Chapter 17 Late Christmas Party

252 7 0
                                    

AURORA'S POV

Pinayagan na ko ng mga doctor na maguupo upo. Nakasara na daw yung sugat ko pero bawal pa ang masyadong magkikilos.

Nakakalungkot isipin na sa hospital na ako nagcelebrate ng christmas, pero tulog ako noon. Kaya ngayon daw namin icecelebrate. Andito sa loob ng kwarto ko sina Francia at Baby Francine. Tapos ang mga kaibigan nila si Sir Blue at Sir Xander. Pinakilala na nila ako nung araw din na nagising ako. Ang gwagwapo nga at ang babait eh. Heaven hahaha. Kaya lang yung iba parang pipi di man lang ako kinakausap tango tango lang ganun. Tulad ngayon si Cloyd at Martin eh nakaupo lang sa isang side at pinapanuod lang ang kaguluhan sa harap namin ngayon.

"Hey woman! What do you think you're doing?!" napalingon ako sa isang sulok ng kwarto kung saan inihahanda na nila ang pagkain.

"Nagtatabi ng pagkain? Ano masama doon?" sabi ni Francia na may hawak hawak ng plastic bags na may lamang mga pagkain na dala dala nila Cloud, Van, Matt, Martin and France.

"Why?!" sabi ni France.

"Wala lang, madami naman yung pagkain ah! Hindi yan mauubos kaya kesa itapon magbabawas na ko!" sabi nito at tinuloy ang pagsasandok sa mga pagkain.

"Nauna ka pa. Hindi mo muna mahintay na makain na natin. Hindi ka ba nahihiya?"

"Hahaha ako mahihiya? Kanino? Kay Aurora? Alam nyan na PG ako noh! Tsaka be Practical! Pang ilang araw din namin tong pagkain ni Francine. Dba?" sabi bito sabay lingon kay Francine na buhat buhat ni Van. Bumungisngis naman ito na para bang pumapayag sa ate nya.

"See?" tas bumalik ulit ito sa pagkuha ng pagkain.

"Mag ate nga kayo." sumuko na lang si France at umupo na sa couch.

"Kayo ang aga aga nagaaway nanaman kayo. Teka asan na ba si Blue at Xander?" saktong pagkatapos nito. Dumating si Blue.

"Hi people!" bati nito at nilapag ang mga bitbit na mga bags.

"Sakto, pre asan si Xander?" tanong ni Matt.

"May dinaanan pa. Pinauna na nga ako eh."

Mukhang nagets naman nilang lahat kaya inumpisahan na nila ang magkainan.

Hindi naman sa inaantay ko ito or ano ha. Madalas na kasi itong busy kahit christmas break namin ito ay nagtratrabaho pa. Kaya hindi ko sya madalas makita na dumadalaw.

Knock... Knock...

Napahinto kami sa pagkain at pagkwekwentuhan at binuksan nila ang pintuan.

Nakita namin si sir Xander na may mga bitbit na regaloat may dala pang cake.

"Sorry I'm late." sabi nito.

Niyaya na ito agad na kumain. Hindi ko alam pero naiilang ako. Dahil sa huli naming paguusap. Parang may something kasi nung time nayun? Or imagination ko lang yun?

After kumain nakakahiya man ngunit sila na din ang nagligpit nito.

"Why don't we open some presents hmm?" tanong ni Matt.

Pumayag naman ang lahat. Kaya habang nagbibigay sila ng regalo nakatingin lang ako sa kanila. Specifically, sa kanya. Ang tahimik nya ngayon. Iba mood nya compared nung nakaraang mga araw. Too gloomy.

Ng mga bandang hapon, nagyaya na silang umuwi na. Pati si Francia at Francine ay ihahatid na lang ni France. Nagpaiwan naman si Xander at sya daw muna ang magbabantay.

"You look tired, maybe you should go home." sabi ko rito. Umupo naman ito sa tabi ko.

Nagulat ako ng ipinatong nya ang ulo nya sa balikat ko.

"No, I like to be here." parang kontento lang kami sa katahimikan na nagmumula sa aming dalawa. Ngunit parang iba parin talaga sya.

Tumayo ito at may kinuha sa pocket ng suit na tinanggal nya kanina.

"Here." may inabot sakin itong maliit na box.

"A... Ano to?"

"Just open it."

Dahan dahan kong binuksan ito at nakita ko ang isang necklace. An infinity sign.

"Para san to?" tanong ko.

Tinignan ko sya ng matagal ngunit wala akong makuhang kasagutan sa kanya. Kinuha nya ito at isinuot sa akin.

Dahan dahan ang kanyang kamay sa paglalagay nito. Mararamdaman mo ang mainit na kamay na ito sa aking leeg. Naamoy ko din ang mabango nyang pabango.

"Just a gift. Christmas Gift." sabi nito at umupo sa silya sa tabi ng kama ko. Tumango na man ako at hinawakan ang kwintas. Ngayon lang ulit ako may nakasama sa pasko. Ngayon na lang ulit ako nakatanggap ng regalo. Masaya pa la sa pakiramdam.

Knock... Knock...

"Excuse lang po. Naiwan ko kung ibinalot ko kanina."

Wanted Series 1: The Enigmatic YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon