Chapter 26 Away

258 11 0
                                    

AURORA'S POV

1 month. We survived a month already sa islang ito. Naging mas close kami kasi syempre kami kami lang ang nandidito no. Although maraming guards ang nakapalibot sa amin minsan. Halos hindi na din namin sila napapansin.

Pero napansin namin na hindi pa tumatawag sa amin yung mga lalaki. Nakakapagtaka dapat nga eh nakapag usap naman kami kahit isang beses man lang.

Nandito ako sa baba at gumagawa ng breakfast para sa aming lahat. Today is Friday at kinausap nanamin yung chef dito sa bahay na every friday eh kaming mga babae ang magluluto. Nakakasawa din naman kasi ang foreign cuisines. Magdamag na naming kinakain yun. Feeling nga naming lahat na ang taba taba namin eh.

I mixed some batter para sa pandesal na gagawin ko. Aba matagal nakong hindi nakakakain nyan.

Nagsearch pa ako sa net kagabi para sa lulutuin ko.

Nang nailagay ko na sa tray with parchment paper eh inilagay ko na sa nakapreheat kong oven.

Habang hinihintay iyon eh nagluto naman ako ng tocino at tapa. Wala nito dito pero by using some herbs and spices nakakagawa din kami. Thanks sa internet.

"Wow! Ang bango naman!" napaangat ako ng tingin at nakita kong bumababa ang mag ate. Kalong kalong pa ni Francia si Francine na halatang inaantok pa.

"Oo naman! Namiss ko yung mga ito. Kaya nagresearch ako kagabi." sabi ko habang hinahango yung ulam at nilalagay sa mesa.
"Sabagay. Ako nga din para mamayang tanghali, pero teka diba mas bagay kung sinangag ang kasabay ng mga iyan kesa pandesal?" tanong nito.
"Oo nga no. Bat di ko naisip? Hahaha sa susunod na lang baka next week." sabi ko. Tumango naman ito at nakipaglaro sa kapatid na mukhang unti-unti ng nagigising ang diwa.

Maya maya lang luto na yung tinapay at inilagay ko na ito sa table. Nakababa na din nun sila Honey, Reese, Beatrice, Heather at Alexandria. Tapos dinala naman nung maid ni Baby Frost siya sa dining room.

Ako na din halos ang nagaalaga dito kasi umiiyak lang ito sa yaya nya. Lumpait ako sa basket kung saan naglalaman ng formula ni Frost at ginawan sya ng milk.

"Ansarap naman nito. Na miss ko tuloy yung pagkain ng Tapsilog." sabi ni Reese.
"Hindi ko alam yung tapsilog cause we dont eat it at home. But this taste good." sabi ni Alex.
"My friends and I went to one place where they sell Hotsilog, Chicksilog and such. But this taste best!" sabi ni Heather.
Ba mayayaman yang mga iyan ha pero take note kumakain kung saan saan. I like them kasi hindi naman sila maarte, not like other girls. Kaya sila siguro nagustuhan ng mga kabarkada ni Xander.

Pagkatapos naming magsikain hinayaan na namin yung mga maid ang mag ligpit. At nagkayayaang magswimming sa pool. Syempre nagpalit muna kami ng damit. Pero yung mga bata mukhang nakatulog pa ulit kaya pinagsama na lang namin sila sa room nila Francia.

"Wow!" paglabas namin andami nanamang nakalagay na pagkain, mostly sandwiches at different kinds ng juice. Pinapataba talaga kami dito. Pero parang ayoko silang kainin. Bukod sa kakakain ko lang, eh may hinahanap ang panlasa ko. Pero binaliwala ko na to.

Sila ay lumusong na at ako naman ay naglakad lakad. Para kasing maeepatso ako. Pero parang hindi din.

Pagkatapos ay naisipan ko nang sumama sa kanila.

"Huy may chika! May chika itong si Honey!" sabi ni Beatrice.
"Psh... Ikaw talaga hindi pa naman sure eh." sabi naman ng nahihiyang si Honey.
"Spill it!" sigaw ni Alex, alam namin na maikli lang ang pacensya nito.
"Oo na wait lang?" sabi ni honey. Edi pinalibutan namin siya. Parang nagaalangan pa ito.

"Dapat si Matt ang unang makakaalam nito, but since di pa sila tumatawag kayo na muna. "
Sabi nito halata namang naeexcite ang ilan dahil pinanggigigilan na ito sa kupad daw magsalita.

"I'm pregnant! " sabi nito. Nagtilian naman kami.
"Oh em gee! There's a bun in the oven! " sigaw ni Alexis.
"Yiee! Tita na tayo, I mean mga ninang na tayo!" sabi ni Beatrice.
"I'm so happy for you Honey! " bati ko dito at niyakap.
"Ui group hug! " napansin naman nila kami kaya kaming lahat ay nagyakapan na.

BLUE'S POV

Kanina pa kami namomoblema. Yung tanging lead namin para sa lugar kung saan nakatago ang organisasyon ay napahamak pa at nalaman na lang namin na patay na.

"So back to zero huh?" sabi ni France.
"Looks like it. For a month we have that spy, we rely to much on that man. And now nothing. " sabi ni Xander.
"For now all we could do is find another clue. " sabi naman ni Matt.
"Why don't we do something to clear our heads? " suggestion ko.

Tinitigan naman nila ako ng masama.

"Alam mo pre may pinoproblema na nga tayo iba pa din ang iniisip mo. " sabi ni Van.
"Puro ka kalokohan! Maayos mo na bang nakausap yung grupo natin? Sa tagal na nating hindi nagkasama sama baka iniwan na tayo ng mga iyon" sabi sa akin ni Martin. We used to have a gang, at dahil naghiwalay ang grupo noon kaya wala na kaming where abouts nung iba.

"Oo naman, and take note they are already preparing sa dati nating hideout. " proud na sabi ko.
"Ayan buti naman kahit papaano may nauumpisahan na tayo." sabi ni Van.

"But still we got a bigger problem. We have no clue on them, after what they did to ouur parents and loved ones. They immediately hide like good cowards. " sabi ni Xander at halata na ang init ng ulo. Kagabi pa to eh. Kaya hayun ubos lahat ng salamin sa bahay.

Hindi ko na sila pinansin at may kinuha ko sa room ko. The laptop.

Habang sila busy sa discussion ka chat ko ang head security ng bahay kung saan nandodoon ang mga babae. Pinapatawag ko sila para makipagusap, we all know we all miss each other. That's why this built up frustrations keep them mad. Wild Beasts.

"Alam nyo, we could always have the best investigator in the world. " sabi ko sa kanila. Lahat sila ay napatigil sa paguusap at hinarap ako.

"What do you mean Bayley? " sabi ni Martin.
Hindi na ako ang sumagot nun, pumasok si Cloud at may inilapag sa mesang nakapagitna sa amin. A envelope.

"That's what I'm talkin about. " sabi ko at hinarap sa kanila ang laptop.
Mukhang di pa nila napapansin ang iniharap ko.

"All of you have bigger problems than I do. " sabi ko at lahat sila. Napalingon sa screen of course except kay Cloud. Wala naman yan popoblemahin dahil may contact yan dun.

"Ehem... " sabi ng mga nasa screen ng laptop.

At nagkaroon ng choir ng ibat ibang uri ng mura.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wanted Series 1: The Enigmatic YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon