=CHAPTER 14 : Welcome Back =

655 17 3
                                    

= CHAPTER 14 : Welcome Back =

CHARLIE'S POV

   Sino yun? Tinignan kong maigi kung sino yung naglalaro, may kasabay pala akong nagpapractice eh. Hindi ako makita yung mukha niya sa malayuan kaya dahan-dahan akong lumapit at napahinto ako nang makita ko kung sino yung naglalaro.

(- , -) --> ( ~ , ~ ) --> (o , o) --> (o , o) --> (0 , 0) --> (O , O) -AKO

       Uy, si MVP ba yun?! Pero anong oras na ah, bakit nagpapractice pa siya? Eh diba may practice naman sila kanina? Tsaka hindi naman siguro niya kailangang magpractice para magtryout uli diba? Umupo muna ako sa isa sa mga upuan ng audience, manunuod muna ako. Doon ako nakaupo sa medyo malayo sa kanya. Yung tipong hindi ako makikita at mapapansin kasi ayokong makaistorbo, gusto ko lang manuod. Bakit kaya ganitong oras siya nagpapractice? Hindi ko maiwasang mapaisip. Kaya siguro sobrang galing niya, kasi palagi siyang nageensayo? Para rin pala siyang si Vin, mahal na mahal din niya ang basketball.

     Habang nanunuod ako, bigla siyang napahinto. Napatingin sa paligid, at napatingin sa direksyon ng upuan ko. Nakita kaya niya ko?

Anthony: Kanina ka pa diyan? 

          Sabi ko nga, nakita nga niya ko.

Ako: ah hindi naman.. nagpapractice ka pa hanggang ngayon?

         Pumunta siya sa pwesto ko at umupo dun sa upuan na malapit sa upuan ko, mga 4 seats away.

Anthony: hindi naman.. pampalipas oras lang..

Ako: ah.. 

Anthony: eh ikaw?.. bakit nandito ka nga pala..

Ako: Ha? Ay, actually galing ako sa table tennis room..

Anthony: nagpractice ka doon? mag-isa?

Ako: ah oo nagpractice ako.. pero nakalaro ko si Captain Jake.. 

Anthony: Si Jake? eh diba nagquit na yun?

Ako: ou nga eh.. pero sabi niya babalik na din siya.. 

Anthony: that's good then.. matagal na din kasing nonactive ang table tennis varsity team simula nung nagquit yung coach nila tsaka si Jake..

Ako: kaya nga eh..

       Tumayo siya, dahil may pinuntahan siya dun sa malayong upuan. Tapos bumalik siya daladala yung mga gamit niya, at inilapag niya sa katabing upuan ang mga iyon, sabay kumuha ng towel tsaka water bottle. Pagkatapos, nagpunas siya ng pawis niya sa ulo. Maya-maya, tinanggal niya yung pantaas niya, na siya namang ikinagulat ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya pero hindi ako nagpahalata na nagulat ako. Hinubad niya yung pantaan niya para punasan ang pawis niya. At muli, nakita ko na naman yung, yung- yung abs niya. Parang nakakailang kasi sabihin eh. 

Anthony: Tara balik na tayo sa dorm.

    Sabay na kaming bumalik sa dorm. Sigurado akong kanina pa naghihintay ng kasama si Vin sa dorm mula noong tumakbo ako dito sa gym para magpractice.          

    DORM. Nauna akong pumasok sa dorm, nakita ko naman si Vin sa sala at nakita niya din ako. Pagkapasok ko, pumasok na rin naman agad si Anthony sa loob.

Vin: ui Best! andyan ka na- oh Seth, andito ka na rin? aga mo ata..

Anthony: Oo. actually, sumabay na ko kay Charlie sa paguwi dito.. nakita ko kasi siya sa gym eh..

Vin: ah ganun ba? kaya pala ang aga mo eh..

     Teka anong oras na ba? 9:03 pm pa lang pala, at ngayon ko lang napansin na maaga ngang nakauwi si Anthony kumpara sa mga kadalasang oras ng uwi niya. Pero, mas maaga siya ngayon, so ibig sabihin yun lang ang ginagawa niya tuwing nalalate siya ng uwi all this time? Grabe naman pagkaadik neto sa basketball!

MR. SHE : Her Senior YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon