CHAPTER 5

7 0 0
                                    

"Wow."

'Yun lang ang nasabi ko nang makita ang bahay ng mga Montano. Three-storey mansion na may malaking garden at swimming pool. Kahit mag-jogging ako nang isang oras, siguro hindi ko pa rin maikot ang buong property nila.

"Welcome to casa Montano!" proud na sabi ni Kyle. "First time mo dito 'no?"

Tumango ako. Pakiramdam ko nasa ibang mundo ako. Sobrang layo sa two-bedroom apartment naming magkapatid at ni Mama.

"Kyle, 'wag mong ipagmayabang ang bahay," sabi ni Gabriel. "Come on, Cal. Sa entertainment room tayo."

Sinundan ko sila papasok. Ang laki ng living room! Puro imported furniture at paintings ang nakadisplay. May grand staircase pa na parang sa mga princess movies. Sa dami ng nakikita ko, hindi ko alam kung saan ako titingin.

"Gab! Kyle!" Lumabas si Ate Darcy mula sa kitchen. "Perfect timing! I just baked cookies!"

"Ate, dapat hinayaan mo na lang si Manang Beth," sabi ni Gabriel.

"Eh gusto ko nga magluto!" nakangiting sabi niya. "Oh Cal, try mo! First batch ng cookies ko 'to for my debut practice!"

Kinuha ko ang cookie. Medyo sunog sa gilid pero... "Masarap naman po."

"Really? Thank goodness! I'm practicing kasi. Goal ko gumawa ng cookies as giveaways sa debut. Speaking of debut, nagpafit ka na ba ng dress?"

"Hindi pa po..."

"Call me lang ha! Saturday tayo pupunta sa boutique ni Tita Marie ko. Para hindi ka na mahirapan bumili."

"Ate," sabi ni Kyle. "Movie night muna kami. Please?"

"Oh, sure! Have fun! Dad's coming home late pala. May business dinner daw. Cal, feel at home ka lang ha!"

Pagdating namin sa entertainment room, mas lalo akong na-overwhelm. May malaking projector screen, leather recliners, at mini snack bar! May popcorn machine pa!

"Anong movie gusto mo?" tanong ni Kyle habang nagse-scroll sa Netflix. "Horror? Action? Rom-com?"

"Kahit ano..."

"Horror na lang!" excited na sabi ni Kyle. "Para mas thrilling! 'The Conjuring' na lang!"

"Kyle," sabi ni Gabriel. "Baka ayaw ni Cal ng horror?"

"No, okay lang," sabi ko kahit medyo kinakabahan. "Gusto ko rin ng horror."

Umupo ako sa gilid ng sofa, conscious na baka madumihan ko ang mamahaling upuan. Si Kyle, naglatag ng chips, drinks, at popcorn sa coffee table. Si Gabriel naman, tahimik lang na umupo sa tabi ko.

"Sure ka ba?" bulong niya. "We can watch something else."

"Promise, okay lang. Nanonood din ako ng horror minsan."

"Minsan lang?" may halong asar sa tono niya.

"Oo na, medyo takot ako. But I can handle it!"

Halfway through the movie, napansin kong nakatulog na si Kyle sa recliner. Nakanganga pa!

"Lagi siyang nakakatulog sa horror movies," bulong ni Gabriel. "Kahit siya ang pumipili."

"Bakit hindi mo siya gigisingin?"

"Let him rest. Pagod 'yan sa training. May soccer championship kasi next month."

"Ah kaya pala. Si Calix din, laging pagod after training. Swimmer kasi."

"Your brother's an athlete too?"

"Oo. Top swimmer pa nga sa school nila eh."

"Runs in the family then? Being achievers?"

Natawa ako. "Si Calix lang. Ako, struggling pa rin sa Math."

"Hey, you're doing better now. Trust me, I've seen worse students."

Bigla, may jump scare sa movie. Hindi ko napigilan ang slight na pagtalon ko. Naramdaman kong natawa si Gabriel.

"Takot ka nga sa horror!"

"Hindi ah!" defensive kong sabi. "Nagulat lang."

"Oo nga naman..." Hindi niya maitago ang ngiti.

Maya-maya, may matinding thunder effect sa movie. This time, hindi ko na napigilan - napayakap ako sa braso ni Gabriel.

Natigilan kaming pareho. Ramdam ko ang init ng mukha ko.

"S-sorry!" Agad akong bumitaw. "Na-surprise lang talaga ako..."

"It's okay," mahina niyang sabi.

Awkward na silence. Kahit na naka-focus kami sa movie, ramdam ko ang tension. Bakit ba ako nagkaganoon? Naalala ko tuloy ang sinabi ni Patricia. Tama siya - wala akong karapatang maging close kay Gabriel.

"Cal?"

"Hmm?"

"About what Patricia said..."

Napalingon ako sa kanya. "Ha? Paano mo-"

"I saw you talking earlier. And knowing Patricia... I can guess what she told you."

Hindi ako makasagot. Paano ko sasabihin na tama naman si Patricia? Na kahit anong gawin ko, hindi ako kailanman magiging parte ng mundo nila?

"Don't let her get to you," sabi niya. "She doesn't get to decide who I want to be friends with."

Friends. So 'yun nga lang talaga kami. Pero bakit parang may parte sa puso ko na nasasaktan? Hindi ko dapat iniisip 'to. Dapat thankful na lang ako na tinutulungan niya ako sa Math.

"I know," sabi ko. "Don't worry about it."

"Cal..."

"8PM na pala!" sabi ko, checking my phone. "Una na ako. Thank you sa pag-invite."

"I'll drive you home-"

"No need! May jeep naman. At malapit lang naman bahay namin."

"But it's dark already-"

"Bye, Gabriel. Salamat ulit! Paki-thank you na lang kay Ate Darcy sa cookies!"

Dali-dali akong lumabas ng bahay nila. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pagdating sa gate, saka ko lang hinayaang tumulo ang luha ko.

Bakit ba ako umiiyak? Wala naman dapat ikasad eh. Friends lang naman kami. 'Yun lang talaga. Ako lang 'tong nagbibigay ng malisya sa bawat kindness niya.

Habang naglalakad ako pauwi, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko: Scholarship lang ang kailangan ko. Wala nang iba pa.

Whispers in the LockersWhere stories live. Discover now