Chapter 18 Who's she?

203 7 0
                                    

AURORA'S POV

Buti na lang ay sabi ng doctor na tumingin sa akin na maayos na nagsara ang sugat ko at pede na kong magkikilos or magtrabaho. Kaya lang hindi muna mabibigat na trabaho.

Kaya since natapos na ang bakasyon. Balik trabaho na ako.

Pagpasok ko pa lang ay binabati at kinakamusta na ako ng mga tao doon. Buti nga sa kompanya lang lumabas ang issue na ito at hindi na kumalat pa sa mga social medias. Hindi ko alam kung pano nila nagawa yun pero atleast malinis ang pangalan ng kumpanya.

Wala man lang paliwanag sa akin kung sino ang taong iyon na gusto syang barilin. Pag tinatanong ko naman eh hindi nya sinasagot o iniiba nya agad ang usapan.

Nakadating na ako sa floor namin ni Xander. As usual maaga nanaman ito. Ewan ko pero kinikilig pa rin ako pag naaalala ko ang nangyari nung nag celebrate kami ng christmas.

Pumunta ako sa pantry at pinagtimpla ko ito ng kape nya. Papasalamatan ko na din sya dahil sya nagasikaso ng billing ko noon sa ospital.

Tok... Tok... Tok...

Pumasok na ako at isinarado ang pinto.

Babatiin ko na dapat ito ngunit natikom ang bibig ko sa itsura nya ngayon. Hindi ko alam pero galit ito at mukhang papatay na ng tao.

"What?" malimig na sabi nito.

"Coffee nyo po si... Sir." sabi ko at dali daling binaba ang kape.

"Start reading the files on your desk. Then give me the files that needs to be approved. You may go." sabi nito. At walang kalingon lingon man lang sa akin. Tumalikod agad ako at napahawak sa isang bagay.

Bagay kung saan sya mismo ang nagbigay.

Maraming katanungan sa isip ko.

Bakit bigla syang nagbago? Pakitang tao lang ba yung nangyari noon? Bakit ako nasasaktan?

Bago mag lunch time hindi ko na muna inintindi ang pagbabago nito mukhang wala ito sa mood makipagusap sa tao ngayon.

Paminsan minsan kumikirot pa rin yung likod ko na may sugat pero iniinda ko na lang since marami akong trabaho ngayon. Dahil tapos na ang lunch bumalik na ko sa floor ko.

Ting...

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang. Nadatnan ko si Xander na may kausap sa mini living room sa labas ng office nya.

Sa pagpasok ko napatingin silang dalawa sa akin.

Napakaganda nung babae. Mukha itong modelo, matangkad, balingkinitan at napakaputi.

"So, she's the reason huh?" sabi nito habang nakataas ang kilay sa akin.

"Yes, that's why I can't go last time." paliwanag naman ni Sir.

"Not Bad." sabi nung babae habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Kahit nakakailang, nag excuse me nako dahil marami pa akong gagawin. Pero kahit nagtratrabaho na ko. Nararamdama at naririnig ko ang kanilang pinaguusapan at nagtatalo ito kung bakit hnd ito nakauwi nung pasko.

Naguilty naman ako. Kasi nabaril ako nung christmas eve, pero hello? Bakit naman hindi ito umuwi sa bahay nila nung pasko? Ano yun binantayan nya ba ko?

Aish, hirap magassume hano? Kaya binusy ko na lang ang sarili ko sa trabaho.

Hindi ko magawang maging busy. Kasi naman nung ok na at bati ang dalawa, kung makakapit naman yung babae kay Xander eh parang wala ng bukas.

Hagikgikan pa ng hagikgikan pano ka naman makakapag concentrate dba?

Pero sa loob loob ko. Sino ba itong babaeng to? Para naman linta.

"Anyway Xandy. I'll go ahead na. It's getting late." sabi nito.

"Okay. Want me to send you back?" alok naman ni sir. Masamang magtsismis pero naririnig ko sila eh.

"Ok. Come on." sabi nito at hinatak na si Sir Xander papuntang private elevator nito.

Pero bago yun pagtapat nito sa .esa ko. Lumingon ng hnd nahahalata ni Sir Xander at ngumiti. Sincere na smile. Kaya napangiti na din ako.

Sino ba yun? Di kaya girlfriend ni Xander? Di kaya fiancee? Or worst asawa?!

Napasandal naman ako sa upuan ko. Teka ano bang pakialam ko. Sya nga hindi din naman ako pinapakailamanan dba? Tama tama.

Pero gusto ko kasi sya.

Wanted Series 1: The Enigmatic YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon