Isang linggo na lang bago ang Math exam. Naging routine na ang tutorial sessions namin ni Gabriel - lunch break at after class. Minsan sumasali si Kyle, pero madalas kaming dalawa lang.
"So, gets mo na ba?" tanong ni Gabriel habang tinitingnan ang solution ko sa practice problem.
"Wait..." Inayos ko ang computation ko. "Ganito ba?"
Ngumiti siya. "Perfect."
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. "Finally! Akala ko hindi ko na talaga maiintindihan 'yang derivatives na 'yan."
"See? Kaya mo naman pala. You just needed someone to explain it properly."
May pumasok sa library - si Patricia, kasama ang ibang popular girls sa batch namin. Napansin kong nag-iba ang expression niya nang makita kaming magkasama ni Gabriel.
"Hi Gabriel!" bati niya, completely ignoring me. "Ready ka na ba sa council meeting later?"
"Yeah," sagot niya. "But can we move it to 5PM? May tutorial pa kami ni Cal."
Nakita kong kumunot ang noo ni Patricia. "Sure... I guess."
Pagkaalis nila, bumalik kami sa pag-aaral. Pero may bumabagabag sa isip ko.
"Gabriel..."
"Hmm?"
"Hindi ba nakaka-abala sa'yo 'tong tutorials? I mean, president ka ng student council, tapos honor student ka pa..."
"No," mabilis niyang sagot. "Actually, I enjoy teaching you."
"Really?"
"Yeah. It's... refreshing. Most people just assume na porket Montano ako, dapat perfect ako palagi. But with you... you just treat me normally."
"Bakit naman kita tratratuhin ng special? Pare-pareho lang naman tayong estudyante dito."
Natawa siya. "See? That's exactly what I mean."
Maya-maya, dumating si Ate Darcy. "Gab! Cal! Good, you're both here!"
"Bakit, Ate?"
"Here!" May iniabot siyang envelope. "Para sa debut ko. And Cal, don't worry about the dress code ha? I already talked to my friend na may boutique. You can borrow any dress you want!"
"Ah, hindi na po-"
"I insist! Sunday tayo pupunta, okay? Para may time ka mag-fit."
Bago pa ako makatanggi, umalis na si Ate Darcy. Napatingin ako kay Gabriel.
"Sorry about that," sabi niya. "Ate can be... overwhelming sometimes."
"It's fine. Pero... sure ka bang okay lang na pumunta ako? I mean..."
"Of course. Bakit naman hindi?"
"Kasi..." Hindi ko alam kung paano sasabihin na hindi ako belong sa crowd nila. Na scholar lang ako. Na baka mapahiya lang ako sa debut na 'yan.
"Cal," sabi niya. "Stop overthinking. Gusto ka ni Ate sa debut niya. Period."
"But-"
"No buts. Now, let's go back to derivatives."
Tumango na lang ako. Pero deep inside, kinakabahan pa rin ako. Paano kung may mangyaring kahihiyan sa debut? Paano kung may magsabi na hindi ako dapat nandoon?
"Cal?"
"Ha?"
"Wrong solution." Tinuro niya ang notebook ko. "Focus. The exam's next week, remember?"
"Sorry..."
"Don't be. Just... trust yourself more. You're doing better than you think."
Tumingin ako sa kanya. For someone na kilala bilang seryoso at intimidating, ang dami palang encouraging words ni Gabriel.
"Thanks," sabi ko. "Not just for the tutorials... for everything."
"Anytime."
Pagkalabas ko ng library that afternoon, nakasalubong ko si Patricia.
"Cal, can we talk?"
Tumango ako, kahit kinakabahan.
"Look," sabi niya. "I know you're getting closer to Gabriel. But... don't expect too much, okay? He's just being nice kasi teacher mo siya. Don't assume na friends na kayo or anything."
"I'm not assuming anything-"
"Good. Keep it that way. Kasi kung may magsabi man sa'yo na may chance ka kay Gabriel... wala. He's way out of your league."
Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. "Hindi naman 'yun ang intention ko-"
"I'm just making things clear. Para hindi ka ma-hurt later on." Ngumiti siya, pero hindi umabot sa mata niya ang ngiti. "See you around, Cal."
Nanatili akong nakatayo doon, hindi alam kung ano ang mararamdaman. Bakit ganoon? Bakit parang kasalanan ko na tinulungan ako ni Gabriel? At higit sa lahat... bakit ang sakit marinig na wala akong chance sa kanya, kahit hindi ko naman 'yun iniisip in the first place?
"Cal!"
Napatingin ako. Si Kyle, tumatakbo papalapit sa akin.
"Bakit?"
"Sama ka sa'min! Movie night sa bahay. Si Kuya Gab na nagsabi na isama kita!"
"Ha? Pero-"
"No excuses! Tinext na ni Kuya si Tita mo. She said okay lang!"
"What? Kailan niya-"
"Kanina, during lunch! When you went to the bathroom. So, tara na?"
Hindi ko alam kung ano ang mas nakakagulat - na tinext ni Gabriel si Mama, o na pumayag si Mama.
"Fine..." sabi ko. "Pero hanggang 8PM lang ha?"
"Yes! Tara na!"
Habang sumasakay kami sa kotse nila, naalala ko ang sinabi ni Patricia. Maybe she's right - maybe Gabriel is just being nice. Pero kahit ganoon... bakit ganito ang nararamdaman ko?
YOU ARE READING
Whispers in the Lockers
Roman d'amourSi Calliana Maureen "Cal" Reyes ay isang scholar sa prestigious na High School Academy. Simple lang ang buhay niya - naka-focus sa pag-aaral, sa pamilya, at sa responsibility niya bilang ate ni Calix. Pero hindi naging madali ang highschool life niy...