oh, Cal - nakwento ba sa'yo ni Kuya yung Math competition niya nung high school?"

"Hindi pa..."

"Top 1 siya sa National Math Quiz Bee! Kaya nga tinawag siyang Math genius ng batch nila-"

"Kyle," putol ni Gabriel. "Old news na 'yan."

"Pero importante yan, Kuya! Para alam ni Cal na qualified ka talaga mag-tutor!"

Napangiti ako. Cute makita ang dynamics ng magkapatid. Close sila pero iba ang personality - si Kyle, outgoing at madaldal, si Gabriel, reserved at tahimik.

Pagdating sa pizza place, agad na umorder si Kyle ng tatlong flavors - Hawaiian, Pepperoni, at Four Cheese.

"By the way, Cal," sabi ni Gabriel. "I have something for you."

May inilabas siyang maliit na box na naka-wrap sa blue paper.

"Para saan 'to?"

"Open it."

Calculator. Pero hindi ordinary calculator - scientific calculator na latest model! Ito yung nakikita ko sa National Bookstore na hindi ko kayang bilhin.

"Gabriel, hindi ko pwedeng tanggapin 'to-"

"You'll need this for senior year. Lalo na sa Calculus. At saka, reward mo 'yan for improving so much."

"Pero ang mahal nito..."

"Cal," may gentleness sa boses niya. "You earned it. Your hard work deserves recognition."

Ramdam ko ang sincerity sa mga mata niya. "Sige na nga. Maraming salamat talaga."

"Guys! Dumating na pizza!" sigaw ni Kyle.

Habang kumakain, kuwento-kuwento lang kami. Mostly si Kyle ang nagkukuwento tungkol sa soccer training niya at kung gaano kahirap ang coach nila. Madalas tumawa si Gabriel sa mga jokes ng kapatid niya.

"Nga pala Cal," sabi si Kyle. "Pupunta ka sa debut ni Ate Darcy?"

"Oo naman. Required guest ako eh. Niyaya nga akong magpa-fit ng dress sa Saturday."

"First time mo mag-debut party 'no?"

"Oo." Tumango ako. "Medyo kinakabahan nga ako eh. Hindi ako sanay sa mga ganyang parties."

"Don't worry," sabi ni Gabriel. "Kasama mo naman kami doon."

"At saka," dagdag ni Kyle. "Si Kuya Gab, one of the 18 roses!"

Natigilan ako. "Ha?"

"Kyle," warning ulit ni Gabriel.

"What? Totoo naman! Pinili ka ni Ate kasi-"

Tumunog phone ni Gabriel. "Hello, Dad? Yes... I'm on my way. Yes, the documents are ready."

Pagkababa ng phone, tumayo na siya. "Sorry guys, kailangan ko na umalis. Board meeting with Dad's investors."

"Uy, good luck!" sabi ko. "Sana maging successful yung meeting."

Ngumiti siya. "Thanks, Cal. Kyle, ihatid mo si Cal ha?"

"Yes, Kuya! Ingat!"

Pagkaalis ni Gabriel, kinuha ni Kyle ang phone niya. "Picture tayo with your test paper! Para may remembrance ng first high score mo sa Math!"

Napangiti ako habang nagpo-pose. Simple celebration lang, pero ang saya ko. Para akong normal na estudyante na walang iniisip na scholarship o pressure.

"Oh, send ko kay Kuya!" sabi ni Kyle.

"Huy 'wag na-"

"Done! Para makita niya na nag-enjoy ka sa celebration! Deserve mo 'to, Cal. Sobrang proud nga si Kuya sa progress mo eh."

"Talaga?"

"Oo! Lagi ka niyang kinukwento kay Dad. Na may student daw siya na sobrang determined mag-improve."

Hindi ko napigilan ang ngiti ko. "Ganun ba..."

Pauwi, hindi ko mapigilang tingnan ang calculator na regalo ni Gabriel. Simple lang, pero ramdam ko ang encouragement niya.

"Uy, Cal!" tawag ni Kyle. "Next week ulit ha? Movie marathon naman tayo!"

"Tignan ko pa schedule ko..."

"Si Kuya nga willing mag-cancel ng lakad makasama ka lang sa celebration mo. Tapos ikaw, aangal-angal pa!"

"Ha? Bakit niya kina-cancel?"

"You really don't see it 'no?" Natawa si Kyle. "Never mind. Basta next week ha! Promise mo!"

Tumango na lang ako kahit confused pa rin.

Whispers in the LockersWhere stories live. Discover now