=CHAPTER 13.2 : Table Tennis Varsity Team =

739 18 3
                                    

=CHAPTER 13.2 : Table Tennis Varsity Team=

CHARLIE'S POV

    After Class. Ngayon na yung try out namin sa table tennis. Naku, makakapasok kaya ako? Kinakabahan ako kasi hindi naman ako handa. Kanina ko lang kasi nalaman na may try-outs pala ngayon para sa table tennis. Sabay na kaming pumunta ni Vincent sa gym kasi may practice din sila ng basketball.

      Sana talaga makasali ako sa varsity team. Pero, hindi pa rin maalis sa isip ko ang isang tanong: bakit kaya nagquit yung coach and captain nila? Itanong ko na lang kaya sa kanila mamaya? Hindi naman sa pagiging chismoso, curious lang kasi talaga ako kung bakit sila umalis. Isipin niyo, coach tsaka captain ng isang team, aalis nang biglaan sa team nila? Tsaka anong malay natin, baka makatulong pa ako sa kanila na pabalikin yung dalawang pinakaimportanteng tao sa team, o kahit hindi man, may maitulong man lang ako sa problema ng team, diba?

        Pagkarating namin sa gym, pumunta na agad si Vin dun sa basketball team para magpractice. Samantalang ako naman, pupunta na ko dun sa mga nagtatryout. Habang naglalakad ako, hinahanap ko yung mga nakausap ko kanina, sina John at Christian. At nakita ko naman agad si Christian. Nakita niya rin naman ako agad.

Christian: buti naman dumating ka.

Ako: marami din bang magtatry out?

Christian: oo eh.. madami-dami din.. lalo na sa mga freshmen..

      Nagsisimula na nga yung tryout at mukhang magagaling nga sila. Talaga ngang naghanap sila ng mga pwedeng magtryout sa team nila.

Christian: upo ka muna dito oh.

    Umupo ako sa inabot saking monoblock ni Christian. Nakakangalay maghintay habang nakatayo eh. 

Ako: Ahmm... Maitanong ko lang, bakit nga pala nagquit yung coach and captain niyo?

Christian: Dahil yun sa pagkatalo ng captain namin 2 years ago, kaya nagquit si coach. So 2nd year high school pa lang tayo nun..  

    Pagkatalo? Dahil lang sa pagkatalo, nagquit yung coach nila? 

Christian: Meron kasing girlfriend dati si Captain.. Mahal na mahal niya yung girlfriend niyang yun.. Kung gaano niya kamahal ang table tennis, ganun din sa girlfriend niya. Minsan nga pumupunta pa dito yung babae sa practice namin eh. Pero isang beses, nahuli ni captain na may ibang kahalikan yung girlfriend niya at dito pa talaga sa school natin. Dahil dun, nakipagbreak siya sa girlfriend niya at simula nun, lagi nang nagpupunta sa bar si Captain, umiinom. Hindi na rin siya nagpupunta sa mga practice namin.

Ako: So dahil hindi na siya nakakapagpractice, natalo siya sa laro niya?

Christian: Tama! tapos dahil nga naging pasaway siya, kahit si coach sinusuway na niya. Minsan nga-- ay madalas pala na si coach pa yung sumusundo kay capatin sa bar para lang patiggilin sa paginom. Kaso, si captain hindi talaga nagpapaawat at minumura pa si coach. And dahil dun, naiinis si Coach kay acptain dahil imbes na ang team at ang pag-aaral ang unahin, ang pagbubulakbol pa ang inuuna. Tas yun, nung natalo nga si captain sa laro niya sa championship, tuluyan nang nagquit si Coach. Hindi lang sa sobrang galit ni coach kay captain, masyado rin kasing nadisappoint si coach. Ang akala niya kasi, talagang pangarap ni Captain ang table tennis. Tsaka alam mo yang si captain, napakabait nun eh, tapos hindi mo makikitang aabsent o malelate sa klase o sa parctice. Kaya, pare-parehas kaming nanibago kay captain noon.

Ako: grabe naman pala yung nangyari eh noh? Akala ko dahil hindi gaanong nananalo ang team kaya nagquit si coach.

Christian: Actually, isa din yun sa dahilan eh, ahehehe.

MR. SHE : Her Senior YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon