=CHAPTER 12 : Club Week =

764 19 2
                                    

=CHAPTER 12 : Club Week =

CHARLIE'S POV

     Club week. Ito na ang linggo kung saan sasali na kami sa mga clubs na napili namin. At dahil ito na ang araw kung saan kailangan na ng mga estudyante ng JHU na mamili ng club na sasalihan para sa buong taon, kailangan ko na rin talagang pumili ng club na sasalihan. At isa pa, isa-isa nang nagpupuntahan yung mga club advisers dito sa room namin kada subject para lang iendorse yung club nila. Buti wala pa yung sa Math & Sports club (yun lang kasi yung pinagpipiliian kong clubs). Ngayong subject namin, theater club adviser ang nandito sa classroom para magtanong ng mga gustong sumali. Wala namang gustong sumali sa amin sa theater club kasi para daw pambading. Hindi naman ah, ok pa sana kung ang dahilan nila eh dahil iba ang passion nila kaya ayaw nilang sumali. Diba reader? Mas acceptable naman pakinggan 'pag ganun. Ayun, umabas na yung theater club adviser nang malungkot dahil wala siyang nahatak sa section namin. Pagkalabas niya, pinagpatuloy na namin yung lesson namin. Sinisingit lang kasi ng mga advisers ng bawat club yung pageendorse sa club nila kada subject. Kumbaga eextra muna sila saglit, then pag labas nila, tsaka lang itutuloy yung discussion. Pero para lang yun sa mga advisers ng club na hindi namin teacher o yung mga teacher na walang subject samin. Syempre para sa mga advisers ng club na may subject samin, dun nila ginagamit yung time nila para magendorse ng club. 

  Ano nga bang next subject namin? Tinignan ko yung schedule ko sa notebook at English ang susunod na subject namin. May oras pa ko para mag-isip.

....English subject. Nandito kami ngayon sa speech laboratory dahil dito kami nagkaklase tuwing English time. Pero bago kami maglesson, magpapalista muna yung mga gustong sumali sa English club. Si Ms. Diamond ang adviser ng English club dahil siya rin ang English teacher ng high school department.

Ms. Diamond: Good afternoon class.

Class: Good afternoon Ms. Diamond.

Ms. Diamond : You may now take your seat..

      Umupo kaming lahat pagkatapos bumati. 

Ms.Diamond : First of all.. I will just ask you if you have decided in which club to join. Has anyone here already signed up for their chosen clubs?

      Nagtaas ng kamay yung iba. Nakapagsign up na kasi sila sa science club, dance club, tsaka journalism club. Pwera na nga lang sa theater club na pambakla daw. Kawawang Mr. Baer. Yes reader, Mr. Baer ang pangalan ng teather club adviser dito sa school, Baer (you pronounce it as Bear). Nakakatuwang pangalan noh? Oooppss, may pinagkaiba ang nakakatuwa sa nakakatawa ha?Kaso inaasar siya dahil sa pangalan niya. Pero mabait na teacher yun. Balik tayo sa kwento. Syempre dahil english teacher namin si Ms.Diamond at adviser din ng English club, ngayon siya magpapasign up ng students sa english club sa klase namin. Paulit-ulit na ba ako? Haha, ok lang yan para hindi tayo maligaw dahil sa mga sinisingit kong mga kung anu-anong kadaldalan.

Ms.Diamond: for those who wanted to join English club or speech club, please come here infront and sign up.

    Nagsitayuan na yung iba naming classmates, tumayo din si MVP. Teka, sasali siya sa Speech club? Eh diba sa basketball team siya? Pwede bang ganun?

Ako: sasali siya sa speech club, eh diba sa kasali din siya sa Basketball Team? pwede pala yun? <Bulong ko sa sarili ko>

Kevin: Oo naman dude.

     Nagulat ako nang sumagot yung katabi kong si Kevin. Ganun pala! Kahit muntik na akong mahulog sa upuan ko dahil sa gulat, mabuti na lang at sumagot yung katabi ko. Sowsss, akala ko pa naman hindi na pwedeng maging varsity unless nasa sports club ka. Ayan, problem solved! Sa Math Club na nga ako sasali dahil nakumpirma ko na ngang pwede pa rin akong maging varsity sa table tennis team kahit na hindi ako kasali sa sports club.  This is it. This is really is it is it! I will join Math club~

MR. SHE : Her Senior YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon