AURORA'S POV
Nagising na lang ako kinaumagahan na wala na akong katabi at tanging malamig na higaan na lang ang kasakasama ko. Napatingin ako sa paligid nakakapanibago. Parang hinahanap hanap na sya ng sistema ko. Pero para sa kapayapaan namin kaya kami nandidito at nalalayo sa kanila.
Bumangon na ako at nagtungo sa banyo. Pero hindi naman ako makalakad, ansakit kaya try mo! De joke lang. Binilisan ko na ang pagligo kasi kumakalam na ang sikmura ko at gutom na daw ang mga alaga ko.
Pagbaba ko pa lang sa hagdan naririnig ko na ang mga tawanan na nanggagaling sa balcony kaya dun na ako dumiretso.
"Good Morning!" bati ko sa kanila. Humarap naman sila sa akin.
"Good Morning Aurora!" sabay namang bati nila.
"Aurora dito ka na!" sabi ni Francia sa tabi nya. Yung mga bata naman nakaupo sa high chair.
"Thank you." sabi ko at inabutan naman ako ni Honey ng toast. Tuloy lang pagkuha ko ng iba pang pagkain. Excuse me gutom ako noh."So since wala ang mga boys and we dont know how long will it be. Any suggestions kung ano pedeng gawin sa boring na place na ito." sabi ni Alexandria.
"Oo nga wala man lang magawa." sabi naman ni Reese at umagree naman kaming lahat.
"Bakit di muna tayo magswimming? Maganda ang araw ngayon and first time lang natin sa place na ito." sabi naman ni Heather.
"Ay magandang idea yan! I need some tan! Kayo din pala! We all look so pale with all this eksena na so dangerous!" dagdag ni Beatrice.
"Sabagay, matagal na din kaming hindi nakakapagswimming sa dagat nereng si Francine!" sabi nito at kinurot ang pisngi ng kapatid. Pero mukhang badmood ito kaya umiiyak."Eto naman di naman masakit pagkakakurot ko sayo eh! Sorry na. Love ka ni ate sorry na. Than na please." sabi nito sa kapatid pero wala pa din. Nakatingin lang kami sa kanya at nakangiti. Sobrang malambot ang puso ni Francia sa kapatid nya.
Pero sa pagiyak ni Francine may isang gusto din umiyak. Si Frost. Lahat napangiwi ng marinig namin ang napakatinis na iyak nito. Mas malakas pa kay Francine kaya si Francine ay biglang natahimik at tumahan na habang nakatingin kay Frost.
"OMG, can someone stop that baby's cry?" sabi ni Alex nagkakatinginan naman kaming lahat.
"Sa tatay nya lang ata tumatahan iyan eh." sabi ni Reese.Mukhang tama nga kasi hindi naman tumatahan yung bata kahit hinehele na nung maid nya.
Tumayo na lang ako since kawawa yung bata namumula na kakaiyak."Give him to me." sabi ko dun sa maid na nakaassign kay Frost.
Mukhang narelieved naman yung maid kaya dali daling ibinigay sa akin.Pagkahawak ko pa lang dito ay humina na ang pagiyak nito at dahan dahang inihele.
"Naks naman Aurora gusto ka nung bata ah." sabi ni Reese.
"Sanay lang talaga ko humawak ng bata." sabi ko.
"Sabagay inaalagan mo nga pala itong maldita kong kapatid." sabi ni Francia habang pinapakin si Francine.
"Let's eat ulit! Aurora kumain ka muna?" sabi ni Honey.
"Yup mukhang dina iiyak yan kaya kumsin kana. Kailangan kong linisin pa yung sugat mo." sabi ni Alex. Nakakagulat talaga pag nagtatagalog ito kasi yung kapatid nya kung makapagenglish wala ng bukas.
"Sige kakain ako pero bubuhatin ko na lang to at baka umiyak nanaman bugnutin ata. " biro ko at tumawa naman sila at nagpatuloy na kami sa pagkain.Nakapagbihis na kaming lahat para magswimming. Napaka ganda nung dagat kulay asul talaga tapos yung sand nya white na white. Sana nga may ganto sa pinas. Masyado nang polluted ang mga beaches doon eh.
May cottage dito sa may beach na kumpleto na ang gamit. Magluluto na lang kami. Hindi na kami nagpasama ng maid kasi hello nakakahiya naman puro kain na lang ang gagawin namin dito. Pero may kasama kaming mga bodyguards na nagpapatrol sa vicinity.
Isinama na din namin ang mga bata. Maaga pa kasi kaya hindi pa oras para matulog sila.
"Aurora, sorry to say this sa tingin ko sa sugat mo hindi ka pa pedeng magswimming ngayon. Kaya dito ka muna ha? Please understand maiinffect yan pagnagkataon." sabi ni Alex.
"It's ok. Ako na lang ang magbabantay sa mga bata at magluluto dito. Magenjoy na lang kayo!" sabi ko at nagpaalam nadin ito at sumunod sa iba.
"Pst!" baling ko kay Francia.
"Oh? Bat di ka pa lumangoy andun na sila ah" sabi ko habang inaayos ng pagkakahiga ni Frost sa stroller nya at umiinom ng gatas.
"Baka nalulungkot ka kasi dito kaya sasamahan na kita." sabi nito at pinapakain si Francine sa high chair.
"Wow ha. Ok lang ako, nakuwento mo sa akin na matagal na panahon na ang nakalipas nung nakaligo ka sa dagat. Lumusong ka na dun at ako na dyan." sabi ko.
"Hindi na ok lang ako. Marami pang time, tsaka ikaw pa lang ang kaibigan ko dito no. Hindi ko pa sila masyadong kakilala. Nakakahiya pa." sabi nito.Naupo ako sa tabi nito na sofa dito sa cottage at itinabi ko naman sa akin yung stroller ni Frost.
"Wala ka nun ui. Hahaha" sabi ko at nagtawanan naman kami.
"Magluto na lang tayo! Mamaya gutom na mga iyon." sabi ni Francia.
"Ok. May mga pagkain naman dun sa ref. Kumpleto pa. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ref na punong puno ng mga pagkain. Feeling ko tataba tayong lahat dito hahaha." sabi nito. Sabagay every one week sabi sa akin ni Xander ay ichinecheck yung mga stocks at pinapalitan agad. Mga mayayaman talaga."Pero alam mo nagulat talaga ako nung malamang andito din kayo." sabi ko. Nakita ko namang namula ito.
"A... Ano kami din haha. Nagulat na lang kami na biglang sumulpot sa bahay namin si France tapos pinagiimpake kami ayun." simpleng sabi nito.
"Gusto ka nya." sabi ko na mas lalong kinapula nya.
"Hi... Hindi ah! Kung ano ano sinasabi mo dyan!" nailang bigla ito.
"Gusto mo sya?" bigla namang nasamid ito kahit wala namang iniinom o kinakain.
"Hahahahha ansaya mong pagtripan!" sabi ko.
"Ansama mo! Ikaw talaga! Magluto ka na lang kaya!" sabi nito na ikinatawa ko na lang ulit at nagluto na kami.Napatingin naman ako sa dagat.
Isang araw pa lang, nakakaisang araw pa lang kami dito. Kamusta ka na? Kumain ka na ba? Hindi ka pa naman kumakain sa tamang oras lalo na kapag may problema ka. Nga pala.
Miss na kita.
BINABASA MO ANG
Wanted Series 1: The Enigmatic You
RomanceDrake Xander Fortes, businessman. Tall, Dark and Handsome. Everyone tries to befriend him. Why not? He's the richest man in the country and in some part of the states. Everyone knows him and no one dares reject him. But his past is hunting him down...