Chapter 24 Dawn

189 10 0
                                    

FRANCIA'S POV

Ngayon lang ako magpopov kaya pagpacensyahan nyo na.

Andito kaming lahat sa isang dining room na may mesang mahaba at maraming upuan. Maraming pagkain at parang pasko nga sa dami eh. Andito na lahat maliban na lang kila Xander at Aurora, tignan mo yung babaeng iyon porke may papang kasama eh hindi na umalis dun sa piling nya. Ako? Nastuck kay France. Pwe. Wala na kaming ibang ginawa kundi ang magtalo.

Eh ano ba gusto mo ang iba nyong gawin? Hmmm...

Wala kaya! Manahimik ka na lang dyan sa sulok ng utak ko!

Defensive.

Nakakaloka pala makipagusap sa sarili.

"Wala na bang mas kokonte pa dyan sa mga kinuha mo?" sabi nito sa akin habang tinuturo ang pinggan ko.
Ano nanaman ang masama sa plato ko? Tinignan ko lang ito na parang tinatanong kung ano bang problema nito sa akin?

"Hindi mauubos yang mga pagkain, kaya dahan dahan ka lang sa pagkuha. Punong puno na ang plato mo." sabi nito at pinagpatuloy ang pagkain.
"Sus, walang pakealamanan, kumain ka na lang." sabi ko at nagpatuloy sa pagkain, syempre di lang naman sa akin itong mga pagkain na ito, hati kaya kami ni Francine.

Hanggang matapos ang dinner at lahat ay nasa balcony hindi na lumitaw ang mag amo.

NakakaOP naman dito. Kasi puro magjowa ang magkakasama, mga nagmomoment. Exept kay Cloud na kalong kalong lang yung baby nyang cute at may sarili silang mundo at nagmomoment.

Biglang tumabi sa akin si France at napatingin naman ako sa kanya.

"Sa dami ba naman ng uupuan dito ka pa naupo?" sabi ko, di ko talaga sya feel eh.
"Wala lang, masama na pala maupo ngayon dito? Binili mo ba to?" sagot naman nito.
"Hindi!" sagot ko. Pagkatapos noon hindi ko na sya pinansin. Yung mga bata eh tulog na sa taas.

Ineenjoy ko lang ang lamig at ang mga bituin ng magsalita ulit itong katabi ko.

"Alam mo ba kung bakit kita sinama dito?" tanong nya. Oo nga noh? Hnd pa naman nya kasi sinasabi sa akin ang reason kung bakit nya kami nihatak ni Francine dito.
"Bakit?" tanong ko. Tapos humarap ito sa akin at tinignan ako sa mata. At nagulat din ako ng hawakan nya ang kamay ko. Ang lambot, ang init.

"Kasi una palang kitang nakita, promise. Nagustuhan talaga kita." seryosong sabi nito.

Wala akong masabi sa kanya, as in. Hawak hawak nya lang ang kamay ko at pinipisil pisil. Kahit nararamdaman ko iyon wala akong ginagawa. Kasi mas nakakawindang ang revelation nya sa akin.

"Se... Seryoso ka? Ka... Kahit madalas kitang inaaway tuwing magkikita tayo? Kahit lagi kitang sinasamaan ng tingin at inaaway?! Seryoso ka talaga?!" sabi ko. Ayaw kasi tanggapin ng sistema ko ang sinasabi nya.

"Yeah, hindi ba halata? Sabagay manhid ka nga pala. Hahahaha. Pero seryoso ako. Gusto kita. Kaya sana pagnatapos ang lahat ng ito. Sana... Sana maging tayo."

AURORA'S POV

Kalagitnaan na ng gabi kami nagising at sabay na bumaba na magkahawak kamay. Dumiretso na kami sa kusina at sya na daw ang magluluto.

"What do you want to eat?" sabi nito habang naghahalungkat sa ref. Perong titig na titig lang ako sa topless na katawan nito. Hindi na sya nagabala pang magtshirt, ako lang naman daw ang makakakita. Sabagay hahaha.

"Anything that you want to cook. I don't mind." sabi ko. Tumango naman ito at naglabas ng chicken, white bread at nutella.

Pinrito nya yung chicken at naginit ng bread. Nagtimpla na din ito ng milk para sa aming dalawa. Syempre ako taga masid, audience ba. Sarap kaya ng view, hindi yung pagkain.

"Here." sabay lapag nito sa aking harap. Umupo naman agad ito sa stool sa may island table.

"Do you like it?" tanong nito.
"Oo naman kahit chicken at tinapay lang to. Masarap kaya pag may nutella! Oh!" sabi ko sabay umang ng tinapay na may palamang chicken at nutella. Muk&a namang nagaalalangan pa ito pero sumubo pa rin.
"Hmm... Yup it's delicious." sabi nito na sabay pahid sa chocolate na sumabit sa gilid ng bibig nito.

Kaya imbes na pagnasaan ko pa ang bibig nitong delicious ay kinain ko ulit yung sandwich ko. Kain lang ako ng kain.

"Wait." sabi nito. Napatingin naman ako sa kanya na may halong pagtataka.

"You got something here." sabi nito habang tinuturo yung sa bibig ko?

Pilit kong kinakapa kung saan pero wala naman eh, niloloko lang ata ako ng isang ito.

"Wala naman eh!" sabi ko at pagpapatuloy na dapat ang pagkain ko ng bigla nyang pigilan ang kamay ko kung nasaan ang pagkain at dumukwang ito.

Hinalikan na nya ako, pero hindi naman sa lips mismo, bandang gilid pa ng lips ko pero ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga sa labi ko.

Umalis dn ito agad pero hindi na nya nagawa pa iyon dahil ako na mismo ang humalik sa kanya. Hind8 ko alam kung nailagay ko ba sa plato pa yung kinakain ko.

Hindi ko nga alam kung gaano kami katagal nag hahalikan basta nag alam ko na lang ay lumalalim na ito na lumalalim.

"I like you."

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Humiwalay si Xander kay Aurora pero halata pa din ang apoy sa kanyang mga mata mula sa kanilang paghahalikan.

Panandalian pa lang ang pagalis nito pero binalik agad ang labi nito sa labi ng dalaga. Ngunit mas malambot na at katamtaman lang ang kanilang paghahalikan hindi katulad ng kanina.

Dirediretso lang ang paghahalikan nilang hanggang sa makarating sila sa kwarto ng binata.

"Are you sure?" tanong ni Xander kay Aurora. Hindi naman alam ni Aurora kung saan sya tinatanong nito, kung sa pagsabi ba nya kanina sa lalaki ng 'i like you' o sa ginagawa nila ngayon. Pero isang sagot lang naman ang alam nya.

"Yup." sabi nito at tuluyan ng sinakop ni Xander ang mapupulang labi ulit ni Aurora at ngayon ay wala ng makakapigil sa kanilang dalawa.

AURORA'S POV

Naalimpungatan ako dahil sumasakit ang katawang ko, aba hindi ko naman aakalain na masakit pala iyon, on the other hand yummy!

Napatingin ito sa akap akap nya na tulog pa. Hanggang hating gabi ba naman sa isip isip nya. Nagpalit lang sya ng pwesto dahil nangangalay na sya sa pwesto nya. Tumalikod sya kay Xander pero niyakap pa rin sya nito mula sa likuran. Tinignan nya ito sa pagaakalang gising na pero hindi pa pala.

Sa di kalayuan tanaw na tanaw nya mula sa dagat ang pasilang na araw. Nagrereflect ang kulay nito sa dagat kaya naman hindi nya mapigilang mapagisip ng mga nangyari nitong nakaraan.

"Kung sana habang buhay na lang tayong ganito, pero ikaw ba gusto mo na ako?" huling sabi nito at dinama ang akap ng lalaki kahit ngayon lang.

Saksi ang padating na liwanag sa mga magkasintahang nagpapaalamanan sa isa't isa at hindi sigurado kung matatapos ba ang gulo sa mga buhay nila.


Wanted Series 1: The Enigmatic YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon