AURORA'S POV
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na natutulog, nangangalay na kasi ang mga paa ko pero pakiramdam ko ay para kong lumulutang. Parang nakakapanibago. Nararamdaman ko din na may kumikirot sa likod ko, katulad nung nabaril ako.
Dinilat ko unti unti ang aking mga mata nakakapanibago at nakita kong malapit ng lumubog ang araw. Ngunit may mga ulap.
'This is Pilot Lance Roque of Plane 1434 of Airline Fortes. Please fasten your seatbelts. In a few minutes we will land on Island ****** . Thank you.'Flight?! Island ******?! Shocks! Di ko alam na nakasakay na pala ako ng eroplano ng hnd ko alam. Tsaka saan naman yung Island ****** nayun?
"Your awake." bumaling ang tingin ko sa may pinto. Nakita ko si Xander at nasa likod nito si Sir Blue.
"A... Anong? Nasaan ako?" napangiwi ako dahil sumasakit ang likod ko. Nang kapain ko ito ay meron nanamang benda.
"Before anything else. Let me fasten you on your seatbelt. We'll talk later." sabi nito. Hindi na ako nakapagtanong pa dahil parang nahihilo ako since first time ngang sumakay eh hindi pa ako sanay. Obviously.
Lumapit ito sa hinihigaan ko at may kinuha sa likod nito. Seatbelt. At kinabit sa akin.
"Wag ka munang kikilos kasi bumukas ulit sugat mo sa likod. Relax ka lang dyan." sabi ni Sir Blue. Tumango naman ako at yung dalawa ay umupo sa upuan at nagsuot din ng seatbelt.
Nararamdaman kong dahan dahang bumababa yung ereplano. Kahit kinakabahan ay ok lang. Hindi ko rin matignan yung dalawa. Nakakahiya. Dahil pagka umuuga ng konti yung eroplano.napapatili ako.
After a few minutes. Namatay na ang ilaw para sa sign na kailangang magfasten ng seatbelt.
"We have successfully landed on Island ******. Thank you and Enjoy your stay."Kinalma ko muna ang sarili ko at ako na ang nagtanggal ng seatbelt ko.
Tok... Tok...
"Sir. The preparations are complete. The cars already arrived and they are waiting for you downstairs." sabi nung stewardes na nasa pintuan.
"Ok." sabi ni Xander. Lumabas na ang babae at si Blue naman ay tinutulungan akong makapag ayos.
"Na... Nasaan ba tayo?" tanong ko kay Blue. Na inaalalayan ako.
"Let me." Pinalitan ni Xander si Blue at nauna na itong lumabas.
"Bakit ba hindi nyo sinasagot ang tanong ko." nakakunot na tanong ko.
"We all are in my island." simpleng sagot nito. Naglalakad na kami sa hallway ng eroplano. Napansin ko din na iba na ang damit ko.
"Bakit andito tayo? Di ba may pasok pa tayo bukas? May kameeting ka ba?"
"You don't you remember." tanong nito.
Ang alin?
Dahan dahan kong naaalala ang nangyari. Pagsabog. Kaya pala naka benda nanaman ang likod ko.
"I... I remember." sagot ko. Bigla akong nanlamig, pangalawang beses na ito.
"You can tell me what happen yesterday. I will tell you what we are doing here." paliwanag nito. Hindi na ako nakasagot. Paglabas namin, may 5 sasakyang naghihintay sa amin. Nakita kong nagsisisakayan ang ibang tao pero ang mga nakilala ko lang ay yung mga kaibigan ni Xander.
Inalalayan ako nito para makasakay sa sasakyan at umikot ito para sumakay sa kabilang upuan.
Tahimik lang ang byahe, walang nagiimikan sa amin.
Malayo ang parang hacienda ni Xander. Pero alam ko na sakanya itong lugar na ito. Wala masyadong tao pero di kalaunan makakakita ka nang ilang mga bahay sa di kalayuan. Pero parang makaluma lang ang ayos ng mga ito.
Biglang dumilim, kasi dumadaan kami sa puro matatayog na puno kaya't nahaharangan nito yung araw.
"We're here." banggit ni Xander. Biglang lumiwanag ulit at nakita ko na. Ang ganda ganda ng lugar. Sa di kalayuan may mga taniman ng grapes, tas may mga puno din ng mansanas. Sa kabilang panig naman ng daan, may mga nagaani na ng palay? Di ko alam eh.
May mga nakita din akong mga hayop.na pagala gala sa loob ng hacienda nya. Basta di ko alam tawag sa lugar nya.Ilang minuto lang ang nakalipas, bumagal ang takbo ng kotse at pagsilip ko ay may isang napakagandang bahay, hindi, mansyon pala.
Mayroon itong fountain sa entrance ng gate at napapaligiran ng mga bulaklak. Roses to be exact.
"Wow" di ko napigilang sabihin.
Ng makita ko ang bahay ng malapitan. Ang kulay nito ay cream at black. May patio sa harapan ng bahay at may balcony naman sa taas. Ang mga furnitures din na ginamit ay cream at black.
" Shall we?" rinig kong sabi ni Xander. Nakahinto na pala kami. Tumango naman ako at inalalayan ni Xander pagbaba.
Madami agad na sumalubong na tao sa amin, pero mapaghahalataan mong ibang lahi ang mga ito."God natt Mr. Xander. Hur var ditt flyg?" sabi nito.
"Bra tur. Hur var platsen?"
"Fortsätt antingen exporterar produkter till olika länder."
"Tack. Vänligen förbereda rum för gäster att slapna av innan middagen."
"Följ."
Yun ang huling sabi nito. Kahit hindi ko sila naiintindihan at nagkibit balikat lang ako.
Inupo muna ako ni Xander sa isang upuan sa patio at nagtungo sa mga kaibigan. So ngayon lahat ng kasama kanina ng mga kaibigan ni Xander ay nandidito at nakaupo din.
"Hi." bati sa akin ng babaeng nasa harap ko.
"Hello." bati ko din.
"Ako nga pala si Heather Vasquez. Nice to meet you." sabay lahad nito.
Inabot ko ito ng dahan dahan.
"Aurora Elizabeth Marie Cruz. Nice too meet you too." sabi ko. Dahil dyan nagpakilala na din sa akin yung iba pang kasama. Pero parang may pamilyar akong narinig mula sa likuran ko.
"Anu ba yan Francine, wag kang masyadong malikot. Excited ka naman eh!" napaka pamilyar talaga ng boses nito, kaya lumingon ako ng dahan dahan."Francia?!" "Aurora?!"
BINABASA MO ANG
Wanted Series 1: The Enigmatic You
RomanceDrake Xander Fortes, businessman. Tall, Dark and Handsome. Everyone tries to befriend him. Why not? He's the richest man in the country and in some part of the states. Everyone knows him and no one dares reject him. But his past is hunting him down...